CHAPTER 3: THE SCHEDULER

11.8K 333 36
                                    

Tuloy Tuloy na po ang pag uupdate ko nito. Kaya pasensya na po kung supeeeer tagal ng hindi ko pagka update dito. :))

\CHAPTER 3: THE SCHEDULER

JAMESON

It's not that I don't like her, there's something about her presence. Parang nakita ko na siya date hindi ko lang maalala kung saan.

''so how is your day kuya?'' tanong sa akin ng biogical brother ko. He's a 2nd grader.

''Great.''

''Great? Can we order pizza? Puhlease? I'm starving na po e.'' Wala naman akong magagawa dahil kami lang dalawa sa bahay.

''Sige na, manood kana. Oorder na ng pizza si kuya.''

''Thank you kuya!''

BROOKLYN

Nandito ako ngayon sa pizza parlor kung nag tra-trabaho si Mama. Pinapunta niya lang ako dito para i deliver yung 30inch pizza. Wala daw kase yung delivery boy nila kaya ako nalang yung inutusan. Tutal daw mukha naman akong, 'boy'.

''Aalis na ako.'' matamlay na sabi ko sa mama ko.

''Hoy Brooklyn, ingatan mo yang pizza na yan.''

''Oo ma, iingatan ko to. Kanina mo pa sinasabi e! Paulit-ulit n--''

''Nag rereklamo ka?''

''Konte.'' nang aktong hahampasin na ako ng mama ko nung pambugaw ng langaw, hinablot ko na yung pizza at kumaripas na ng takbo. Hirap na, baka mamaya kung ano pang gawin sa akin.

Sa lahat ng nanay, siya yung bully!

---

Ito na yun, nag doorbell ako.

''Pizza delivery!!'' May nakita akong note na naka dikit sa may gate.

'Paki hatid nalang yung pizza sa kitchen. Thanks' anong klaseng penmanship naman yun? Kalkal manok! Pero infairness naman sa mga umoorder na 'to masyado silang pa VIP.

Nag doorbell ulit ako, pero wala pa din talagang lumabas. Kapal ng mga mukha ng mga taong nakatira dito.

''aba, tignan mo nga naman. At ako pa talaga ang mag hahatid sa kusina nila. Baka gusto nilang, subuan ko pa sila?'' kinuha ko yung naka dikit na note at dire-diretsong pumasok dun sa bahay. Infairness may kalakihan anag bahay, pero ayokong tumira sa ganitong klase ng bahay dahil sa sobrang laki at lawak, nakakatamad linisin.

Mukha namang walang tao kaya ayun, dumeretso na ako sa kusina. Pagkalapag ko sa mesa nung pizza

''Here's your order.'' nang makita ko kung sino yung umorder, napangisi ako bigla. Naka tayo lang ito sa may tabi at pinag mamasdan ako.

My Heart Was Sold to a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon