Chapter 3

7.6K 199 5
                                    


〜Ꮘ〜

(Continuation of Flashback)

"Ma'am Melissa, nakahanda na po ang dinner niyo... Ma'am?" tawag sa akin ng isa sa mga katulong namin habang tumutuktok na siyang nagpabalik sa akin sa katinuan.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, "Susunod na po ako manang." Tugon ko nalang rito.

Nang masiguro kong wala na ito sa labas ay sinimulan ko ng maghanap ng kahit anong matalas na bagay o lubid o kahit anong pwedeng gamitin sa pagkitil ng aking buhay.

Nahanap ko ang isang blade sa drawer ko. Agad ko itong kinuha at bago ko pa man tapusin ang buhay ko ay humingi muna ako ng patawad sa Diyos. Alam kong isang malaking kasalanan ang gagawin ko pero wala nang ibang paraan. I can't live bearing this excruciating pain in my chest anymore.

Walang ano-ano'y may narinig akong yabag ng paa na parang papunta sa kwarto ko. Hindi ko na iyon pinansin at itinuon na lang ang pansin sa blade na nakaumang na sa aking pulso.

Pumikit na ako at napakagat labi , nakaramdam ako ng sakit ng maradaman kong unti-unti kong nahihiwa ang balat ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang pagpatak ng aking dugo sa sahig.

At bago ko pa man idiniin ng todo ang paghiwa ay bigla na lang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito ang nag-aalalang mukha ni Chris!

Sht! Hindi ko nailock ang pinto!

Agad ako nitong dinaluhan at pagkatapos ay agad na kinuha ang blade na hawak ko. Fear and anger are very evident on his face when he saw my blood dripping.

"Fuck! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo Melissa? Magpapakamatay ka ba talaga?!!!" Sita nito sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?! Umalis ka na! Umalis ka rito!" Paasik na sigaw ko rito pero parang wala itong narinig, bagkus ay kumuha pa ito ng malinis na panyo sa drawer ko at agad na itinakip sa pulso kong walang tigil sa pag-agos ng dugo.

"Hindi mo ba ako narini—shit! Ibaba mo nga 'ko! Ano ba?!" Nagulat na lang ako ng basta-basta na lang niya akong binuhat at pagkatapos ay agad na isinakay sa nakaparadang sasakyan niya sa ibaba.

Nakatingin lang sa amin ang mga katulong at nagulat rin ang mga ito ng makita ang dugong nagmumula sa aking palapulsuhan.

Dinala ako ni Chris sa pinakamalapit na hospital para ipatahi ang laslas ko at matapos magbigay ng pain reliever ang doktor ay inuwi na niya ako sa bahay.

Wala sina Papa at Ate margaux dahil nasa out of the country sila ng mga panahong iyon. Meron silang mga kikitaing mga kliyente doon at nagpapasalamat ako dahil doon. Dahil kung meron sila ay tiyak na makakarinig lang ako ng sandamakmak na sermon sa kanila.

Magmula ng araw na iyon ay lalong tumindi ang galit na nararamdaman ko para kay Chris.

Oo... niligtas nga niya ako at utang ko sa kanya ang buhay ko. Ang buhay kong gusto ko ng wakasan! Because of him for saving me from my suicide attempt, I need to deal with this fucking heartbreak forever!

I hate him for making me suffer this long!

(End of flashback)

Napatingin ako sa pulso ko. Habang buhay nang nakamarka roon ang peklat na nagpapa-alala sa akin sa nakaraan ko.

Buti pa ang sugat, unti-unting
naghihilom.. pero ang sakit at poot sa puso ko, parang wala nang pag-asang gagaling pa..

"Mel, are you listening?" Saad ni sofie na siyang nagpabalikwas sa akin.

"Ofcourse.. Ano ulit yung sinasabi mo? Maang-maangan kong tugon rito.

Ikwenento nito ang matagumpay na buhay ni Mark sa ibang bansa.

Ibang-iba na raw ito sa dating Mark na kilala ko. Naging dalubhasa ito sa pagpapatakbo ng kanilang maliit na jewelry factory sa amerika na kalaunan ay lumaki at lumago dahil sa kanyang pagpapatakbo. At ngayon nga ay uuwi siya sa pilipinas para magpatayo ng branch rito.

"Mabuti pa pala siya naging matagumpay sa buhay... Mukhang naging madali sa kanya ang lahat. Good for him." Sambit ko na may mapait na ngiti sa labi.

Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at saka kumuha ng isa. At saka iyon sinindihan at hinithit-buga. Sa pamamagitan nito ay naaalis ko ang barang humaharang sa lalamunan ko.

Nag-order pa ako ng inumin hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilan ang nainom namin.

Fuck this life! Fuck them all!

Lumipas pa ang ilang oras ng pag-inom ay naramdaman ko na ang epekto ng alak sa katawan ko at pagkatapos ay unti-unti nang nagdilim ang aking paningin. Ang huli ko nalang na naaninag ay ang bulto ng isang lalaki at ang pag-angat ko mula sa upuan.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon