Chapter 9

873 22 1
                                    

Mika's POV

Kasalukuyan kaming nasa Valkyrie at may mga tama na din 'tong kasama ko. Ano bang ginagawa namin dito? Hindi ako nag inom kasi bukod sa magagalit si Ara ay ako din ang mag uuwi sa mga 'to. 

"Miks.. Bat ba ayaw mong uminom ha? Party tayo!" bangag na si Cienne at bagsak na din si Camille pero umiinom pa din sya. Nagulat ako ng biglang tumayo si Cienne na dala ang baso nya saka naglakad papuntang dance floor. 

Dali dali ko syang hinigit at baka mag eskandalo pa 'to dito "Let's go uuwi na tayo" pumipiglas pa siya pero dahil sa kalasingan at dahil narin mas malaki ako sa kanya ay madali ko syang nailabas ng club. Nakasunod naman din si Camille na tipsy'ng lumalakad. Ano ba naman 'tong dalawang 'to jusko 

Hindi ko alam kung pano kami nakadating sa condo ko ng di nadidisgrasya sa likot at ingay nung kambal. Hindi naman sila ganitong maglasing noon. At isa pa nasan ba si Kim at kung magwalwal 'tong si Ciennang eh wagas. 

May dalawang room ang condo ko, balak ko sana na sa guestroom na silang dalawa pero mukhang kaming lahat ay dito na sa sala. Nakalupagi na sa sahig si Camille at nasa sofa si Cienne. Kumuha lang ako ng kape, tas eto na maaabutan ko jusko. Tatawagan ko na nga si Kimmy. 

Kinuha ko ang phone ko ng biglang "Wag mo syang tawagan" nagulat ako kasi biglang kinuha ni Cienne ang phone ko. Tuwid, hindi lasing at parang maiiyak na Cienne ang humarap sakin. May problema ba sila? 

"Cienne ayos ka lang ba?" nilapag nya ang phone ko at umayos ng upo. Napansin ko din na umayos na ng pwesto si Camille at umupo kami sa carpet. "Miks, naging unfair ba ako kay Kim? Hindi ba ako naging mabuting girlfriend at fiancee?" may namumuo ng luha sa mata nya kaya naman nilapitan ko agad sya at niyakap. "Hindi, ano ka ba? Ano ba yang sinasabi mo? May nangyari ba?" 

Hindi sya kumibo at basta lang sya umiyak. Nakahiga sya sa balikat ko at tuloy tuloy lang sya pag-iyak. Ano bang nangyari? Medyo naging busy din kasi ako dahil sa kakasimula lang ng contract ko. Minsan na nga lang din kami magkita ni Vic. Nag-aasikaso din kasi sya ng resto nya pati na din yung bar nila. 

"Nakita naman sila Miks" napalingon ako kay Camille. Sinong sila? "Sa bar nina Kim. Andun sila may mga kasamang babae" walang buhay nyang sabi "Teka sino bang sila?"  

"Si Kim at Carol" para akong nabunutan ng tinik ng hindi ko marinig ang pangalan ni Vic. Alam ko naman kasing hindi nya gagawin yun eh. Kung andun man sya, malamang taga hatid lang din yun. 

Hinayaan ko muna si Camille at Cienne sa sala at kumuha ako ng unan at blanket sa kwarto. Palabas na ako ng Incoming call: Baby

Binaba ko muna ang mga dala ko at sinagot si Vic "Hello?"

"Hi baby. Bat gising ka pa? I was planning to just leave a voicemail eh" 

"Sorry baby di ko nabanggit na pumunta ako sa Valkyrie"

"Valkyrie? Why? Sinong kasama mo?"

"Pinasunod kasi ako nung kambal dun eh. Pero nasa condo na kami"

"May nangyari ba?"

"Hindi ko rin alam eh. Uhm, Vic?" 

"Bat Vic?"  ayaw nya kasi ng di sya tinatawag na Baby. Feeling teenager din kasi 'to hahaha

"Nambababae ka ba?" 

"Huh? Diba nga wala ng third chance, bat ko pa gagawin yun? Teka nga papunta na ako dyan"

Chances (KaRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon