Chapter 10: Revelation

4.8K 127 3
                                    

"Sometimes people put up walls. Not to keep others out, but to see who is brave enough to break them down."

Vayne's POV: 

Heat called me up and asked me to go with her to a bar near my place. Ano kaya problema nun? Last week pang wala sa sarili niya yun, pag kakausapin mo naman okay lang daw siya, minsan naman tamad naman sumagot at puro tango na lang ang sagot sayo. Tsk. 


There's something wrong with her, I'm sure. Di yun magyayaya sa bar dahil di naman siya mahilig sa mga lugar na ganun. 

"Vayne, Shall we go?" said Duke.

"Tara. Kanina pa Duke, sobrang tagal mo mag ayos. Daig mo pa babae na kailangan pang mag retouch ng make up. Psh" I said as I rolled my eyes. Psssh!

Oo nga pala, kasama ko si Duke ngayon. Since half day lang naman ang sched namen nagsearch na din kame ng mga lugar na pwede namen puntahan para sa project kay Mrs. Dimasalang.

"Sa tingin mo ba hindi pa din nag kakaayos si Fafa Ice & Seb? The last time I asked Heat, sabi niya iniiwasan daw ata sya ni Ice. Ano na bang balita sakanya? Nakakasama mo ba sya?" tanong ko kay Duke habang pasakay nang sasakyan. 

Actually di na talaga namin kailangan magsasakyan papunta sa lugar kung nasaan si Heat, walking distance lang naman, itong kasama ko lang naman talaga na dinaig pa ang mga babae sa sobrang kaartehan.

"Nakakasama ko naman siya minsan kase nagkikita pa din naman kami sa bahay nila pag pumupunta 'ko dun. Pero everytime naman na kakausapin ko sya about Heat eh iniiba niya kaagad ang usapan." sagot ni Duke habang nag dadrive.

"Ano kaya kung i-set up naten sila? Yung talagang di sila makakatakas sa isa't isa para makapag usap na sila ng maayos, ako ang nahihirapan sakanila eh. What do you think?"

"Maganda sana yang plano mo eh. Pero kilala mo naman si Ice dba? Si Ice? Boss namin yun. Mainitin ulo nun, baka malagay pa sa alanganin yung kagwapuhan ko niyan."

I glared at him and he raised his hands as a sign of surrendering.

"Okay, okay, okay. I give up. Paano ba gagawin natin?" said Duke.

Papayag din naman pala dame pang sinabi. Hahahaha! Alam ko naman di niya din mahihindian kagandahan ko eh. Hahaha! 



After 1256702745697 years,  nakarating din kame sa pupuntahan namin. Perojoke lang, di naman kami inabot ng dekada sa pagpunta dito alam niyo naman na ino-a ko lang ang pag dedeskripsyon. Hahahah, here we go! :)


Pagpasok pa lang namen sa lugar na sinabi ni Seb, hinanap na agad namen kung nasaan siya.


Hindi naman din nagtagal ang paghahanap namin sakanya dahil nakita din namin agad siya sa bandang dulo ng bar at walang masyadong tao ang naroon sa pwesto na yun.

Napansin niya agad ako at agad niya akong nginitian, lalapit na sana siya pero nakita niyang kasama ko si Duke. Biglang naging malungkot yung itsura niya.

"Seb, okay ka lang ba?" bungad ko sakanya.

"Okay lang naman Seb..." sagot niya at lumagok sa hawak niyang baso. 

Ngayon ko lang talaga napansin na may iniinom na siyang alak.

"Nga pala Seb, sinama ko na si Duke dito kase magkasama kami kanina delikado din kase kung wala tayong kasamang lalake sa mga gantong lugar."

When A Mafia Falls In LoveWhere stories live. Discover now