CHAPTER 1

17.7K 570 66
                                    

VOTE COMMENT, KAYO NA PONG BAHALA :))

Wala tong connection sa L.A. Bago lahat to, pwera lang sa baliw-baliw na author. Madalang ko lang tong i update, dahil tinatapos ko pa ang L.A ^_^Mga 20 chapters lang to.. kaya sana suportahan niyo din kagaya ng pag suporta niyo sa L.A at sa iba ko pang story.


Enjoy Reading guys :))

CHAPTER 1

BROOKLYN'S POINT OF VIEW

*mini flash back*

''Brooklyn Dee..'' kwinelyuhan ako nung kaklase kong lalake. Tama ba namang tawagin akong kampon ni satanas, sa ganda kong to?!  Kaya ayun, sinundot ko yung ilong niya gamit nung dalawa kong lapis. Take note bagong tasa yun kaya nosebleed ang inabot niya.

''Sa susunod kase huwag mo akong ginagalit ng hindi ka nasusundot ng lapis sa ilong.'' cold na pagkakasabi ko dito, sa sobrang pagkaka higpit nito sa hawak niya sa kwelyo ng damit ko. Halos mabuhat na niya ako.

''ISA KANG MALAKING SALOT BROOKLYN DEE!!''  napangisi nalang ako ng sabihin niya yun. What's new?

''I know right, kaya nga hindi niyo ako matalo at mapatay kase isa akong malaking salot. Pero salot man ako sa inyong paningin, huwag niyo akong ismolin, dahil kahit salot ako  maganda pa rin!''

Lahat sa school, ang trato nila sa akin malaking dumi at isang pangit na palamuti lamang sa school. They even tried to kill me, but since I have my black guardian angel with me hindi nila yun magawa-gawa. Subukan lang nilang lumapit, tignan ko lang kung saan sila abutin.

''Bakit hindi kapa mamatay?!''

 

''Bat di muna ikaw yung mauna? Pag nakita kong nag enjoy ka, sige susunod ako.''

''Aba! Sumasagot kapa talaga.. Kris! Gawin mo na!''  hinampas ako ng upuan sa likod nung classmate naming si Kris. Halos mawasak yung upuan sa lakas ng pag kakahampas niya saakin. Bahagya akong bumagsak sa lupa.

''Aba talagang pinapainit niyo yung ulo ko!!'' Naramdaman kong may tumulong dugo galing sa may ulo ko. Hindi na ako nakapag pigil at lumaban na ako. Hindi makatarungan ang ginagawa nila sa akin! Kaya hindi rin makatarungan ang gagawin ko sakanila. Kinuha ko yung mahabang lamesa, at yun ang hinampas ko sakanilang dalawa.

 

“Sinsasabi ko sa inyo huwag niyo akong ginagalit ng hindi kayo nasasaktan.” tinignan ko yung uniform ko, at may pumatak na dugo dun.

 

''Aguyyyyy, Tignan niyo kung anong ginawa niyo!! Nadumihan tuloy ako!!! Nakakabanas talaga kayo!'' sinipa-sipa ko yung ulo nung nanakal sa akin.

Tinuruan ako ni Riyuking lumaban, pasasalamat na din yun.  Dahil kase sakanya buhay pa ako. Pero kakibit naman ng pag extend ng buhay ko ang pagkamuhi sa akin ng mga tao sa paligid ko. They hated me because of my act and attitude.  Minsan nga sinusuka na nila ako.

My Heart Was Sold to a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon