WORTH THE CHANCE

942 31 9
                                    


Makulay at maaliwalas sa mata. Mint and pastel colors filled my heart as I walk around the area. This is the place where 'us' would officially start. This is the place to start 'us' as partners forever bonded. 

Kinakabahan ako sa totoo lang, alam mo ba yung pakiramdam na kahit kinakabahan ka ay sobrang saya mo din, pero natatakot ka din na di mo maexplain kung bakit, tapos para kang matatae na masusuka na maiihi na parang naghalo-halo na


"Hey, chill" napatingin ako kay Jessey ng bigla syang magsalita at ipinatong nya ang kamay nya sa braso ko. Lumipad pa sila ni Riri mula Canada for this day kahit talaga namang buhol-buhol ang sched nila. Medyo biglaan naman kasi talaga, kaya naman thankful ako na nakadating pa din sila. 

"You'll do great, Bf. And you're so pretty. This is it Miks, there's no turning back" she said smiling. Ewan ko ba kung bakit naiiyak ako na ewan. Jessey naman kase eh, yung make up ko oh jusko hahaha


"Hi guys, ano ready na?" napatingin kami sa may pinto at si Cienne pala. Tumango ako at nginitian siya "Ang ganda mo beks bakit ganon" natawa naman ako kaya naman niyakap ko na din sya saka kami nag group hug "Basta kahit may mga lovelife na tayo walang makakalimuot sa girls' day ha! Hay I'm so happy for you beks!" at muli kami nag group hug. Cienne and Jessey never leaved my side since day 1 kaya naman medyo naiiyak na ako. Ganito talaga siguro pag ikakasal, nagiging emotional na ewan 

"Hoy babae ka, wag kang umiyak nako! Ang make up jusko!" natatarantang sabi ni Cienne at agad kumuha ng tissue at inayos yung under eye ko, mahirap na noh baka mag scatter yung eye make up ko noh, cute maging panda pero wag sa wedding day ko hahaha


  "Oh mag freshen up ka na jan, una na kami ni Jessey, sunod ka na pag narinig mo na yung entourage. Goodluck beks!" nagbeso kami at hinug ko sya saka sya sa lumabas "Goodluck bf! Enjoy oki? Love you" hinug ko naman si Jessey at lumabas na din sya. 


Hinarap ko ang salamin ko at inayos ng konti ang buhok ko. This is it Mika. Napatingin ako sa singsing ko at napangiti. Eto na yun after ilang minutes ay magsisimula na ang ceremony. Gustong gusto ko ng makita si Ara. Dami kasi paandar nung mga yun, na bawal daw magkita ganon kaya naman simula nung isang araw ay hindi pa kami nagkikita. 


Okay Miks, relax na. Buti nalang at malamig ang room ko kaya naman kahit tensed na ako ay di ako pinapawis. Nanlalamig na ang kamay ko sa kaba pero hindi, kaya mo to Miks, chill ka lang. 


Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at success namin. Lampas 30 minutes na siguro akong  akong nagiintay pero parang wala akong naririnig na entourage music. Ano kayang meron sa baba? Sa hotel kasi namin napili ni Ara na magpakasal. 


Sumilip ako sa pintuan at napansin ko naman na parang frustrated na ewan si Ate Kim at Cienne. Hinanap ko si Ara at di ko sya makita. Bumilis ang tibok ng puso ko at agad akong bumaba. 


Anong nangyayari? Pilit kong hinahanap si Ara pero di ko sya makita. Kinakabahan na ako, bakit ganto? "Mika! Bakit ka bumaba?!" mataas na ang tono ni Ate Kim pero di ko sya pinansin at hinanap muli si Ara. 

Bakit ganito yung pakiramdam ko? Bakit parang may mali? May nangyari bang masama sa kanya?

"Cienne, anong nangyayari?" "Miks, umakyat ka nalang muna" pilit nya akong pinapaakyat at maging si Jessey ay inaaya na din ako "Te-teka, asan ba si Ara?" wala ni isa sa kanila ang sumagot kaya naman lalong kumunot ang noo ko "Ano guys? Asan si Ara? Cienne? Kimmy?" pero katahimikan lang ang tanging naibigay nila sakin.

Chances (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon