Chapter 10

969 28 0
                                    


VIC'S POV


"By, gising na" tinatapik ko ang pisngi nya para magising na sya, malapit na kasi kaming magland eh. "Hmm.." "By, maglaland na po tayo" natutuwa talaga akong gisingin sya. Ang cute kasi eh. Parang bata na mahirap gisingin. Dahan dahan nyang minulat ang mata nya at ngumiti sakin. Parang maamong  bata talaga 'tong baby ko. 


"Pinagnanasaan mo na naman ako By" napatawa kaming parehas sa sinabi nya at umayos na sya ng upo. 

-

"Uhm guys, this is Karen, the wedding coordinator, sya din yung mag-aassist sa inyo sa rooms nyo" panimula ni Kimmy ng makadating kami sa Discovery Shores, Station 1 Boracay. "Good morning po, for each room po pwede po tayong mag accomdate ng 2-3 persons" tumango naman kami sa sinabi ni Karen 

Nagexplain pa sya ng kung ano pero di na ako makafocus kasi hindi mapakali itong katabi ko "By ano ba yun?"  hindi nya ako sinagot bagkos ay umalis sya sa tabi ko at pumunta sya sa receptionist. Sinundan ko naman sya at naabutan ko na parang may tinuturo na directions yung babae sa kanya. Di ko na sya naabutan sa reception kaya naman sinundan ko nalang kung san sya pupunta 


Ang bilis nyang maglakad grabe, laki pa ng hakbang nya sa tangkad nya ba naman eh. Mga ilang lakad pa ay nakita ko na syang nakaupo sa isang stall. Ay? Jusko dito lang pala.

"Iniwan mo ko para dito?" sabi ko at tinabihan ko sya. Napatigil naman sya sa pagkain at nginitian ako saka ako niyakap "Hehe sorry baby, gutom na kasi talaga ako eh" san ko sya nakita? Edi sa bilihan ng mga street foods. Para kase itong isang tent na may upuan tapos puro street foods yung tinda nila. "Gusto mo po?" alok nya sakin nung bbq. Umiling naman ako at nginitian ko lang sya. 


Matapos ang limang stick ng bbq at isaw ay sawakas tapos na din sya. "Busog na By, balik na tayo sa kanila" nakangiti nyang sabi sakin. Good mood na uli ang baby ko haha 

Binayaran ko na yung kinain nya at bumalik na kami sa hotel. Wala na sila sa lounge so malamang nasa rooms na sila, kaso asan kaya gamit namin? 

"Ay iniwan na nila tayo" nakasimangot na sabi ni Mika sakin. Napailing na lang ako. "Takaw mo kasi eh" hinampas nya naman ako at napatawa kami parehas. Sakto namang nakita ko yung Karen na pinakilala ni Kim kanina. 


"Uhm excuse me, Karen" lumapit kami sa kanya at inaccommodate naman nya kami. "Meron pa pong isang vacant room Ma'am, pero yung gamit nyo po nasa room nina Miss Cienne" sabi nya samin at umalis na. 

Hindi na kami nagpahatid sa room nina Cienne tutal mabilis naman ako makapick up ng directions kaya agad din namin itong nakita. 

"Knock knock" napatawa ako sa ginawa ni Mika, with matching sound effects pa talaga eh "Who's there?" narinig ko namang sumagot si Cienne sa kabilang side ng pinto "Maganda" "Maganda who?" "Syempre, si MIKA REYES" lalo akong napatawa sa sinabi nya pero mas natawa ako kay Cienne "Ay wala kaming kilalang ganon, baka sa ibang planet" tawa lang kami ng tawa ni Mika "Bruha! Buksan nyo na nga 'to yung mga gamit pa namin eh" tawang tawang sabi ni Mika 


Nagbukas naman ang pinto at bumungad samin si "Cams? Bat ka andito? Asan si Kimmy?" sunud-sunod na tanong ni Mika. "Kasama ni Carol. Edi ba nga bawal nga kasing magsama ang malapit ng ikasal" "Yun ba talaga yun?" tanong ni Mika at medyo natigilan ang kambal. Kinuha ko naman na yung mga gamit namin at dahan dahang pumunta sa may pinto 

Chances (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon