Chapter 23

5.3K 173 13
                                    


Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam munang lumabas si Kiana. May kikitain daw kasi siyang kaibigan niya. Sinubukan siyang pigilan ni Chris at sinabihang ipagpabukas na lang daw nito pero nagpumilit parin ito. For all I knew, baka maghahanap lang ng new boylet 'yun sa club!

Mahirap na... baka magkasakit pa 'yun kapag walang nafli-flirt sa loob ng isang linggo!

Samantala, ipinatawag ako ni Chris at pati na rin ang mga kawaksi namin. May sasabihin daw siya sa amin. Inalalayan ko na siya patungo sa sala.

"Kiana will be staying here..." panimula niya. Lahat kami ay tahimik na nakikinig lang sa susunod niyang sasabihin.

"Hindi ko alam ang biglaang pag-uwi niya rito. Hindi nila ako sinabihan kaya nagulat din ako ng malaman kong narito na siya. And she chose to stay here. Manang Paz, may ipapaki-usap po sana ako sa inyo at sa mga kasamahan niyo." aniya.

"Ano po yun, Sir?" atubiling tanong naman rito ni Manang Paz.

"Kung pwede po sana, walang makakarating na anumang bagay tungkol sa'ming mag-asawa sa kapatid ko. Lalo na po sa paghihiwalay ng mga kwarto namin ng asawa ko." seryosong pakiusap nito sa mga kasambahay namin.

Napakagat ako ng ibabang labi ng banggitin niya ang 'asawa ko'. I bit my lower lip to prevent myself from smiling.

Get a grip, Melissa!

"Opo, Sir." sagot naman ni Manang Paz. Tumango naman bilang pagsang-ayon ang mga kasamahan niya.

Wala na kasing may ibang alam na arranged marriage lang ang nangyaring pagpapakasal sa'min ni Chris. Maliban sa Daddy niya, kay Papa, Sofie, Ate Margaux at si Mark. Sila lang ang nakakaalam at wala ng iba.

Tiyak kapag nalaman iyon ni Kiana ay hindi siya pumayag noon na magpakasal kami ng kuya niya.

Nang malaman naman ng malalapit naming kaibigan ang pagpapakasal namin hindi naman sila nagulat dahil nga magbestfriend na kami noon kaya iniisip nila na baka nagkadevelopan kami.

Ako naman, wala na akong pakialam pa sa mga nangyayari noon. Para lang akong dahon na malayang nagpapatianod sa tubig at hinahayaang tangayin ako. I'm so drained during those times.

Nagtataka man sila Manang Paz sa paraan ng pagsasama namin ni Chris ay hindi naman sila nagtatanong pa. Bagama't kasambahay lang namin sila ay parang pamilya na rin ang turing namin sa kanila at ganoon din sila sa amin kaya't alam ko na nasa amin ang loyalty nila.

Kinuha sila noon ni papa sa isang agency noong nagbukod na kami ni chris. Wala naman akong maipipintas sa kanila. Dahil bukod sa tunay na masisipag ay mapagkakatiwalaan pa.


"Salamat po. Pakilagay at paki-ayos po muna ang mga gamit ni Kiana sa guestroom." magalang na utos ni Chris sa matandang kawaksi.

"Sige po, Sir..." anang matanda at niyakag na nito ang mga kasamahan.

"Maiiiwan po dito si Letty. Pakitulungan mo na lang si Melissa sa paglilipat ng mga gamit niya sa kwarto ko."utos ni Chris sa dalagang anak ni Manang Paz na si Letty. Bigla akong napakunot-noo pagkarinig ko sa sinabi niya.

Tumango naman si Letty at nauna nang pumunta sa kwarto ko habang sina Manang Paz naman ay inayos na ang mga gamit ni kiana. Naiwan na kaming dalawa sa sala. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa narinig.

"Ha? B-bakit?" nauutal na tanong ko rito.

Kami? Magsasama sa iisang kwarto?

"Hindi pwedeng malaman ni Kiana na magkaiba tayo ng kwarto. Tiyak na mag-iisip 'yon. Kaya kung pwede, doon ka muna sa kwarto ko habang narito siya. That if my pakialam ka pa sa sasabihin ng iba." mapang-uyam na sagot ni Chris.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon