Chapter 8

887 25 1
                                    

Vic's POV

After magkwento ni Mika at syempre cuddle namin tumayo na kami kasi may araw na din naman. Masakit ang ulo ni Mika ngayon, kase knowing Mika di naman talaga to sanay gumising ng maaga. Pahirapan nga lagi eh hahaha

"By, sakit ng ulo ko" napaka clingy naman ng baby ko. Nakaback hug sya sakin habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Last night nagulat kami sa biglang pagyakap nya sakin, nakakakilig yun pag iniisip pero mas nakakakilig ngayon kasi sadya na.

"Lalong sasakit yan pag di ka tumigil sa isang pwesto. Upo ka muna by, inumin mo muna 'to then after ko dito lets eat na para makainom ka ng gamot" inalalayan ko sya sa may counter, para kasing may mini bar sa tapat ng cooking area dito sa bahay. Alam na alam na pinagplanuhan talaga namin ang bahay na 'to although kay na Kim at Cienne naman talaga 'to pero yung interior at designs ideas naming lahat, isa pa magaling ang arkitekto namin at matagal nya na kaming kilala, syempre si Jz yun wala ng iba hahaha

Pagkaabot ko ng gatas kay Ye ay bumalik na ako sa pagluluto. Almost 7 na pala at usually ganitong oras gumigising sina Ate Kim. Bacon, hotdogs and eggs lang naman ang niluto ko mamaya na yung fried rice madali lang naman yun. At dahil masakit ang ulo ni Ye gumawa na din ako ng soup.

"Goodmorning lovers" napatingin ako kay Ate Kim. Napailing naman ako at nginitian siya ni Mika "Inassume na namin na nagkabalikan na kayo, di ba naman lumabas sa kwarto buong magdamag wag nyo sabihin sakin na nag usap lang kayo dun ha sabunutan ko kayo eh" napatawa kami sa kasunod ni Ate Kim, the ever dearly Cienne.

Tinulungan na ako ni Ate Kim at sya na ang nagluto nung fried rice. Gumawa naman ng juice si Cienne at si Mika naman ay may ginagawang kung ano. Tamo 'to masakit na nga ulo, galaw pa ng galaw lalo lang syang mahihilo eh. Hindi rin naman sya magpapapigil.

Sinet up na namin ang dining table at bumaba na din si Camille. "Good morning beautiful world" napatingin kami sa may pinto at nakita namin si Carol na may dalang donuts"For dessert" nakangiti nyang sabi samin

Isa-isa na kaming nagsi-upuan. Hindi ako makakain kasi wala pa si Mika, asan ba yun? "By? Kakain na" tawag ko sa kanya "Lakas maka 'By' ni Galang eh. Porket nagkabalikan na"napatawa naman kami sa sinabi ni Ate Kim. Vocal naman kaming dalawa at isa pa nasanay na din sila samin kasi since college kami na "Namiss ko tuloy yung dorm days" singgit naman ni Camille. "Teka, hindi lang ako natulog ng isang gabi dito may ganap agad?" may client kase sya diba kaya di nya inabutan yung mga ganap kagabi

"Aynako Cars, may umuungol" natatawang sabi ni Ate Kim, sira ulo talaga to. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko eh "Iba ka talaga Vic, lakas mo" sabat uli ni Carol. Para talagang sira to hahaha

"Inaaway nyo kami ng baby ko ha hmp" napalingon ako kay Mika. Finally, san ba to nanggaling "Goodmorning baby, coffee?" napangiti naman ako ng inabot nya sakin yung cup at bongga ang baby ko may pa design ang coffee. Natatawa ako kase kanina pa kami gising pero di kami nag good morning sa isat isa hahaha

"Good morning din baby, kain na. Tagal mo eh di ako makakain" umupo na sya sa tabi ko at imbes na unang lagyan ang plato nya eh ako muna ang inasikaso nya "Lakas maka throwback ng ganitong eksena ah. Lalandi nyo" natatawang sabi ni Camille

"Hon bat si Mika may pa-kape, asan coffee ko?" paglalambing naman ni Kim kay Cienne "Hon gusto mo pa bang mag coffee eh maawa ka naman sa balat mo nahahawa kulay eh" tawang tawa kami sa sinabi ni Cienne pero nilambing nya din naman agad si Ate Kimmy, para lang talagang ewan 'tong dalawang 'to.

Nagprisenta naman si Mika at Camille na sila na daw ang magliligpit ng pinag kainan namin, di sana ako papayag kase masakit ang ulo nya pero mapilit talaga eh, uminom naman na daw sya ng gamot.

Chances (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon