Chapter 28: The Truth Has Been Revealed.

3.8K 100 45
                                    

Heather's POV


So eto na nga, pasukan na naman. -_- nakakatamad naman talaga oh. ^^ di bale, next week Christmas break na namen. Yahooo.


Sa sobrang dame ko iniisip nalimutan ko na na malapit ng mag pasko, Hahaha. Seryoso.


"Hi pretty seb." - Masayang bati saken ni Vayne.

"Hello mas pretty kong seb." Sagot ko sakanya.

"Uyyy mukhang may magpapalibre ah, binola ako. Hahahaha." - Vayne

Porket sinabe ko na pretty siya papalibre agad? Hahaha, pero.... good idea. Hindi pa naman ako nag almusal.


Tinignan ko siya ng nakakalokong ngiti, "Oo na. tara na breakfast tayo sa cafeteria." Sabi niya saken at inakbayan ako.


Huminto ako sa paglalakad at humarap sakanya, "Opoooo, sagot ko." Sabi niya habang nakatawa.


"Okaaaaaay, Tara na." Masaya kong hila sakanya.


Habang nasa cafeteria kame, at naghihintay ng pila nagtanong si Vayne.

"Ano may isusuot ka na ba sa party ni Cam?" Biglang nanglaki yung mata ko sa tanong niya.


Hindi pa ko nakakasagot dinugtungan niya agad sasabihin niya, "H'wag mong sabihin na nakalimutan mo?" Tanong niya na parang hindi naman tanong. Hahah magulo ba?


"Ehhhhhh seb, alam mo naman madame ako iniisip these past few days, nakaligtaan ko yung araw." Paawa 'kong sabe sakanya.


"Haysss oo na, oo na.. Anong balak mo?" Tanong niya habang kinukuha namen yung mga pagkaen na inorder namen.


"Ano pa nga ba? alangan di ako magpunta? Bibili na lang ako ng dress mamaya siguro." Sagot ko habang nakaen.


"Sino kasama mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Edi ikaw? Sino pa ba?" Sagot ko na parang kinabigla niya.

Seryoso? ayaw ba ko kasama nito?


"Eh seeeeb. Di pwede, alam mo naman maaga kame magkikita ni Camron today e. Bago kame magkita sa party niya mamaya may surprise kase ko sakanya." Sagot niya na kinikilig kilig pa.


"Ganun ba? Sige ako na lang mag-isa, sanay naman na 'ko mag isa." Sabeeee? Hahaha.


Nakangiti naman siyang sumagot. "Wow ah. Nag away lang kayo ni Ice natuto ka na humugot ateng? Iba ka dyan."


Umiling iling na lang ako sa sinabe niya habang nakangiti, "Seryoso, kaya ko naman magisa seb, malaki na ko. 'Di na ko maliligaw."


Tinignan niya muna ko, mula ulo hanggang paa.


"Sigurado ka ba na malaki ka na?" May pang aasar na sabi niya.

When A Mafia Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon