Chapter 17

5.9K 194 12
                                    


"DON'T fucking try to kiss my wife again, or you'll be alive no more!" Parang kulog na banta ni Chris.

Para akong kandilang naitulos sa aking kinatatayuan. Nagbukas-sara ang bibig ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Let's go home now!" untag ni chris sa akin. Naramdaman ko ang malamig na palad niya ng hawakan nito ang braso ko at saka tangayin papasok sa kotse nito.

Yeah right! Tama nga ang hinala ko! Sa kanya yung kotse doon!

Bago ako ipasok ni chris sa loob ng sasakyan ay sinulyapan ko pa si mark na naka-upo pa rin sa lupa habang sapo-sapo ang pisngi. Umikot na si chris papunta sa driver seat. Malakas na isinara niya ang pinto ng sasakyan at saka pinaharurot na palayo roon.

Sinilip ko ang mukha nito. Lukot pa rin at madilim ang mukha nito.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa ginawa niya kanina. Galit ako dahil bigla-bigla na lamang siyang susulpot at nanununtok. Pero nagpapasalamat na rin ako sa pagdating niya dahil muntik na akong matangay kanina. Alam kong mahina ako pagdating sa tukso. And i'm such a fool dahil hindi ko naiwas ang sarili ko kanina.

Pero hindi... Mali! Ayokong kontrolin niya ako. Not now! Nag-uumpisa pa lang ako sa paghihiganti ko. Hindi siya pwedeng maging sagabal sa mga plano ko.

Namayani ang katahimikan sa amin. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa town house namin.

Matapos nitong maalis ang coat nito ay dumiretso na ito sa mini bar at saka nagsalin ng brandy. Sinundan ko at saka pinamewangan ko ito.

"What was that all about?" tanong ko rito. Sarkastikong tanong ko rito.Tila wala itong narinig, sa halip ay sunod sunod niyang tinungga ang hawak niyang brandy.

"I should be the one asking you that, my dear wife." may diin na pagkakasabi nito.

"Anong ibig mong sabihin? Ikaw pa ang may ganang mamilosopo! Hindi mo ba naisip na baka magreklamo siya sa staff ng annual party!? Baka bawiin yung binid niya sa akin! Paano na yung mga charities ng kompanya? Baka masampahan ka pa ng kaso!" Upset na saad ko rito.

Marahas na ibinagsak niya ang basong hawak niya.

"Kung 'yun lang ang iniisip mo, i can pay twice the amount he bid for you!"

"Jan ka magaling eh! Pinapa-iral mo 'yang pride mo! You're so unprofessional! Kailangan mong magsorry sa kanya! Bukas na bukas din!" gigil na sigaw ko sa kanya.

Nangunot ang noo niya, he clenched his jaw. "Why would I fucking do that?" tanong niya.

"Dahil mali ka! Hindi mo dapat ginawa 'yon!" sigaw na sagot ko rito.

"Ako pa ngayon ang mali?! Tell me, am I wrong for protecting my property from other? Kasama ba sa bid niya ang paghalik sa'yo? Siguro kapag 'di ako dumating, mas malala padun ang gagawin niyo! Fvck!" nagulat ako nang ibato niya ang baso sa pader. Umalingawngaw sa buong bahay ang pagkabasag niyon.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig.Lumapit ako rito at mabilis ko itong sinampal ng ubod lakas. Marahas na humugot ako ng malalim na hininga.

"How dare you! Wala kang pakialam kahit na ano pa man ang pwedeng mangyari sa amin! Mag-asawa lang tayo sa papel, Chris at wala kang karapatang kontrolin ako! Hindi mo ako pagmamay-ari!" bulyaw ko rito. Nakita ko ang pagdaan ng emosyon sa mukha niya. Matagal bago ito nakabawi. Tumango-tango ito.

"Oo nga pala, mag-asawa lang tayo... sa papel lang. You never loved me like the way I love you..." may pait sa tinig nito. Parang may kung anong kumirot sa puso ko.

Unfaithful Wife | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon