Chapter 2

10.3K 219 8
                                    


〜Ꮘ〜

"Mel, sayaw pa tayo!" yaya sa akin nung lalaking kasayaw ko lang kanina sa dance floor.

"I'm already tired so please leave me alone." pantataboy ko rito.

Totoo yun. Masakit na ang paa ko pero sa totoo lang talaga ayoko nang makipagsayaw sa kanya. Masyadong malikot ang kamay niya at saan saan napapadpad kaya bago pa niya marating ang sukdulan ay walang sabi sabing iniwan ko na siya sa dance floor.

Jeez! I don't even know his name.

"Oh come on! Let's dance—" pamimilit pa rin niya pero dahil sa sobrang pagkairita ay nasigawan ko na ito.

"I SAID I DON'T WANT TO! SO COULD YOU PLEASE LEAVE ME ALONE?!" bulyaw ko sa kanya. Hindi na ako nakapagtimpi sa kakulitan niya.

Agad nalukot ang mukha nung lalaki. Tila ayaw pa nitong padaig pero nang panliitan ko na ito ng mga mata ay parang bulang nawala na rin ito sa paningin ko.

Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga. Kinalma ko muna ang sarili ko. Tumaas yata ang dugo ko.

Men are just a pain in the ass!

Dinampot ko ang phone ko mula sa purse at saka tumawag.

"Where the hell are you?!" pambungad ko rito nang sagutin nito ang linya. Kanina pa ako naghihintay sa kanya!

"I'm already on my way, dear! Just stay put, 'kay? Bye!" anito bago ibinaba na ang tawag.

Napairap na lang ako sa kawalan bago nag-order ulit ng inumin sa bartender.

I was drinking my bacardi at the moment nang dumating na rin sa wakas si Sofie. Sofie is my long-time friend. We we're been friends since high school. Well actually, to make the story short she is my bestfriend.


She's the only one I truly trust kaya alam niya ang lahat ng sekreto ko.

Nang makalapit siya ay nakipagbeso ako sa kanya kahit pa medyo naiinis ako sa kanya dahil sa matagal niya akong pinaghintay!

"One shot of vodka, please?" aniya sa bartender at saka ako hinarap.

"Hmmm... What's with the face?You looked iritated again." aniya matapos akong tignan. Ngumisi pa siya ng mapang-asar.

Marahas akong napabuntong hininga. "Wala naman."

Inabot niya muna ang vodka niya mula sa bartender at inisang lagok lang iyon. Pagkatapos ilapag ang shot glass ay tumingin ulit siya sa akin. This time seryoso na ang mukha niya.

So what's with the face, huh?

"Did you heard the news?"pagkuwa'y tanong niya sa akin.

"What news? Kung bad news wag mo nang ipaalam. Sira na nga gabi ko eh." Tila walang pakialam na sagot ko sa kanya.

She rolled her eyes at saka napabuntong-hininga. "Let me guess,nag-away na naman kayo ni chris, 'noh?" sarkastiko niyang tanong.


Tinungga ko muna ang tequila ko bago ulit sumagot. "As-usual, teka nga.. Ano ba yung news na sinasabi mo? Iniiba mo naman ang usapan, eh!"

Napakagat siya ng ibabang labi at mababakas ang pagdadalawang isip sa mga mata niya.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon