-L-

4.6K 112 24
                                    


MELISSA

Hindi ko na alam kung ilang oras na kaming naghahanap ng hotel na matutuluyan ni Dion. Wala namang problema, yun nga lang dahil nga 'kilala' siya ay pinagkakaguluhan siya ng mga tao. Kahit na nakasuot na kami pareho ng shades ay nakikilala pa rin kami. Halos hindi kami makaalis kanina sa huling hotel na pinuntahan namin kung hindi lang umawat ang mga guards para lang makalabas kami!


Naaawa na nga ako sa kanya dahil wala pa siyang pahinga. He should be resting by this time, but here we are... still driving somewhere.


Mabuti na lamang at tumawag si Sofie kani-kanina lang. She told us na hindi pa naman daw niya naibebenta yung condo unit niya na siyang dating tinutuluyan niya. Kung saan ako tumuloy bago ako nagpunta sa Paris. Kung saan nagmakaawa sa akin si Chris na—


Ugh! Snap out of it, Melissa! Hindi yan ang dapat na inaalala mo ngayon!


So yun nga, sinabi ni Sofie na doon na lang daw muna tumuloy si Dion. She had already talked with the staff in the condominium para ipaalam na doon muna si Dion. Sinabihan niya din ang mga staff para sa isecure ang privacy ni Dion. Hindi hahayaan ng condominium na makapasok ang mga media at ang mga fans. Kaya ngayon ay papunta na kami doon.


Ako ang kasalukuyang nagdadrive at nasa tabi ko naman si Dion. Medyo naiilang na ako dahil sa kanina pa siya walang imik at parang may malalim na iniisip. So I decided to break the defeaning silence between us.


"I bet you're too exhausted. If only you have informed me, sana nagpapahinga ka na ngayon. Pasensya ka na, nagkataong may bisita si Ate sa mansyon." Sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya.


"I'm not really exhausted. I understand, okay? Don't worry about me. I'm... I'm just thinking about...something." Komento niya.


Napatingin ako bigla sa kanya, nakatingin din pala siya sa'kin. I can sense sadness and uncertainty in his gorgeous blue eyes.


"A-About what?" kinakabahang tanong ko. Tungkol kaya sa nangyari kanina?


Ibinalik ko din agad ang tingin ko sa daan dahil nagmamaneho ako.


"A-About your... ex?" nag-aalangang saad niya. Nanuyo agad ang lalamunan ko sa narinig.


Geez! Pinilit ko ang sarili kong wag magpahalatang apektado.


"Hmm? What about him?" patay malisyang tanong ko.


I heard him let out a deep sigh. He looked so troubled.


"I... I know, I don't have the right to question or obliged you about this...but...why didn't you tell us that he... he was also there?" there was a bitterness in his voice.


Hindi agad ako nakapagsalita. Alam kong kasalanan ko din ito dahil hindi ko nasabi sa kanila ang tungkol kay Chris. I mean... kailangan pa bang malaman nila iyon?


"Why? It doesn't matter anyway. I don't care if he's around or not." Pagsisinungaling ko.


"But it matters to me, Melissa." Malungkot niyang pahayag.


"He's... He's still the... father of your children."


Parang may bumikig sa aking lalamunan nang marinig ko iyon sa kanya. I don't want to hear that lalo na't galing sa kanya.


"Please, Dion... I don't want to talk about it. Just... Just forget about him, okay?" pakiusap ko sa kanya.


Hindi ko alam kung siya nga ba ang kinukumbinsi ko? O ang sarili ko?


Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon