Sa kanilang lahat si tita jen lang ang medyo sanay magtagalog kasi dati daw nagaral daw sya sa manila kasama yung panganay nilang kapatid na si tito obet. Atsaka dun na din sya nakapagtrabaho kaya ayan nasanay na sa tagalog.

Narinig ko naman agad yung pagtawa ni vanessa ng mahina. Pag talaga kahihiyan ko ang pinaguusapan, patok na patok sakanya, tsss.

"Get ready to be hit at the butt by a broom" bulong pa nya kaya napatingin ako sakanya at ayun nakasmirk ba naman ang babaita,  ngumiti naman ako ng pilit sakanya.

So masaya na sya nyan? Argh.  Kung hindi ka lang talaga babae at kung hindi lang talaga kita gusto malamang dati pa nakahandusay sa sahig.

"Tita Jen naman eh, pamakarinen mu ku eh (pinapahiya mo ako eh)"

"Ay.  Hindi naman po. Makulit lang po" sabi nya na nagpipigil ng tawa. Hala gusto talaga netong paluin ako ni Tita Jen ng walis sa pwet! Langya.

"Hoy hindi ah, sayo lang ako makulit, tigas kasi nyang kokote mo eh"

"What's kokote? Is that a kamote?"

"Oo kamote yun" sabi ko sabay pigil ng tawa hahaha. Kokote, kamote daw hahaha kabwiset! Try lang nyang kainin yung utak nya baka sakaling masarap hahaha.

"Ezekiel David G. Lucas!" sermon ni Tita Jen saakin.  Weh ang KJ talaga ni Tita kahit kailan. 

"Present Tita Jen!" sabi ko at narinig ko namang tumawa ng mahina si Vanessa.

"Makakatikim ka talaga saakin mamaya kang bata ka" banta saakin ni Tita Jen. Hay nako hanggang mamaya namang hapon bago ako pumuntang simbahan asa kwarto lang ako hahaha bleh!

Nakita ko naman tong katabi ko na pinipigilan na talaga ang pagtawa.

"Hay nako makapasok na nga sa loob! Baka may biglang mautot kakapigil ng tawa!" sabi ko sabay tawa at pasok na sa loob iniwan sya at ang mga bagahe nya doon.

"Argh! Hate you lucas!" narinig kong sigaw nya. Pfft haha. Bahala sya dyan,  pagtawanan pa nya ako hindi lang yan ang papagawa ko sakanya. 

"Yung totoo? Nagdate kayo noh?" bungad ni Cherry habang kumakain sa loob.

Anong date?  Edi sana hanggang ngayon hindi pa kami nakakauwi kung date yun,  sana nga nagdate nalang kami---jk lang.  Aish baka nga etong dalawang toh yung nagdadate eh.

"Huh?"

"Ang tagal nyo kaya bro" sabi pa ni Jeremy.

"Mabilis lang kayo maglakad" sabi ko sabay pasok sa kwarto ko at higa agad sa kama ko.

Ah! Namiss ko toh!!!! Hay salamat! Lord, jusko! Salamat nakarating na rin!. Makatulog na nga muna! Tutal medyo maaga aga pa naman.

--------

"AHH! Ano ba?! Trip mo noh!" sigaw ko sakanya pero napacross arm nalang sya. Nakakainis! Hindi ba nya alam na busy ako?

Busy sa pagtulog!

Aish nakakainis pingutin ba naman ang ilong ko, binabalak ba nun ako patayin!

Tiningnan lang nya ako... Ay mali pinagmasdan lang nya ako habang ako naghihintay ng sagot sa tanong ko. Shit.  Ang ganda nya.  Kaya hanggang ngayon patay na patay pa rin ako sakanya--- Aish!  Kundi lang sya brat perfect na sana sya.

"Are you going to keep on staring at me?  Baka matunaw ako nyan" may tonong pangaasar na sabi ko sakanya,  napayuko naman sya bigla.  Wait,  kinikilig ba sya? 

Lakas mo talaga, Kiel.  Hay nako hahaha.  pero leche lang ginising ako para makipagtitigan sakanya? "Tsss. If you're going aren't going to say anything better disturb someone but me"

Kinumutan ko ulit yung sarili ko na nakangiti pa rin hahaha,  eh kinikilig ako eh!  Masama ba yun?  Hehe.  Wag sana syang maghanap ng iba nyang iistorbuhin! Subukan lang nya. Argh!  Parang gago Kiel,  tinataboy mo pero gusto mo naman syang magstay at wag maghanap ng iba.  Anong klase yun?  Hibang ka na talaga ata, Ezekiel.

"Ano ba lucas! Don't sleep again! Ang hirap mong gisingin! Lucas! Wake up! Don't force me to do that again!" sabi nya na may kasamang hampas na yan.  Hindi talaga ako matiis ng brat na ito.

"Pagod pa ako! Ano ba yun?" Syempre kunyari pabebe muna hah.

"Kaycee is waiting for you outside---" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at agad bumangon.

Hala yung usapan pala namin kanina! Shet nakalimutan ko! Anong oras na ba at walang gumising saakin? Patay ako nyan kay Kaycee!

Pagkapunta ko sa may sala walang tao dun pati sa kusina at sa likod bahay.

"Pinagloloko mo ako eh! Wala namang tao eh!" sabi ko kay Vanessa.

"Did I told you that their still here?" pataray na sabi nya saakin sabay upo at nood ng tv

"Eh sabi mo naghihintay na si Kaycee saa-"

"I wasn't finished talking back then right? Kaycee is waiting for you EARLIER and when she found out that you're on asleep, yung iba nalang ang sinama nya"

"Eh bakit hindi ka sumama?"

"Tinatamad ako" sabi nya sabay inom nung juice habang nanonood ng tv "And she also left you a note, magpahinga ka daw muna. So you can take your sleep ulit" sabi nya sabay ngiti na ng nakakaloka pero hindi nakatingin saakin.

Ako ba talaga pinagloloko netong babaeng toh? Tinaggal tanggal yung antok ko tapos papatulugin ako ulit, argh!

Umakyat nalang ako sa kwarto ulit at ilang minuto ang nakalipas ay lumabas ako ulit.

"Tara" sabi ko sabay turn off ng tv at hila sakanya palabas ng bahay.

"Hey! I want to rest pa! Where are we going ba?"

"Simbahan" sabi ko sabay ngiti.

Papakasalan na kasi kita.

Hahahaha kung pwede lang kaso hindi mo pa nga ako sinasagot.  Papakasalanan mo na ako? Hayyy kailan mo ba ako mapapansin Brat?

°°°°°

She's my brat boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now