Chapter 23: Bad side.

3.3K 80 0
                                    

Heat's POV:

Tinext ko kaagad si Ice nung payagan ako ni Mommy sumama kay Cohen. Para naman daw sa school kaya walang problema, Basta mag iingat daw ako at 'wag daw papalinlang kay Cohen at baka magka-apo daw agad sya. -__-


"Kelan naman alis niyo?"  Reply ni Ice sa text ko sakanya.


Hmmm. kelan nga ba? Wait.


Tinignan ko yung ticket na may kasamang papel na binigay ni Cohen, nakasulat dun yung number niya.


"Kelan pala ang alis naten? - Heather." Hindi naman nagtagal nagreply agad siya.


"Pinayagan ka na ba? Sa friday ng hapon ang alis naten after class. Lunes ng gabi ang balik naten." Sagot niya.


Ah okay. Tinext ko na agad si Ice, "Sa friday daw, after class."



Makalipas naman ang ilang minuto hindi pa din siya nag rereply. Hays, nagalit siguro.


Naligo muna ko saglit pag labas ko tinignan ko muna yung phone ko kung nagreply ba si Ice, wala naman. Tsk! Bokya.



Nag patuyo lang ako ng buhok at nag-ayos na para matulog pero paghiga ko pa lang sa kama, Nagring na agad ang phone ko.


Yelo. Ang nabasa ko sa screen ko. Sinagot ko din naman.


"Hello? Anong problema mo? akala ko wala ka ng balak magparamdam e. Tsk" Bungad ko kaagad sakanya.


Nakarinig muna 'ko ng buntong hininga sa kabilang linya bago siya nagsalita. "I miss you" malungkot na sabi niya.


"H-Hoyyyy, Yelo? Okay ka lang ba?" Tanong ko na medyo nauutal pa.


"Pag ba mamimiss ka hindi agad ako okay?" Hugot na sagot niya. Psh! Nakakapagtaka talaga 'to si Ice e. Galing niya po magtagalog, ang cute. Hahahaha.


"Sinabe ko ba?" Sagot ko sakanya. Tumawa naman siya ng mahina "Wala lang. Miss na kase kita hindi kita nakausap kanina kase nainis ako sa plano ni Fraser na out of the country." Mahinahon niyang sabi.


Himala sumapi ka ba kay Ice? kase ang himala niya po talaga ngayon. Di siya nag susungit. :D


"Thursday na bukas, Friday daw ang alis namen." Yun na lang ang nasabi ko sakanya.


"Mag iingat ka dun ha? Aariyah." Maikli niyang sabi. "Opo mag iingat ako sir. Day off ko po muna ha? Hahahahaha." Biro kong sabi sakanya.


"Haha. Sige basta dalian mo dun ha? Uwi  ka kaagad, mamimiss ka kase ng sir mo eh." Natatawa naman niyang sagot.

When A Mafia Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon