22

5K 64 1
                                    

Hanna's POV

Maaasahan talaga si toni sa mga bagay bagay. Nakahanap kame ng apartment na dalawang kwarto. Sa tulong na din ni rachelle.

Nalulungkot talaga ako dahil pumasok na naman siya sa isip. Kelan lang lumipat kame ng bahay at masayang magkakasama. At nangako pa kame isat isa. Ang pakiramdam ko sinayang lahat ito ni Shane.

Pumasok ako sa bago kong room at inayos ang damit ko. Bumuhos na naman ang luha ko at ayaw tumigil.

Napakatahimik ng paligid pero naririnig ko ang kulitan namin ni shane sa kabilang parte ng utak ko. Siguro nababaliw na ako.

"Damn. Enough Hanna! Kalimutan mo na ang manlolokong yun!"sinabi ko sa epal na isip ko,.

Tapos napatingin ako sa cp ko. Ang daming missed calls. Hindi  ko ito napansin na nagriring dahil nakasilent.  "Siya na naman!" Sa inis ko tinanggal ko ang battery at sinira ang simcard.

Nahiga na ako sa bago kong kama. At eto na naman si flashback!Nakakainis! Ilang beses nadurong ang puso ko nang makita kong hinahalikan ng iba ang labi ng mahal ko. Ang labi na para saakin inaangkin ng iba. Sobrang sakit talaga ng naramdaman ko, parang tumigil sa pag tibok ang puso ko at tumigil na ang pag ikot ng mundo ko. Yung sakit na nararamdamn ko ngayon ay pakiramdam ko wala ng iba pang natitira sa puso ko. Parang tumigil sa rin ako mabuhay. T@ngna talaga. Hindi ko alam kung pano ako mag uumpisa ulit ng ako lang. Nasanay na ako sakanya.

Parang ang hirap na wala siya. Ang hirap na isipin kung paano na ako ngayong wala na kame. Ang pinakamahirap ay iyong hindi ko na maisip kung paano ipagpatuloy ang buhay. Kung hindi lang kasalanan ay parang mas masarap pang ihinto ng mabuhay para hindi ko na maramdaman ang sakit. Ang sakit na unti-unting kumakain sa buong pagkatao ko. Ang sakit na pilit akong hinihila sa kawalan. Ang sakit na pilit na akong pinaniniwala na walang ibang emotions sa mundo kundi iyon.

Hindi ko matanggap na ang tiwala namin sa isat-isa na binuo ng panahon ay minsan lang tinamaan isang bagay at kasama ng mga pangarap namin ay nabasag at nawalan ng silbi.

Hindi ko namalayan na pumasok si Oreo sa kwarto ko at parang tanga na umiiyak din. Baka nagugutom. Galing siya sa taong may dahilan ng nararamdaman ko kaya hindi ko siya pinansin kahit gano pa siya kacute. Bakit naman sa kwarto ko pa pupunta at mag iiiyak itong asong to? Siguro kagagawan ni toni. Tsk. Kahit anong gawin nya ayoko ng bagay na makakapagpaalala kay shane.

"Ano ba yan! Toni kunin mo to ang ingay nakakasira ng momentum!" napatingin ako sakanya at hindi ko mapigilang hindi macutan. Black siya na puppy na sobrang kapal ng balahibo. Tapos nakalabas ang dila na nakatingin sa akin. Mukha na nga siyang kakasmile nung nakatingin ako.

Pinunas ko ang luha ko at binuhat ko siya. Napasmile na ako dahil dinilaan nya yung mukha ko. Kinausap ko siya."sinong may sabe na pumasok ka dito?" pero hindi naman sumagot nakakainis.. :( nakita ko yung nasa leeg nya my card.."ano ito baby? Patingin ako ha?" binuksan ko ang card ang sabi: "hey babe.. Wala naman. Eto baby natin si Oreo. Hindi ko padin nakakalimutan mga pangako ko sayo. Sorry kung ang pakiramdam mo hindi ko na natutupad yun. I will do everything to win you trust back at miss na miss ko na din bumalik sa dati. I love you. Babago na ako."

Tsk.. Parang gusto ng puso ko bumalik kay Shane. Biglang natunaw ang yelong nakabalot sa puso ko at naging malambot ito. Gusto ko na siyang balikan pero sabi ng isip ko huwag. Nalilito na ako at nag aaway na din ang isip at puso ko.

Debate

Puso: kung nagmamahal ka laging titignan ang positive side hindi ang nega! Ganyan sa love

Isip: kaya mas mataas ang posisyon ko sayo dahil ako ang dapat sundin.

Puso: hindi ikaw ang napapagod sa pagtibok pag kinikilig siya at hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko dahil kulang ang mahalagang part ko. Ang ginagawa mo lang lagi ay magduda at saktan ako. Tapos lagi mo pa siya inaalala kaya mas nasasaktan ako. :(

Isip: hindi duda yun. May nakakabit saakin na mata at tenga kaya may proof ang sinasabi ko. Hindi dapat ang puso ang manalo dahil madaya ka. Minsan sarili mo lang ang iniisip mo. Madami ng naging tanga dahil sinusunod ka. Ang mali ko lang naman ay naaalala ko siya lagi. Ang mali mo wala na ipipilit mo pa.

Mukhang tama nga si isip. Siya ang susundin ko. Ayokong maging tanga.Kahit masakit babangon ako at hindi ko sila hahayaan na masira ang pagkatao ko. Mag hahanap ako ng trabaho at kakayanin kong mag move on.

true love has no gender(lesbian romance,sex)Where stories live. Discover now