Chapter 31 - Ingat kayo or Mahal kita?

10.7K 219 29
                                    


CREDITS TO THE PICTURE --->

---


Normal POV

"Uy Coleen, Goodmorning!" Bati ni Lester kay Coleen na kasalukuyang nagluluto ng tinola sa kusina. 

"Goodmorning ka diyan, tanghali na no!" 

"Ay! Ganon." Kamot-ulo. "Ano ba yang niluluto mo? Para sa akin ba yan? Haha." Lumapit ito at tinignan ang ginagawa ni Coleen. 

"Para kay Quen to no." Coleen. 

Kunwari namang nasaktan si Lester sa sinabi nito. "Awww! Medyo masakit."

Natawa si Coleen sa naging itsura ni Lester. "Haha! Joke lang. Tikman mo nga kung okay na ang lasa." 

Agad namang kinuha ni Lester and kutsara at tinikman ang niluto ni Coleen. "Hmmm. Okay na! Pwede ka ng mag-asawa. Haha!" 

Pabiro siyang hinampas ni Coleen. At sakto namang labas rin ni Quen sa kwarto nito. Nakapang-alis na suot si Quen. Simple pero hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan nito. Kahit ano namang damit ni Quen, gwapo siya e. Kahit pa nga siguro dyaryo suot niya. Haha! 

---

Enrique's POV

Lumabas na ako ng kwarto. Haay! Tinatamad akong umalis ng bahay. Pero nagyaya kasi si Coleen e. Hindi ko naman matanggihan. 

"Oh, prinsipe! Kain na tayo." Sabi ni Lester. "Si Coleen ang nagluto. Masarap to pare. Solid!" Kumuha na siya ng plato, kutsara at tinidor sa cabinet. At umupo na ako. Tamad lang? Hahaha. 

"Paabot--" Lester. 

"Here. Eat a lot, okay?" Sabi ni Coleen at nilagyan ako ng kanin sa plato ko. Natigilan si Lester sa sasabihin niya kanina kasi biglang na-interrupt siya ni Coleen. 

"Sabi ko nga, yung ulam mu---" Lester.

"Eto oh." Sabay abot sakin ni Coleen ng ulam. Nakangiti lang siyang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. Ano ba yan!! Pwede na ako matunaw. Wag ka nga tumingin, Coleen. Hahaha! 

"Haaay! Saan ba kayo pupuntang dalawa?" Tanong ni Lester sa amin. 

"Sisimba kami ni Quen." Coleen. 

"Sisimba or magpapakasal na? Sus. Coleen ha, sinabi kong pwede ka na mag-asawa kanina pero di ko naman sinabi na totohanin mo agad-agad." 

"Sira ulo to ah!" I said saka natawa.

In a Relationship with Mr. Ice PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora