..

9.8K 106 2
                                    

Shane's Pov

Ang sarap magka girlfriend. Ang sarap nyang mahalin at alagaan. Napakasweet at caring ng babe ko. Araw araw kame magkasama at araw araw na din akong masaya. Minsan my tampuhan pero konting lambing bumibigay naman siya. Nagyaya siya sa mcdo para ku

kumain. Ang cute nya dahil sinasawsaw nya ang fries a sundae. Nagkulitan kame ng biglang may my tumawag. Nakita ko si Jay. Hindi ko sinabi kay hanna dahil baka magalit siya. Hindi ko pinahalatang si jay ang tumatawag pero bigla naman siyang nanahimik. Hindi nalang ako nagsalita. Iniisip ko din kasi kung makikipagkita ako kay jay para sa formal break up. Pagkatapos kumain hinatid ko na siya sa boarding house nya. Nagmadali ako umalis pero hindi ko sinabi na makikipag kita ako kay jay.Baka kasi ano ang isipin ng mahal ko. Nakakatakot pa naman pag nagalit. Binilisan ko ang pag lalakad hanggang makarating sa resto na napag usapan. Sinalubong nya ako ng ngiti na kinaiinisan ko na sa ngayon. Ayoko na siya sanang makita. Akala nya ata my maaayos pa siya. My dala siyang bulaklak at feeling ko para sa akin yun. Pag lapit ko niyakap nya agad ako. Nakakahiya at naconcious ako dahil ang daming tao. Napalingon ako sa labas at nakita ko nasa labas pala si hanna. Nagulat ako. Tinulak ko siya agad. Lagot ako. Baka iba ang isipin nya. Hindi nya napansin na nakita ko siya dahil umalis na siya. Gusto ko siya puntahan pero naisip ko yung rason ng ipinunta ko dito.

Mahal bakit moko tinulak? ayaw mo ba? Sabi ni jay.

Ayoko dahil wala ka ng karapatan. sabi ko.

Ito naman. wag ka ng magalit. Sorry na sa mga sinabi ko. Mahal na mahal kita. Hindi ako mag eefort ngayon kung hindi. Hindi na din biro ang mahigit 1 year na pinagsamahan natin. Namiss kita at sorry sa ginawa ko sabi niya. Nakita ko na seryoso siya sa sinasabi niya.

Nandito ako hindi para makipagbati sayo. Gusto ko mag hiwalay tayo ng maayos. Sabi ko.

Nakita ko sa mata niya na parang nasaktan siya sa sinabi ko.

Bakit? anong sinasabi mo? Ako lang ang mahal mo diba?

Mali ka na sa ngayon. May mahal na akong iba at mas mahal ko siya sa sarili ko. Hanggang dito lang tayo. Pasensya ka na sa lahat at salamat. Yun ang sinabi ko.

Nakita ko sa mata niyang nasaktan siya pero hindi na yun makakakapagpabago sa disisyon ko. Aalis na ako at my aayusin pa ako sabi ko.

Wait. ingat ka. Tawagan moko pag sinaktan ka ng lalaking yun sabi nya.

Ngumiti lang ako at nagpaalam. hindi niya alam na babae pala ang pinalit ko sakanya :D

Bigla kong naalala ang babe ko na nasaktan ko na naman. Nag aalala na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko or hindi ko alam kung paniniwalaan nya ako sa sasabihin ko. Hindi ako agad nagpunta sa boarding house nya. Iniisip ko pa kung pano ko sasabihin at alam ko pag galit yun hindi ko din siya makakausap ng maayos.

Ang lakas pala ng radar nya. Dapat sinabi ko nalang sakanya. Nagpalipas ako ng isang oras at naglakad lakad na muna. Kinakabahan ako. Baka magalit siya sakin. Baka iba na ang nasa isip nya. Kahit sino naman siguro ganun din ang maiisip. Ano nga ba? Pupuntahan ko na ba siya? hay. Bahala na nga. Tumakbo na ako para makarating agad sa boarding house nya. Pag pasok ko nagulat ako dahil nakita kong nakahandusay siya sa sahig nakita ko yung natuyong luha sa mukha nya at yung gilid ng mata nya may luha padin. Nataranta ako at nainis ako sa sarili ko. Napano kaya siya? Bakit siya nakahandusay? Relax shane. Baka nalasing lang siya. Pag nakita mo lang siya talagang nakakaawa ang itsura ng babe ko. Kasalanan ko to. na misinterpret nya ang lahat. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko dahil nabuhat ko siya papunta sa kama. Namalayan nga ata at narinig ko na naman siyang humagulgol. Ang sama mo babe sabi nya. Pero hindi naman nakadilat yung mata nya. Nakurot ang puso ko sa sinabi nya at the same time nawala yung pag aalala ko dahil okay lang siya. Lasing lang pala. Hay anu ba ang ginawa ko dito. Tsk.. magpapaliwanag ako bukas. sabi ko. Tinititigan ko lang siya habang natutulog minsan gumagalaw siya at bigla nalang mapapaluha. Hindi ko na siya ginising alam kong hindi makakausap nga matino. Kawawa naman ang babe ko. Dahil saakin nagkakaganito siya. Hindi pa ako nakakauwe hindi pa din ako nakakapagbihis kaya binuksan ko yung cabinet niya. Kumuha ako ng damit nya. Hihiramin ko muna at magbibihis ako. Tinignan ko siya at nilapitan binulong ko. Sorry babe sabay kiss. Pumasok na ako sa banyo. Naisipan ko na din maligo dahil mainit. Tapos bigla pala siyang tumayo at mabilis na binuksan ang banyo. Hindi ko inexpect kasi alam ko tulog siya. Hindi ko nalock. Nagulat ako at nagtakip ng katawan. Nakita ko nakapikit siyang nagmamadaling makalapit sa bowl. Hindi nya ako napansin dahil busy na siya sa pagsuka. Yuck amoy alak. Nag suot ako ng twalya at nilapitan siya. Hinaplos ko yung likod nya habang sumusuka. Pagkatapos nun sumandal siya sa bowl at tinuloy matulog. Itong babaeng to talaga iinom inom ng hindi naman nya kaya. Inalis ko siya sa pagkakasandal sa bowl. Hinila ko siya. At pinilit gisingin. At nagkamalay siya. Tinignan nya ako tapos naiyak na naman siya.

true love has no gender(lesbian romance,sex)Där berättelser lever. Upptäck nu