Chapter 18

5.5K 165 10
                                    



"Hi... I'm glad you came. " bungad kong sinabi kay Mark matapos niya ako akayin sa upuan ko.

Kasalukuyan kaming nasa isang coffee shop ngayon. Niyaya ko siya upang makipagkita kahit sandali. Hindi naman tumanggi si Mark at agad na pumayag na makipagkita sa'kin ngayon.

"Anything for you. You want to order first?" tanong ni Mark sa akin.

A smile never left his face. Hmm...

"Oh! Yes, just a coffee, please." sagot ko at ngumiti ng malapad.

Tinawag ni Mark ang waiter at saka nag-order. Matapos siyang makapag-order ay mataman niya akong tinitigan.

I licked my lips and compose myself before I speak.

"I'm sorry kung naabala kita. I know you're busy. I just want to say something about last night." I said in a soft voice.

"Oh, no. You can call me anytime. Basta para sa'yo, pupunta ako. What do you want to say anyway?" kunot-noong tanong niya sa'kin.

Tumikhim muna ako bago muling nagsalita.

"I just... want to apologize about last night... sa g-ginawa ni Chris sa'yo—" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Don't mention it. Hindi dapat ikaw ang humihingi ng patawad. He did it to me, not you. Kaya siya dapat ang humingi ng apology sa akin." Nakangiting saad niya. Sa paraan ng pagkakangiti nito ay parang nawiwili pa ito.

Kapal ng mukha mo! Kulang pa 'yon sa'yo! nais isigaw ng isip ko.

Umiling ako. "Basta. Ako na lang ang hihingi ng patawad para sa kanya. He's drunk that night kaya wala siya sa tamang pag-iisip. Sana hindi na ito makarating pa sa iba?" pakiusap ko sa kanya.

Ilang sandali pa siyang waring nag-isip. Sumimsim muna siya sa kanyang kape bago nagsalita.

"Don't worry... wala akong balak gawin iyon." sa wakas ay saad niya. Nakahinga ako ng maluwag.

"Thank you."

"No. I should be the one to thank you. Actually, I'm really looking forward to see you again. Naunahan mo lang ako." sabi niya. There was a hint of something in his voice.

Ako naman ngayon ang napakunot-noo. "Really? And why is that?" I arched my brows.

"Dahil... hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa'yo. Y-you know, yung nangyari noon." pambibitin niya sa sinasabi. Pero alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya. Nanatili lang nakatikom ang mga bibig ko. Mahina siyang napamura.

"I'm such a dumbass para sabihin kagabi that I want you back." tumawa ito ng pagak.

"Ni hindi pa nga ako humihingi ng sorry 'yun na agad ang nasabi ko. Alam kong nabigla kita, I'm sorry. Will you forgive me? Please?" pakiusap niya.

Forgive him? Parang gusto kong pumalahaw sa tawa. Hindi mabubura ng salitang sorry ang sakit na naramdaman ko noon. Kahit yata lumuha siya ng dugo ngayon sa harapan ko, hindi ko pa rin siya talaga kayang patawarin.

Gusto kong isigaw sa pagmumukha niyang ang kapal ng mukha niyang humingi ng kapatawaran. Gusto ko siyang sampalin at saktan. But not now. Not ever!

"M-matagal na kitang napatawad. Kalimutan na lang natin ang mga nangyari. Let's just forget the past." labas sa ilong na tugon ko sa kanya. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya.

"T—Thank you. Maraming salamat." aniya. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pag-abot niya sa mga kamay ko at saka marahan itong pinisil. Agad kong iniwas ang mga kamay ko.

"Sorry. Nadala lang ako." malapad ang pagkakangiti niya.

Ilang minuto pa kaming nag-usap. Mga bagay bagay lang na nangyari sa buhay namin these past few years. Kwento lang siya ng kwento, nakatingin ako sa kanya pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya. Iba ang tumatakbo sa isip ko.

Ilang sandali pa, nagpaalam na rin ako rito. Nagulat ako ng bigla akong hinapit nito at saka niyakap. Pero sandali lang naman iyon. Humiwalay din siya kaagad.

"Hindi naman siguro masama kung yakapin ko ang isang kaibigan." pagkaraan ay saad nito. Hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti nito.

I just smiled at him and nodded. Psh!

CHRIS

It's already pass 5 pm at uwian ng maisipan kong makipag-usap kay Melissa. I just realized na kailangan kong humingi ng sorry sa ginawa ko kagabi.

Hindi dapat ako nag-eskandalo pero masisisi niya ba ako? Alangan namang hayaan ko ang mark na iyon na halikan ang asawa ko?!

Alam kong hindi ako mahal ni Melissa at hindi ko dapat siya pinangungunahan at hadlangan sa mga ginagawa niya. Pero ibang usapan na kasi kapag may dumidikit sa kanyang mga lalaki. Lalo pa't alam kong may nakaraan sila ng lalaking 'yon.

And worst, hindi ko alam kong mahal pa siya ni Melissa! Just thinking about it, it breaks my heart.

Sinabi ko sa kanya kagabi na hinding-hindi ko na siya papakialaman sa mga gusto niya at gagawin niya. Pangalawang beses ko ng sinabi iyon. But I just can't help it. Sabihin ko man sa sariling kong hindi ko na siya papakialaman... sa t'wing nakikita ko siya, there's this strong urge  that I want to take her in my arms. Pero malakas ang pagtitimping ginagawa ko para lang pigilan ang sarili ko.

As I said a while ago, I need to see her. I want to sincerely make up with her. So I headed into her office, I will invite her to an early dinner. Pero malas ko, yung secretary na lang niya ang naabutan ko.

"Where's Melissa?" I asked.

"Ah! Umalis na po si Ma'am Melisaa, Sir. May kikitain pa daw po kasi siyang client kaya nauna na." saad ng kanyang secretary.

"Do you know where their meeting place is?" I asked again.

Sandali pa itong nag-iisip kung sasabihin ba nito. She seems hesitant.

"Please... Tell me, saan siya nagpunta?" Tanong ko ulit.

MELISSA

Kasalukuyan ako ngayong nasa supermarket. Naisip ko lang kanina na parang gusto kong magluto ng pochero. Bigla akong nagcrave, that is my favorite. And guess what? Favorite din iyon ni Chris!

Bigla akong napangiti, naalala ko kasi noon.. Madalas magdinner si chris sa bahay para lang matikman ang specialty ko— which is pochero. Gusto ko siyang ipagluto, parang pang peace offering ko na rin.

Tignan ko lang kung hindi siya masurprise sa special pochero ko. Napangiti ako sa isiping iyon.

Makalipas ang ilang sandali, matapos bilhin lahat ng recipe pauwi na ako sa townhouse namin.

I was driving ng biglang magring ang phone ko. Inabot ko ito without seeing it. Nakatuon lang kasi ang paningin ko sa daan.

Hindi ko na tinignan pa ang screen at kung sino ang tumatawag. I immediately answered it.

"Hello?" sagot ko.

"Hello? Kayo po ba si Mrs. Alegria?" tanong ng nasa kabilang linya. Boses iyon ng isang babae. Napakunot-noo ako.

"Yes. This is me. Why? Who is this?" tanong ko rito. Naramdaman ko na biglang kumabog ang puso ko.

"This is St. Joseph Hospital, Ma'am. And yung husband niyo po narito po ngayon sa emergency room. Nabangga po yung sasakyan niya." sagot nito.

Parang biglang nag-slow motion ang lahat. Napamulagat ako sa narinig. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Agad kong inihinto sandali ang sasakyan sa tabi.

May sinasabi pa ang kausap ko sa kabilang linya pero hindi ko na ito maintindihan. Nabitawan ko ang cellphone sa sobrang pagkagulantang.

No. No, no, please. Not him. God, please save him. Save my husband.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon