CHAPTER>16

4.2K 153 19
                                    

CHAPTER 16:

BROOKLYN

Minabuti ko na munang umuwi dahil gusto kong malayo sa mga tao sa paligid ko. Pag kadating ko sa bahay hinanap ko agad si mama, mukhang wala siya. Pero alam ko sa ganitong oras nasa bahay na ‘yun. Kailangan ko ng sabihin sa kanya yung mga bagay na nangyayari sa akin. Hind ko sinasabi kay mama lahat ng mga bagay na nangyayari  sa kadahilanang ayokong makita siyang nag aalala o nalulungkot nang dahil sa akin. Ayoko ring isipin na darating yung araw na maiiwan siyang mag isa dito, iniisip ko pa lang hindi ko na kaya.

“Ma!” minabuti kong puntahan ito sa kanyang kwarto ngunit nang makita niya ako halos isa din si mama sa nag tataboy sa akin. “Ma... Pati ba naman ikaw..”

“Ma... bakit kailangan mong gawin ‘to.” Napayuko na lang ako at na napigilan pang umiyak. “Huwag kang mag alala ma… naiintindihan ko. Siguro kagaya ko natatakot ka ding mamatay. Ma, Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod pang araw. Pero gusto ko lang malaman niyo...”

“Na kahit na minsan nag aaway tayo, mahal na mahal ko kayo. Sorry Ma, kasi dahil akin nahihirapan ka. Pero ma, gusto kitang yakapin.. Pero ayoko ng subukan dahil baka mamaya ano pa ang mangyare sayo. Huwag kang mag alala ma, kahit na ganito.. Hindi ako galit sayo...” kung hindi pa ako titigil pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko..

“Aalis na po muna ako, huwag mong papabayaan yung sarili mo. Ma… I love you.” Pag katapos kong sabihin sa kanya ‘yon. Nag tungo na ako sa kwarto ko para kumuha ng mga gamit na gagamitin ko. Hindi ko alam kung saan ako titira.. hindi ko alam saan ako pupunta.. Pero isang sulat ang pumukaw sa akin atensyon na nakapatong sa ibabaw ng unan ko...

“Sulat galing kay mama..” bulong ko sa sarili ko... nang basahin ko yun lalo akong naiyak..

Anak,

Pasensya kana kung pinag tatabuyan kita, dahil sabi sa akin ni Gabrielle nakakabuti yun sa ating dalawa. Pasensya kana anak dahil wala akong magawa para matulungan ka sa laban mo. Kung pwede ko lang akuin lahat ng mga bumabagag sa utak mo matagal ko ng ginawa. Anak, gusto ko lang malaman mo na kahit madalas kitang pinapagalitan mahal na mahal kita. Pasensya kana kung hindi ko maibigay lahat ng mga luho mo, sakto lang kasi yung kinikita natin.. Pero anak, malapit na ang 18th birthday mo.. Alam ko matagal mo nang hinihingi sa akin na bilhan kita nito.. Kaya sana anak magustuhan mo, hindi man yung pinaka magandang model.. Pero anak yan lang ang kaya ni mama… Anak, mag pakatatag ka.. Mahal na mahal ka ni mama... Binilhan din kita nung paborito mong chocolate... anak... mag iingat ka lagi.. mahal na mahal ka ni mama.

May nakita akong isang maliit na kahon, natawa ako ng Makita ko ‘yun. Matagal ko na kasing hinihingi kay mama na bilhan ako ng cellphone yung touch screen.. Pero dahil sa hindi naman kami mayaman, at sakto lang ang kinikita ni mama.. Hindi madaling makuha lahat ng luho ko..

“Brooklyn.. mag madali ka na.. Sinusundan ka na nila..” sabi sa akin ni Riyuki, nag tayo ulit ito ng sanctuary para hindi ako malapitan ng mga masasamang espirito..

“Saan ako pupunta Riyuki?”

“Basta, kailangan mo munang lisanin tong bahay niyo.. Huwag ka ng mag alala sa mama mo. Binigyan na siya ng proteksyon ni Gabrielle.. Hindi nila masasaktan o magagalaw ang mama mo..” nakahinga ako ng maayos ng sabihin yun sa akin ni Riyuki.

My Heart Was Sold to a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon