Ang pagkakaalam lamang kasi niya noong una ay close family and friends lang ang dadalo sa kasal. Hindi naman nasabi ni Gerard na kasama sa 'close family and friends' ang pamilya ng US President, at pamilya ng Mayor ng California. 

Natural lamang na maintriga ang mga tao kung sino ang ikakasal. Pinaliwanag na lang ni Gerard sa kanya kanina na nakakahiya naman kung malaman ng US President na narito ang Daddy ni Gerard sa US para sa wedding ng kaisa-isa nitong anak, pero hindi ito invited. Nakakahiya din daw sa Mayor ng California kung malaman na sa California magaganap ang kasal, ngunit hindi man lang ito naimbitahan.

Hindi siya sanay sa pakikihabilo, lalo na ang maging pokus ng atensyon ng nakakarami, kung kayat kinabahan siya. Nagpahanap siya ng paper bag at duon humihinga. Bukod sa naghahalo na ang excitement at kaba niya, nasi-stress out pa siya sa wedding vow niya.  Kanina pa nga siya pinainom ni Gerard ng gamot para ma-relax ang tiyan niya kasi baka mag-contraction na naman siya.

"Relax ka lang, anak." Hinawakan siya sa kamay ng ina.

"Ngayon lang kasi nagsi-sink in sa'ken ito Mommy. Dun sa  isang buwan ko kasing kasama si Gerard, may sarili kaming mundo. Wala naman kaming nakakahabilo maliban sa closed circle of friends at family. Si Gerard na pinsan ni Percival lang ang nakikita ko. Ngayon lang nagsi-sink in sa'ken kung sino ba talaga yun' papakasalan ko. Mommy, anak siya ng Presidente ng Pilipinas! Waaah! Magiging in-laws ko yung Presidente at First Lady ng Pilipinas! Nanliliit ako, Mommy..." aniya sabay hinga ulit sa paper bag.  Saktong tumawag si Gerard sa kanya sa mobile phone. Sinagot naman niya kaagad ito.

"How's my beautiful bride?" masuyong tanong ni Gerard.  

Hindi siya nakapagsalita. Bagkus ay natigilan siya at mabilis na pumasok sa isip niya ang reyalidad. 

This person... this beautiful person with a good and generous heart is willing to marry me.? And, he has been nothing but gentle, understanding, caring to me? What could I give him that would be deserving as he commits a lifetime with me?

Wala. I am empty... and broken...

Napaiyak siya.

"Bakit ka umiiyak?" worried na tanong ni Gerard sa kanya.  "Nagbabago na ba ang isip mo sa wedding? Puntahan kita ngayon, honey. Wait for me."

May kaunting diskusyon siyang narinig sa may pintuan ng kuwarto habang sumisinghot at hawak ng mahigpit ang mobile phone. Si Mrs. Ponce iyon at ang events organizer na may kausap sa pinto.  Narinig niya si Gerard at mabilis niyang nilingon ang pinto. 

"Mommy, just a second please? I just need to talk to Shayla." Pakiusap ni Gerard.

"No, Ardy! Hindi mo nga pwede makita yun' bride bago kayo ikasal. Ang tigas ng ulo mo! Nasaan ba ang Daddy mo?"

"Please? I just need to see her. I called her and she was crying!"

"Mag-usap na lang kayo sa mobile phone!" Pinagalitan ito ni Mommy Mary at sinaraduhan ng pinto.

"Honey, are you still there?" worried na tanong ni Gerard, bago bumuntong hininga. May pag-aalala sa boses nito.

"Andito pa'ko. Ba't ba ang tigas ng ulo mo? Napagalitan ka tuloy ng mommy mo!" Sabi niya.

"Eh kasi ikaw, e! Pinag-aalala mo ako na baka magbago isip mo at the last minute. Shayla, ipapaalala ko lang sa'yo. Mahal kita. Mahal na mahal!"

 Mahal na mahal!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now