Chapter 12 - Forever in your Arms :")

12.3K 160 19
                                    

Julia's POV

"Wait, Quen!" Tinawag ko siya nang bigla siyang lumabas ng session hall. Anong problema nun? Bakit biglang nagiba na naman ang mood? Bipolar talaga. Daig pa kaming mga babae. =___=

Lalabas na sana ako ng session hall nang may tumawag sa akin. I turned around to look at him, si Sam lang pala.

"Uy, Sam!" Bati ko. He smiled back.

"Julia, hello! Anong nangyari dun?" Tumuro pa siya sa labas ng session hall. Si Quen siguro ang ibig niyang sabihin.

I shrugged. "Hindi ko alam e. Magulo."

Tumawa lang si Sam. "Seloso pala ang boyfriend mo. Hahaha." Ha? Ano daw? Parang gusto kong kiligin sa sinabi ni Sam. Haha. Si Quen? Magseselos? Masaya sanang isipin pero knowing Quen, mukang imposible. Atsaka Julia, ASA nga daw diba! He will never like you. Siya na mismo nagsabi. Hahaha. Pero wait, why is it there's a part of me still hoping na sana magkagust-- Oh sht. Nevermind!

"Hahaha. Sus. Yon? Asa. Wala sa vocabulary non ang magselos. Hahaha." Medyo tinulak ko pa siya ng pabiro.

"Malay mo naman no." Nginitian ko na lang si Sam. Tss. Hindi ako mag eexpect ng anything from Quen. Isa lang palabas ang lahat.

"Sige na, sundan mo na. Konting lambing lang yon. Haha." Pagkatapos ay pinagtulakan ako palabas ng session hall ni Sam.

Ano ba yan? Asan na ba yong lalaking yon? Eh malay ko ba kung saan ang favorite tambayan non dito. Sa laki ba naman ng Apollo. Waaaaah! Ano ba? Bakit ba ganon si Quen? Paiba-iba mood. Huhu T.T

Asan na kaya--- "LESTEEEEEEEEERRRRR!"

Patakbo akong lumapit kay Lester. Buti na lang at tumigil siya. Hingal na hingal pa ko ha. Tsk! "Oh Juls, bakit?" He asked.

"Uhm, Nakita mo ba si Quen? Galit ata sakin e."

"Ha? Bakit naman magagalit sayo yon?"

"Hindi ko nga din alam e. Basta pagkatapos ng meeting kanina, bigla na lang siya umalis. Saan na kaya yon?"

"Tignan mo sa Garden. Baka andon. Tss. Julia, lambingin mo yang parekoy ko ha! Baka mamaya pag punta ko ng condo, nage-emo na. Haha." Pabiro ko siyang hinampas. Ang kulit e. Haha.

"Ikaw talaga! Uuna na ko." saka tumakbo ako papunta sa garden. Tae! Saan nga ba garden dito? Hindi ko pa saulo pasikot sikot dito sa Apollo e.

Siguro nalibot ko na tong buong Apollo, kaso asan ba talaga yang linchavez na garden na yan? Kainis!

Pumunta ako sa pinaka likod ng school. Medyo malayo layo ito kasi andito ang gymnasium. Wooooow! Ang ganda!! Ito na ba yung garden? Ang sarap pa ng hangin dito. Woooo~

In a Relationship with Mr. Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon