Chapter 4

911 25 4
                                    


"Vic, mahal na mahal ko si Cienne. Natatakot din ako. Pero wala akong balak gawin ang ginawa mo noon" napangiti ako sa sinabi ni Ate Kim at nilapag ko ang phone ko sa table at nag slouch ako "Ano ng balak mo?" napatingin ako sa kanya na bahagyang nakahiga sa kabilang dulo ng sofa "Sa inyo ni Mika, i mean" di kasi ako nakasagot kaya dinagdagan nya na dahilan kung bakit ako lalong nanahimik

"Hindi ko alam ate. May closure naman kami noon at kinakausap naman din nya ako, pero ramdam ko pa din yung distansya eh" napapailing nalang ako habang nakatingin sa kisame "Mahal mo pa?" umayos ako ng upo bago ko sya sagutin at tumayo ako para mamili ng movie na una namin panonoorin "Kahit naman di ko na sagutin yan ate. Alam mo na ang sagot. Hindi sapat ang tatlo o kahit ilang taon pa para masabi ko na di ko na sya mahal"

Hindi na nagsalita si Ate Kim kaya pinagpatuloy ko ang paghahanap ng movie. Ano kayang maganda? Gusto ko sana yung madalas naming panuodin pag movie night sa dorm noong college kaso masyadong madaming memories yun eh, baka mailang si Mika.

Pinagpapalit palit ko yung hawak kong dvds ng biglang.. "One more chance!" nagulat ako sa sigaw na nang galing mula sa likudan ko. Shet konti nalang ang distansya ko sa kanya, pero hindi nya kita ang ekspresyon ko kasi nakatingin sya sa hawak kong dvds. Amoy na amoy ko ang buhok nya, di parin sya nagbabago, etong eto yung amoy na namimiss ko lagi kaya gusto ko sya laging yakapin. Pero ngayon, pwede ko pa bang gawin yun? Miss na miss na kita eh

"Vic, baka naman matunaw yan" nawalan na ako tuluyan ng balanse sa panloloko sakin ni Ate Kim dahilan para mahigit ko si Mika kase nakahawak sya dun sa mga dvds na hawak ko. At alam nyo na sunod na nangyari. Kagaya sa cliche movies at teleserye nag slow mo ang lahat at tanging puso ko lang naririnig ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Nagtama ang mata namin na parang sya lang ang dapat tingnan ng mga mata ko. Sobrang lapit, konti nalang at maglalapit na ang mga labi namin. Napaka lapit talaga pero sa isang saglit, lumalayo sya ng lumalayo. Hanggang sa ako nalang at wala ng kami. Tumayo na din ako nakita ko syang inayos na ang sarili nya at tumabi kay Camille samantalang ako ay bumalik na sa pwesto ko katabi din ni Camille pero sa kabilang side.

Nakarami-rami din kaming movies at ngayon Para Sa Hopeless Romantic naman ang pinapanuod namin. Chineck ko ang relo ko at almost 6 pm na, sumasakit na din ang pwet ko kaya naman tumayo na ako. Napansin ko naman na tulog na si Cienne at Kim at maging si Camille at Mika ay tulog na din, mahina talaga tong mga to. Nabusog na kami habang nanunuod kaya di na kami nakapag lunch, pero mukhang dito rin kami magdidinner kasi anong oras na eh, mga tulog pa sila.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwedeng lutuin. Business ko yun eh kaya talagang dapat marunong ako. Napili kong mag adobo nalang kasi yun lang ang mabilis lutuin para kung sakaling magising sila eh ready na ang dinner, at isa pa favorite kasi yun ni Mika eh.

Natigil ako sa pagluluto ng biglang may yumakap sakin mula sa likod "Ambango naman nan baby..." nagulat ako at napatingin sa kanya na nakapatong ang baba nya sa balikat ko "Mika..."


Mika's POV

"Mika..." napamulat ako sa narinig ko at napatingin sa taong yakap ko ngayon. Shet! Nabigla ako kaya naman pagkabitaw ko ay nadanggil ko ang baso sa lamesa. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko

"S-sorry" yumuko ako at pinulot ko ang mga bubog sa sahig dulot ng nabasag na baso "W-wag na. Kaya ko na yan" nagsstutter din sya. Syempre bigla ka ba namang yakapin ng ex mo. Ex mo na tatlong taong nawala. "May sugat ka" sabi nya at dun ko lang napansin ang dugo sa kamay ko. Akmang kukunin nya ang kamay ko ng iniwas ko to "Ako na. Sorry nagulat tuloy kita. Sige na luto ka na uli. Magigising na yung mga ngayon maya maya tas aangal na yun na nagugutom na sila" patawa kong sabi. Kailangan kong umalis dito. Kailangan talaga.

Tumayo ako at umakyat ng mabilis. Narinig ko pa na tinawag nya ako pero di ko na sya pinansin. Maging si Ate Kim na gising na at mukhang nakita pa nya yung nangyari ang nilampasan ko din. 

Pumasok ako sa isang bakanteng kwarto na inisip kong guest room ng bahay nina Cienne at Ate Kim. At di ko na napigilan na umiyak. Shet naman Mika! Ano bang ginawa mo?! Bat mo sya niyakap?!

Syempre half awake naman kasi ako kanina at siguro nasanay ako na ganon. Yung amoy na yun, yung balikat na yun, yung hubog na katawan nya. Alam na alam ko yun eh. Ang tagal na simula nung huli, pero parang kelan lang. Parang kelan lang nung tinitingnan ko sya sa kitchen na nagluluto, tapos nakangiti sya saken at sabay naming pagsasaluhan yung niluto nya. Icocompliment ko sya kasi talaga namang magaling sya magluto, pagkatapos hahalikan nya ako sa noo pababa hanggang sa ilong papuntang labi ko. Pero wala na. Tapos na yun eh. 


Ano ba naman yan Mika, nagawa mo pa talagang mag reminisce ng dahil sa adobo. Hayjusko. Umayos ka nga! Pinunasan ko ang luha ko at since may banyo sa loob ng room ay naghilamos muna ako at nilinis ko din ang sugat sa kamay ko at nilagyan ko ng band aid since may med kit naman akong nakita.

'Magmamarka pa din yan kahit lagyan mo ng band aid. Nagpasugat ka na naman eh. Mika naman, usapan natin wala ng iiyak diba. Wala ng masasaktan'

'Sorry naman ha, ang sakit pa din kasi eh. Yung maaalala mo yung mga bagay na nakasanayan nyo noon'

'Kaya nga 'noon' eh. Kasi tapos na. Wag mo ng balikan! Bumalik ka ng Pinas hindi para umiyak. Bumalik ka kasi okay ka na diba'

'Yun nga eh. Akala ko wala na, pero masakit pa din'

'Ano mahal mo pa?'

May dalawang boses na nagtatalo ngayon sa sarili ko. Siguro yung isa boses ng puso ko na hanggang ngayon sya pa din ang laman. At ng isip ko na nagsasabing okay na ako dapat kaya di na dapat ako nagkakaganito. Kaya mo to Mika. Umayos ka na please. 


"Mika lika na, kain na tayo" napatingin ako kay Camille na nasa baba. Kaya naman tumango ako sa kanya at bumaba na din. "Oh anong nangyari jan?" salubong sakin ni Cienne at saka ako umupo sa tabi ni Camille, at lingid sa kaalaman ko na nasa harapan ko pala si Ara

"Wala to, sorry nga pala ciennang may nabasag ako na baso. Paltan ko nalang" walang gana kong sabi sa kanya "Ano ka ba naman Mikang parang bahay nyo na din to eh. Wag mo ng isipin yun. Nalinis mo na ba yan?" Tumango ako at nag aya na kumain si Ate Kim.


-----

HELLO HELLO! OMG IM BACK HAHAHA SORRY SA MGA NAGHINTAY, SABI KO CHRISTMAS GIFT KO TO KASO BIGLA NAMAN KAMING NAG MIDTERMS. SORRY GUYS! NAKAKASTRESS NA ANG COLLEGE #MEDTECHPROBS HAHAHA WELL SINCE TAPOS NA ANG MIDTERMS MEDYO MAY TIME PA AKO BAGO AKO BUGBUGIN NG MGA FINAL OUTPUTS HAHAHA KAYA HABANG MAY TIME EH SASAGADIN KO NA. 

TSAKA LABAN NA NG LADY SPIKERS AT ALE SA SATURDAY KAYA NAMAN IDADAAN KO SA WATTPAD ANG INTENSE FEELING NARARAMDAMAN KO HAHAHAHA MADAMI DAMI DIN KASING PAKWAN MOMENTS SINCE NAGSIMULA ANG S78 AND IM SO KILIG

SALAMAT SA PAGIINTAY!!

CAPSLOCK PARA MAS FEEL HAHAHA

Chances (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon