ICE's POV:

Alas siyete palang ng umaga pero sobrang traffic na, late na late na ko, tss.

"Is there no other way? I'm late for class." I asked my driver.

"Di 'ko lang po alam sir, pero sabi ni Anton meron daw shortcut diyan sa kabilang kanto na yan."

"Do what is best." sabi ko ng hindi siya tinitignan.

Naramdaman ko naman na lumiko siya sa sinasabe niyang daan. Pinabayaan ko na lang, at tumingin sa labas ng bintana ng kotse.

Tsss. Forgot to introduce myself to y'all. I'm Ieuan Cade Ebenezer, Ice for short. Kinuha ang nickname ko sa mga unang letters ng pangalan ko. Pero sabi nila, kung anong nickname ko, yun din daw ang pinapakita ko. I'm cold as ice. Yes, pero may dahilan ang lahat at malalaman niyo din yun sa mga susunod na kabanata.

Huminto ang kotse dahilan para makita ko ang kaganapan sa gilid ng kalsada at ang mga nakaharang na sasakyan sa daan.

Isang babae ang umiiyak at napapalibutan ng mga lalake.

--
Heather's POV:

"MGA WALA KAYONG PUSO, SABING BABAYARAN NAMIN KAYO PAG NAGKAPERA KAMI DIBA?" Sigaw ko sa mga lalaking panget na nakapalibot saken.

"Wala kameng pakialam kung wala kayong pera miss, basta sinusunod lang namin kung anong utos samen ng amo namin."

"Wala kayong awa, sabihin niyo sa amo niyo na wala pa kameng perang pangbayad kaya pwede ba? Umalis na kayo at papasok pa ko." sigaw ko ulit sa mga panget na 'to.

"Wag 'kang mag alala miss, alam naman ng amo namin na wala kayong pambayad sa utang niyo eh. Kaya nga ang sabi niya pag wala kayong ibinayad ngayon, kunin ka namin bilang bayad ng nanay mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"A-a-anong ako? 'Wag niyo nga akong pinagbibiro. Umalis na kayo at bumalik kapag may pera na kami." Matapang kong sabi. Aysh! Oo, oo na, nagmamatapang lang ako pero kanina pa ko kinakabahan.

Nagsalita ulit tong panget na nakahawak saken.
"Sasama ka samen sa ayaw at sa gusto mo, ano pang tinatanga-tanga niyo? Sakay niyo na 'to!" sabi niya pa sa mga kasama niya.

Hinawakan na nila ako at kinaladkad papunta sa kotse, madami na 'kong galos at masakit na din ang katawan ko pero pinipilit ko pa din lumaban.

Pero...

Madami sila at mga lalaki pa, kaya hindi ko sila kaya.

"Maawa kayo sa anak ko, 'wag niyo siyang kunin." sabi ni mama habang umiiyak. Pero sinampal lang siya ng isang lalaki kasamahan ng mga panget na 'to.

"Ma! 'Wag niyo siyang saktan mga walangya kayo, sasama 'ko sainyo basta 'wag niyo lang saktan mama ko" umiiyak na sabi ko.

Isasakay na nila ko sa kotse ng biglang may nagsalitang lalake sa likod namin.

"Don't move or else... "

Sabi ng lalake na nasa harapan na namen ngayon. ang cool niya, nakauniform lang siya katulad ng uniform namen, at prenteng prenteng nakatayo habang nasa magkabilang bulsa ang kamay niya.

"Aba't sino kang tarantado ka? Pakielamero ka ha!" sabi ng panget na nakahawak sakin. Akmang susuntukin na niya si kuyang pogi na nasa harapan namin pero mabilis niya itong naiwasan at sinuntok yung panget na lalaking nakahawak sakin kanina. At ayun, bulagta ang panget na lalake.

"Didn't I tell you no to move? Look what happened to you, hardheaded fvcktard."

Sinimulan siyang atakihin ng mga panget na kasamahan ng panget na pinatumba niya. (Puro panget) yun ang totoo. Ang papanget nila.

Nakapikit lang ako habang nagbubugbugan sila, ng biglang marinig ko ang pagbukas ng makina ng kotse. Dahilan para mapadilat ako.

At pagdilat ko sa mga mata ko, nasa harapan ko na si San Pedro. Pero t-t-t-teka? Bakit ang gwapo naman ni San Pedro? At ang bata pa. Patay na ba 'ko? Napaisip ako..

Pero, ba't naman ako mamamatay? Hindi naman ako yung nakipagbugbugan? Nabaril ba 'ko ng 'di ko alam? Oh-my-god patay na 'ko? Patay na 'ko? Hindi manlang ako nagkaanak at nagkaboyfriend bago ako mamatay. Pero, okay lang pogi naman 'tong si San Pedro eh.

Tinititigan ko lang si San Pedro, ang pogi talaga niya. Kamukha niya yung lalaking tumulong sakin kanina. Nakatitig lang siya saken, napaka ganda ng mata niya. Kulay brown at ang hahaba ng pilik mata, matangos ang ilong, pinkish ang labi, maputi, at singkit ang mata.

--
Ice's POV:

Titig na titig lang saken 'tong babaeng nasa harap ko, tumutulo ang laway at kumikislap ang mata habang pangiti-ngiti pa. Tss!

"Stop staring at me and wipe your mouth. Tss, you're drooling." walang gana 'kong sabi sa babaeng 'to.

"T-t-t-teka, n-nagsa-s-salita si San Pedro? English pa? Waaaaah. Galing mo naman San Pedro may school din ba sa langit?" hindi makapaniwalang sabi nitong babaeng 'to. Teka. Ako ba yung tinawag niyang San Pedro? At anong sinasabe nito? May school daw ba sa langit? Tss. Stupid.

"Are you nuts? I don't have enough time to your pointless dilemma. And for your information, I'm not San Pedro, you kuku-brain." sabi ko dito. At sinimulan ko ng maglakad papunta sa kotse ko. Tss! Fuckingsh*t. Late na late na ko dahil sa mga panget na lalaking yun. Mga bakla ata at babae pa ang pinatulan.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng hawakan ako sa braso ng babaeng to.

"T-teka, i-ibig s-sabihin h-hindi i-ikaw s-si s-si S-San Pedro? Hindi pa 'ko patay?"

"Not yet. But if you wish to die now, it's my pleasure to kill you." malamig at walang gana 'kong sabi sakanya. Nabigla niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso 'ko at napaatras ng konti.

"Waaaah. Sorry mister, lumipad lang kase sa ibang planeta yung utak ko sa sobrang takot ko sa mga panget na lalake kanina, pero seryoso? Hindi ikaw si San Pedro? Hehehe. Salamat pala ah dahil tinulungan mo ko."

"Tsss" yan lang ang sinabe ko at tumingin sa relo ko. Shiiiizzz. Late na nga talaga 'ko.

"Thankyou talaga ha? Utang ko sayo ang buhay ko. Gusto mo bang mag breakfast muna sa bahay namen, ayan lang oh. Para naman makabawi ako sa'yo."

"Just get your fucking hands off of me, so I can get off to this fucking place." inis na inis 'kong sabi sakanya at tsaka niya ko binitawan.

Nagmadali akong umalis sa lugar na yun at umuwi na lang sa bahay. Wala na din naman late na eh. Tss! Mamayang 2nd subject na lang ako papasok.


When A Mafia Falls In LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!