Chapter 28 - EnriLeen? JulSam?

10.9K 163 20
                                    


Normal POV

Quen opened his eyes nang masinagan ng araw ang bintana niya. Tinatamad pa siyang bumangon. Masarap naman kasi talagang matulog pagkatapos ng isang napaka-busy na linggo. Haaaay! 

*bzzt bzzt* 

He grabbed his fone on his side table nang biglang may magtext. It was from Coleen! He immediately stood and sat on the side of his bed saka binuksan ang message ni Coleen. 

From: Coleen
Goodmorning Quen! See you in a bit. 

Napaisip si Quen. See you in a bit? Ehhh?! Ano daw?! Nang maalalang may date nga pala sila ni Coleen, napatingin agad siya sa orasan. 

"Sheet. 10:00 na!!" Agad siyang tumakbo papasok ng cr sa kwarto niya at naligo. It took him 15 minutes para maligo tapos ay naghanap na siya ng matinong susuotin. Simpleng jeans at t-shirt lang ang suot niya pero hindi iyon naka-bawas sa kagwapuhan ni Enrique. Nag-ayos siya ng buhok at nagpabango. Tapos ay lumabas na ng kwarto. 

Naabutan niyang naghahanda ng agahan si Lester. Parang pwede na talagang mag-asawa ang isang to ah! 

"A very goodmorning, Quenito!" Lester sang. Bigla namang kumunot ang noo ni Quen sa narinig. Hindi kasi siya sanay na kay Lester nanggagaling ang pangalang iyon. He thought of Julia. Mas maganda kasi pakinggan pag nanggaling kay Julia.

"Stop calling me Quenito. Si Julia lang ang may karapatang tawagin ako niyan." Asar na sabi nito kay Lester. 

"Damot mo!" Inabutan nito ng plato si Quen. "Saan ka pala pupunta, bakit ang aga mo?" 

Kumuha si Quen ng rice and bacon bago sagutin si Lester. "May lakad kami ni Coleen." Sabay ngiti ng napaka-lapad. 

Lester frowned. "Pero ni goodmorning kay Julia, di mo man lang magawa?" 

Napaisip siya. Why would he do that?! "Right. I forgot to say goodmorning to Coleen. Teka lang." Saka niya nireplayan ang text ni Coleen kanina. Pagkatapos ay mabilis siyang kumain para masundo na ang dalaga sa bahay nito. 

"Pare, hindi mo nga pala napanuod yung Ina, Kapatid, Anak kagabi. Nahuli ni Miyo si Celine! Ang engot naman kasi ni Liam e! Tawagan daw ba si Celine. Tsk!" Halatang affected ito. 

Pero ang ikinagulat ni Lester ay nang mag-react si Quen sa kinwento niya. "Utos yon ng direktor, wag ka raw makielam!" 

"Wow naman! Nga pala, lumabas na yung pana sa bakal na krus ni Juan! Nasa kaharian na siya nila Mhira." Kwento pa nito. 

"Ang daldal mo Les. Aalis na ko!" At bigla na lang itong lumabas ng condo. Gusto sana siyang pigilan ni Lester. May plano kasi ito para sa JulQuen, kaso next time na nga lang. Kainis!! 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceWhere stories live. Discover now