Chapter 34 - Couple WHAT?!

11.1K 186 33
                                    


Author's Note: 
Sorry sa matagal na pag-iintay. Ngayon lang kasi lumuwag ang schedule ko. Haaay. Hirap ng buhay ganito ano? Haha. Pero, salamat sa mga nakakaintindi. 

---

Julia's POV

"Seriously, Julia?! You guys almost did it? Pero di natuloy gawa nung ulan?!" I nodded at Kath.

Nakwento ko kasi sa kanya yung star gazing moment namin ni Quen kagabi at ang pambihirang ulan na pumutol sa mala-fairytale naming eksena. And like the usual, Kathryn is over reacting. 

"Kung andun lang ako, pag-uuntugin ko lang kayong dalawa! Nakakainis. Obvious naman na gusto mo si Quen, at gusto ka ni Quen!!" Pasigaw niyang sabi kaya agad kong tinakpan ng kamay ko ang bibig niya. 

"Loka loka to!! Baka may makarinig sayo."

Naglalakad kasi kami dito sa quadrangle ng Apollo. Mamaya pa ang start ng klase namin kaya naisipan naming gumala muna. 

Sapilitang tinanggal ni Kath ang kamay ko sa bibig niya. "Bakit? Totoo naman diba? Ang tatanda niyo na para sa MU! I-next level niyo na yan! Obvious na e." =____= 

"Baliw ka. Anong obvious? Ang obvious ay pinopower trip lang ako ni Quen kagabi. At ang isa pang obvious ay mahal pa rin niya si Coleen. Kaya tantanan mo ako sa mga iniisip mo, kasi walang katotohanan yan! At never mangyayari yang MU na sinasabi mo." 

"Tss. Bahala ka! Basta pag totoo ang sinasabi ko na MU na kayo, ililibre mo ang one month lunch ko." 

"Asa Kathryn. Asa ka! Hahaha." 

Naputol ang pinag-uusapan namin nang makasalubong namin si Enchong. "Uy Kath, Julia. May meeting ang drama, music and arts, dance club sa session hall ngayon na." 

"Bakit daw?" Kathryn. 

"Announcement daw e. About sa play." Enchong.

"Ganon?! Tara na, Kath!!" And with that, hinila ko na si Kath patakbong session hall.

Kinabahan kasi ako sa announcement about sa play. Ako ang bida diba? So nakakakaba talaga. Kung kakamustahin niyo ang mga linya ko, ayos naman. Saulo ko na at tinutulungan naman ako ni Ate Anne sa emotions and such. Pang best actress ata ako! Haha. 

** 

Naabutan naming naka-upo na ang Parking 5 plus Robi, Khalil and Quen sa isang bench. Umupo agad si Kath sa tabi ni Daniel, and I was about to sit beside Kats nang biglang tinawag ako ni Sam. Napatingin tuloy ako sa kanya. 

"Julia!" Sam. 

Pinagtaasan ko siya ng kilay and mouthed, "Bakit?" 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceWhere stories live. Discover now