My Heart Was Sold to a Demon

59.1K 766 101
                                    

MY HEART WAS SOLD TO A DEMON
(2020 REVISED VERSION)

"I'm sorry to tell you this, Mrs. Dee but you need to decide right now. Nahihirapan lang lalo ang anak mo." Nakipagtapatan na ang doctor kay Mrs. Dee.

"She's getting weaker and weaker. Masyadong malaki ang butas sa puso niya at dahil mahina ang katawan ng bata ay baka hindi niya lang kayanin ang operasyon." Nanlambot ang tuhod niya at halos mapaluhod sa narinig. Kung hindi lamang siya inalalayan ng kausap ay marahil sa sahig na siya nakalumpasay ngayon.

"Hindi ko kaya, baka pati ako ay sumunod sa kanya. nagmamakaawa ako sa'yo Dok..." Napapailing lang ang ginang sa rebelasyon ng doktor. Tinapik nito ang balikat ni Mrs. Dee, "Kailangan mo nang magdesisyon ngayong araw din na ito."

Matapos ang pag-uusap ay lumabas ng kwarto ang doctor. Naiwan si Mrs. Dee na nakatulala sa anak niyang payapang natutulog sa hospital bed. Iniwas niya ang tingin sa mga aparatong nakakabit sa anak niya. Hindi niya matanggap na anomang oras ay maaring mawala ang pinakamamahal na anak.

"B-brooklyn, huwag mong iiwanan ang nanay. K-kahit ano... gagawin ko anak para mabuhay ka lang."

Hindi na niya napigilan ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata. Ang pagmamahal niya sa kanyang anak ay hindi matutumbasan. Sinuklay niya ang buhok ng bata saka mahigpit na hinawakan ang kamay nito.

Marahil dala nang sobrang pagkapagod at kakaisip sa konprontasyon ng doktor kanina, hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa kandungan ng anak. Naalimpungatan lang siya nang biglang tumunog ang aparatong nakakabit kay Brooklyn, hindi alam ni Mrs. Dee kung anong gagawin habang pinapanood ang anak niyang nahihirapan.

Naisip niyang pindutin ang emergency button para tawagin ang mga nurse pero biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa silid. Kasunod nito ay ang mga kaluskos ng animo'y malaking ibon.

Nang bumukas na ang mga ilaw, isang lalaking nakalutang sa ere ang kanyang nakita. Itim na itim ang kasuotan nito.

"S-sino ka?! P-paano ka nakapasok dito?" Sigurado siyang hindi ito tao base sa pakpak na nasa likod nito. Nakayuko ito nang unang makita ni Mrs. Dee, nang unti-unti nitong iniangat ang kanyang mukha ay ang pagbukas din ng mga nanlilisik na kulay pulang mata nito.

Rumehistro ang labis na pagkatakot sa ginang, niyakap niya nang mahigpit si Brooklyn.

Kung titignan para itong malamig na bangkay dahil sa sobrang pagkaputla ng balat nito. Nakakatakot at nakakakilabot ang bawat ngisi at titig na binibigay nito.

"K-kung sinusundo mo ang anak ko, h-hindi ako papayag! H-hindi mo siya makukuha sa akin!" Pinilit na magmukhang matapang si Mrs Dee kahit bakas sa nanginginig niyang boses ang labis na pagkatakot.

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumaba ang kakaibang nilalang at sa isang iglap lang ay hawak-hawak na nito ang sanggol samantalang ang kaninang yakap ni Mrs. Dee na anak ay naplitan ng una.

"Ibalik mo sa akin ang anak ko! D-demonyo! A-anong klaseng nilalang ka!" Kinuha ni Mrs. Dee ang rosaryo na malapit sa kanya saka itinapat sa kaharap.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi ako natatakot dyan," ngumisi ito kay Mrs.Dee wari'y namamangha sa susunod na gagawin ng ina para maligtas lang ang anak.

"Ano ba ang gusto mo!? Maawa ka... gusto ko pang mabuhay ang anak ko." Hindi na alam ni Mrs. Dee ang gagawin, tinanggap na lang niya ang pagkatalo sa nilalang.

"Kaya kong pahabain ang buhay ng anak mo. Sa isang kondisyon."

Biglang nabuhayan si Mrs, Dee nang marinig iyon, "K-kahit ano... gagawin ko, buhayin mo lang siya."

"18 years..."

"18 years?" tanong niya sa nilalang.

"Sa loob ng labingwalong taon, kailangan niyang makahanap ng taong magmamahal sa kanya." Hindi lubos na maisip ng Ginang kung seryoso ang kausap. Wala sila sa fairytale na napaanood niya sa telebisyon.

"Pero, huwag kang makapampante dahil hindi magiging madali ang lahat. Maraming ligaw na kaluluwa na hindi matanggap ang kanilang pag kawala, maaaring sa maling galaw lang ni Brooklyn ay may umagaw at umangkin ng katawan niya."

Alam ni Mrs. Dee na mali siya nang nilapitan. Wala mang ideya sa pinasok ay desperada na siya para madagdagan lang ang buhay ng kanyang anak.

"Paano kung umabot siya ng labingwalo pero hindi niya pa nahahanap ang taong magmamahal sa kanya?" tanong ng Ginang.

Inamoy nito ang sanggol na walang humpay sa pag-iyak, pinadausdos pa nito ang mahabang kuko sa pisngi ng sanggol saka inilabas ang dila na wari'y natatakam sa paslit.

"Kakainin ko siya, kakainin ko ang puso niya." Humalakhak pa ang nilalang. "Ako si Riyuki, isang tagabantay ng mga malapit nang mamatay."

Huminga nang malalim si Mrs.Dee hindi na niya kailangang magdalawang-isip pa. "Sige, pumapayag na ako."

Sinugatan ni Riyuki ang kanang kamay ni Brooklyn upang kumuha ng dugo. "Bukas, gigising siya nang malusog at walang iniindang sakit."

"Huwag mong kakalimutan ang kasunduang ito.." Muli itong nagpakawala nang magkakasunod na halakhak "...I will take her. Your timer starts now."

Tumigil ang pagtunog ng aparato, wala na si Riyuki o ang kahit anong bakas niya sa silid na ito.

Maingat niyang binuhat ang anak na tila wala nang iniindang sakit. "Diyos ko, alam kong kasalanan ang ginawa ko. Desperada na talaga ako, nawa'y mapatawad niyo pa ako," samo niya sa itaas.

Doon nag simula ang aking kwento.

Hindi ako normal dahil nakakakita ako ng mga kaluluwang ligaw na walang ginawa kung hindi pagtangkaan na kunin ang katawan ko.

I was born differently..

My heart was sold to a Demon named Riyuki.

No, he is not my guardian angel.

What I have? Is a demon with a non-beating heart.

A demon who is waiting for my 18th birthday... my deadline.

Is he's on my side or not?

Mamatay ba talaga ako? O mabubuhay.

Hindi ko alam, pero one thing I am sure. I need to find the one who will love me despite of having a heart that sold to a demon.

Pero hindi madali ang lahat dahil lahat ng magtatangkang lumapit sa akin ay pwede ring mamatay lalo na't ilang buwan na lang ay malapit na ang ikalabing-walong kaarawan ko.

Gusto nilang makuha ang katawan ko. Kaya willing silang takutin o patayin lahat ng mga taong gustong lumapit sa akin.

Malungkot ang buhay ko. Pero sanay na ako..

Sigurado ka ba na ready kana basahin ito? Baka pati ikaw.. sundan at takutin nila.

Binalaan kita.. hindi sila mabait. Nakakatakot sila. Hindi sila kaibigan.. bagkus, kaaway sila.

I am Brooklyn Dee and this is my story.

♡♡♡
So guys, 2020version 'to. Bibigyan ko ng justice at lilinisin ko 'tong story na ito. Alam ko may mga tao pa rin na nag hihintay sa story na 'to. And, heto na ang pag babalik ko sa wattpad world. As in for real.

Gusto kong pasalamatan si epitomeofpain and MrAwesomeOne for helping me sa mga grammatical errors at pag bibigay ng honest critics regarding sa story na ito.

P.s
Walang demonic rituals and kung ano ang meron sa story na 'to.

Enjoy reading🧡

My Heart Was Sold to a DemonWhere stories live. Discover now