Chapter 46

3.7K 125 33
                                    

[A/N]: Play the Video: Mess we've made and leave your comment about this chapter! Just a short update though.

Ps. Comment naman mga silent readers jan.. please? ;) Okay.. babuuu!

~*~

"M-Melissa! W-What are you.." hindi matuloy tuloy ni Arlene ang sasabihin dahil sa sobrang panginginig.

Himbing na himbing pa rin si Chris sa tabi ni Arlene. Mukhang napagod ng husto kanina!

Ramdam kong nag-aapoy ang mga mata ko ng mga oras na yun. Parang biglang nagdilim ang paningin ko lalo na nang makita ko ang mga nagkalat na damit nilang dalawa sa sahig. Paano nila maatim na gawin ang bagay na 'yun?! At sa sariling bahay at kwarto pa namin! Paano nagawa sa akin 'to ni chris?!

Gusto kong masuka! Hindi dahil sa pagbubuntis ko kundi dahil sa pambababoy nila!

"MGA WALANG HIYA KAYO! MGA BABOY!!" sigaw ko sa sobrang galit.

Nahagilap ng tingin ko ang vase na nakapatong sa tokador. Kinuha ko iyon at marahas na ibinagsak sa gilid ng kama.

Halos mapatalon si Arlene sa kama dahil sa ingay na nilikha ng pagkabasag ng vase. Dahil doon nagising naman si Chris. Pupungas pungas pa ang walang hiya!

Sinamantala ko ang pagkakataon. Hindi na ako nagdalawang isip na sugudin si Arlene sa kama! Agad ko siyang sinunggaban at mabilis na hinablot ang buhok niya!

"WALANG HIYA KANG MALANDI KA!! HAYOP KA! ITO ANG BAGAY SA'YO!!" mas hinigpitan ko pa ang pagkakasabunot sa buhok niya dahil sobrang nagpupuyos ang kalooban ko.

"Aray! Masakit!! Bitawan mo ang buhok ko—aray!" pagdaing niya. Imbes na pakinggan ko ang pagmamakaawa niya ay mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ko kaya kinaladkad ko pa siya pababa ng kama.

Bumalandra sa paningin ko ang tanging suot nitong underwear! I swear! Gustong gusto kong sipain yung dibdib niya!

Wala naman siyang magawa kundi ang mapadaing at hawakan ang buhok niyang hila hila ko.

Wala na akong pakialam kung makalbo ko siya! Tama ang hinala kong may tinatagong kalandian ang babaeng 'to! Ang dapat sa mga katulad niya, tinuturuan ng leksyon! Kaya ipapakita ko sa kanya kung sino ang kinakalaban niya!

"Kulang pa 'to—"

"Mel! Tigilan mo 'yan!" napamaang ako nang marinig ang parang kulog na boses ni Chris.

"Anong ginagawa mo sa kanya? Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?!" galit na tanong niya.

Hindi ako makapaniwala! Siya pa ang may ganang magalit sa akin! Tuloy tuloy ang pagpatak ng luha ko. Parang ibang chris na ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ko na siya kilala!

Gulat na gulat ang mukha niya nang libutin niya ng tingin ang buong kwarto. Bumangon siya mula sa kama na tanging boxers lang ang suot! Lumapit siya para alisin ang buhok ni Arlene mula sa pagkakahila ko.

Pakiramdam ko naubos ang lakas ko kaya hindi ko na namalayang nakalaya na si Arlene mula sa pagkakasabunot ko sa kanya.
Mabilis itong nagtago sa likod ni Chris.

Pinigilan ko ang sarili kong mapahikbi. Dinuro duro ko siya.

"I-Ikaw pa ang may ganang magalit?! Mga baboy kayo! Paano niyo nasisikmurang gumawa ng kababuyan, huh! at dito pa talaga sa sarili nating kwarto?! Kunting respeto naman, chris!" pumiyok ako.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon