title

6.6K 70 0
                                    

2

hanna

Natapos na ang seminar ng gabi. Pumasok na ako sa room. Hindi ko alam anong gagawin ko. Mahal ko pa siya pero pansin kong may toni na siya. Ang sweet kaya nila. Nakikita ko din ang sarili ko kay toni eh.

Nakaupo lang ako sa sofa, hindi ko mapigil yung mata ko mag labas ng luha. Nalilito na ako sa pakiramdam ko. Tapos narinig kong biglang bumukas ang pinto. Kinabahan ako. Alam ko yung way ni shane magbukas ng pinto. Hindi biglaan at hindi masyado maingay.

Lumapit siya sa tabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko. Pinapakiramdaman nya ata kung tatanggalin ko, hindi! Namiss ko rin siya eh. Hinawakan nya ng mahigpit. At nakita nya akong lumuluha. Ewan ko kung bakit naluha din sya. Hinila nya ako palapit sakanya. Alam ko gusto nya ako yakapin.

Lord pls pagbigyan mo ako. Kahit ngayun lang sabi ko sa isip ko.

Pumayag ako na yakapin nya ako. Hindi ako nakontento. Gusto ko siyang halikan. Siya na ang unang humalik. Namiss ko sya. Namis ko ang amoy ng hininga nya namiss ko ang labi nya. Hindi kami tumigil hanggang nagpakita ako ng motive na gawin namin ang bagay na ginagawa namin. Napunta kame sa sa bed at pinaligaya ang isat isa.

Dahil kampante ako parang pakiramdam ko makakatulog ako ng maayos. Siniksik ko katawan ko sakanya. Namiss ko ang init ng katawan nya. Hindi ko namalayan nakatulog na ako.

Kinabukasan nagising akong kayakap ko siya at nakaunan ako sa arm nya. Nabigla ako. Shit bakit ko ginawa yun? Ang baba kong babae. Minsan nya na akong tinapon. Papayag ba naman ako na ulitin nya pa? At kasama namin ang gf nya. Nag madali ako tumayo at inayos ang mga gamit ko.

Kinausap ko ang president namin at nagpaalam. May pinapirmahan siyang papel saakin at pumirma ako. Mag cocommute nalang ako pauwi. Well natatakot ako first time ko magbyahe mag isa pero padalos dalos ako mag isip.

Nakakainis. Nagpadala ako sa damdamin ko, alam ko na mali. Magmumukha akong mababang klase. :(

habang nasa bus ako may tumatawag.  si shane.

Ano pa ang gusto nya? Shit..

Hindi ko sinagot ang call nya.

Bigla siyang nagtext saakin.

>Pagkatapos ng nangyari satin iiwan moko? Hanna pag usapan naman natin ito. Naramdaman ko na mahal mo parin ako. Pls kakalimutan ko lahat ng ginawa mo saakin. Nagmamakaawa ako..

Wow ang kapal ng mukha nya! Nagawa ko sakanya? Big deal na ba ang hindi ko pagtetext ng isang gabi para magpalit siya ng number at ipagpalit ako sa babaeng yun?

Hindi na ako nagreply.  umiyak lang ako sa bus. Ant tanga tanga ko kasi talaga. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Bobo!! Hay.....

Tinext ko si Mark sinabihan ko siya na pauwi na ako. Matapos ang ilang oras sinundo nya ako sa terminal ng bus.

Mark: bakit ang aga mo umuwi? Akala ko bukas pa?

Ako: wala hon. Nakakatamad dun boring sabi ko.

Mark: buti naman namis kita eh. Tara kaen tayo. Alam ko hindi ka pa kumakaen

Dumaan kame sa KFC. Kahit ayoko sana kumaen na nung narinig kong kfc natuwa ako.  Favorite ko kasi eh. Lalo na yung soup nila! Este yung unlimited gravy nila na ginagawang sabaw sa kanin. Haha. Hindi po ako binayaran ng kfc para mag indorse. Sarili ko lang hehe.

Malungkot nga pala ako. Nakalimot ako saglit dahil ngayon lang ako ulit nakakain nga ganito. Pagkatapos namin kumain hinatid nya ako pauwi.


true love has no gender(lesbian romance,sex)Where stories live. Discover now