CHAPTER 8:

8.2K 229 12
                                    

Thank you for reading, My heart was sold to a demon :) Sorry sa mabagal na update. Nag tra-trabaho po kasi ako sa umaga at nag aaral sa gabi. Kailangan kong mag ipon para maka uwi ng Pinas. :))

Enjoy reading guys!

Vote, Comment kayo na po ang bahala. 

CHAPTER 8:

BROOKLYN

Habang nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame, hindi ko maiwasang mapag isip ng kung anu-ano. Simula pa kase nung isang araw nakakaramdam na ako ng marahan na pag kirot sa puso ko. Para bang may pumipiga, pero agad din namang nawawala.

“Riyuki, is it really possible na mahalin ako ng tulad niya? Sapat na ba yung ilang araw na pag sasama namin para masabing mahal niya talaga ako?” suddenly nag appear si Riyuki, naka upo sa tabi ko. At pinag mamasdan ako ng mabuti.

“Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo, ang trabaho ko lang ay bantayan ka. Hindi ko trabaho ang isipin at intindihin ang nararamdaman ng iba sa’yo.” Tumingin ito sa orasan niya, “Time is ticking too fast Brooklyn, at hanggang ngayon wala pa ring kasiguraduhan kung mabubuhay ka.”

Napapikit ako, at inisip na sana hindi na lang extend ang buhay ko. Sana hinayaan na lang nila akong mamatay, hindi kagaya nito. Walang kasiguraduhan kung mabubuhay ba talaga ako o hindi.

“Nasa stage 2 na tayo Brooklyn, hindi ko alam kung anong mangyayare sa susunod.” Napaupo ako tinignan siya, “Anong ibig mong sabihin??”

“Maaring mag bago ang rules Brooklyn, maaring pangit o maganda ang magiging susunod na rule.” Sinubukan ko pa itong tangungin, ngunit mabilis itong mag laho na parang bula. Kinabahan ako doon sa sinabi niya, yeah I act cool. But the truth is I am not..

I’m scared to die.

THE NEXT DAY

''Narinig niyo na ba yung balita?? Darating daw yung anak ng co-owner ng school natin.'' bakit parang ang big deal ng pagdating ng hinayupak na anak ng co-owner ng school na yan?  ''Alam mo na yun Brooklyn??''

''Paki ko, anak din ako ng nanay ko.''marahang kinurot ni Liana ang pisngi ko, at nakataas ang kilay nito sa akin.

''Ohh, ano nanamang tinataas ng kilay mo?''

''Ang sungit sungit mo, kaya naman manang tawag sayo ni Jameson. Dinaig mo pa sa kasungitan mo yung subject teacher natin sa History.” Itinaboy ko ang kamay niyang naka kurot sa pisngi ko.

“Im born this way, tsaka ano bang pake ko kung darating yang anak ng co-owner ng school natin?”

“Best Friend daw ‘yun ni Jameson e.” nagpantig ang mga tainga ko ng marinig ko ang pangalaan ni Jameson. Bestfriend? Akala ko bang si Griffin lang ang bestfriend niya bakit may bestfriend nanaman siyang paninago? Mister Friendly pala si Jameson ngayon ko lang nalaman.

''Ano ba yung bestfriend niyang yan? Babae o lalake?'' sumiryoso ang mukha ko ng itanong ko sakanya iyan.

My Heart Was Sold to a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon