CHAPTER 17:

6.7K 209 67
                                    

CHAPTER 17:

JAMESON

“Morgan! Makinig ka naman sa akin…” nakita ko ang sarili ko at si Brooklyn. Mukhang nag aaway kami, pero hindi ko maintindihan bakit Morgan ang tawag nito sa akin. Parang may sariling isip ang mga paa ko at sinundan ko si Brooklyn..

“Morgan, Let’s go home.. lasing kana.. Tama na yan..” hindi ko maintindihan bakit ipinag tatabuyan ko si Brooklyn. Kung titignan  kasi malayong malayo yung ugali ko sa nakikita kong ako sa panaginip ko.

“Tangina naman Steff, pwede ba tantanan mo na ako. Tinalo mo pa ‘yung nanay ko kung pangaralan ako. Ikaw ang umuwi dahil pupuntahan ko pa ‘yung girlfriend ko. Masyado kang boring. Hihingi lang ako ng isang kiss sayo sa cheeks hindi mo man lang ako mapag bigyan. Masyado kang pa birhen!” gusto kong sapakin yung sarili ko ngunit hindi ko magawa, sa tuwing lalapit kasi ako sa mga ito hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“Ako yung girlfriend mo Morgan.. Please, umuwi na tayo baka kung ano pang mangyari sayo..” tumawa lang si Morgan habang pinag tutulakan niya si Steff.. “Ikaw ang umuwi. Uuwi ako kung gusto ko! Kung mamatay edi mamatay! Problema ba ‘yun?! Sino bang natatakot mamatay? Ako? Tanginang buhay ‘to.”

Tuloy pa rin sa pag pigil si Steff kay Morgan, tangina nakakainit nang dugo ‘yang kayabangan ng Morgan na ‘yan! Kamukha ko paman din…

Dire-diretso sa pag tawid si Morgan hindi niya alintala ang mga sasakyan na dumadaan. “Morgan, ano ba... tara na. Kung gusto mong tumawid.. sa pedestrian lane tayo huwag dito.. Morgan! Tara na... lasing ka na e.. express way ‘to. Baka mapano ka.. MORGAN! MAKINIG KA NAMAN!”

Hindi nilingon ni Morgan si Steff, at tuloy pa rin ito sa pag tawid. Hanggang sa hindi na nakapag pigil si Steff at pati ito tumawid na.

“Morgan... Please, I’m begging you umuwi na tayo..” nag matigas pa rin si Morgan.. “Kahit na ganito tayo lagi, hindi ako mapapagod sayo. Alam mo kung gaano kita kamahal. And I will do anything para lang mapasaya ka. Pero may tamang panahon kasi sa ganun, sana maintindihan mo.”

Sa unang pag kakataon nahabol ni Steff si Morgan, “I love you, kahit na lagi mo akong pinag tutulakan palayo sayo.”

“Kalokohan yang pinag sasabi mo. Umalis kana nga!!” sabay tulak ni Morgan kay Steff.. “Kung mag papakamatay ka, pipigilan kita. Huwag mong pangunahan yung mga plano ni God sayo.”

“Fvck Steff, sino bang naniniwalang may Diyos?!”

“I may not see him, but I do believe in him.. May faith ako sa kanya, kagaya mo may faith ako sayo. Naniniwala ako na hindi ka dapat nag kakaganyan. Life is beautiful Morgan.. kahit na sobra-sobra na yung stressed mo sa buhay... Matatapos din ang lahat. Kasama mo ako di kita iiwanan.. partner tayo diba??”

“Bullshit Steff! Puro na lang ganyan lumalabas sa bibig mo! Kung gusto mong mamatay! GO! Walang pumipigil sayo. Dahil ako gusto ko nang mamatay.” Habang nag tatalo sila sa gitna ng mga rumaragasang truck, walang humpay ang busina.

“Kahit anong mangyare, hindi ko hahayaang mamatay ka.. Ako ang angel mo.. babantayan kita. Kahit ayaw mo.” Tumawa lang ng malakas si Morgan. “Get lost!” at tinalikuran na ni Morgan si Steff..

My Heart Was Sold to a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon