13

5.7K 86 17
                                    

Maaga ako gumising dahil kaylanagan namin pumila sa LTO para sa lisensya ko. Hindi ko pa sinabi kay shane ang tungkol sa motor para pasurprise siya. Alam ko nasa work siya ngayon pero tinext ko siya.

>morning mahal. I love you. Ingat sa pag uwi mamaya. Miss na kita.

Nagbihis na ako at umalis na kame.

Pagkatapos ng mahabang pila, drug test at exam my licensya na ako mag drive. Hay salamat.

Naeexcite na ako iuwi si amber para makita ni babe. Matutuwa talaga yun.

Speaking of babe? Nakauwi na kaya siya?

Tinignan ko ang oras.

1:30 na.

Tinignan ko ang cp ko pero wala siyang text. Ot na naman siguro. Hays.

Hindi ko maiwasan  ang mabadtrip kahit hindi naman dapat. Hays. Dahil miss na miss ko na sya naisipan ko na bukas na ako uuwi. Kahit sa susunod pa sana dahil may natitira pa akong off na dalawang araw.

Pagdating sa bahay tinignan ko na naman ang oras.

2:30 pm na.

Tinignan ko ang cp ko at my text.

>hey babe! I love you so much. Ingat po. Pauwi na ako.

<overtime na naman babe?

>yup.miss na kita babe. Ano pinagkaabalahan mo?

<kung ano2 lang babe. My surprise ako sayo. :)

>ha? Ano naman po.

<sikret para maexcite ka . Haha.

>eto naman o. Di pa sabihin. Haha.

<basta my baby na tayo.

>ha? Ano yun babe? Di ko gets.

<basta pag uwi ko you will know.

>pano ka nabuntis?nagtataksil ka ba saken? Haha.

<sira hindi ganon. Basta malalaman mo din. Haha.

>ay. Sus tagal pa ng uwi mo babe eh.

<hmm. Basta. I love you babe. Masaya ako at my time ka magtext. Pag dating mo matulog na agad ha? Naglunch ka na pala

>yep. No worries po. Nag lunch na ako at di ako magpupuyat promise. :)

<okay po. Sige may gagawin ako saglit mahal. I love you.

Hindi na sya nagreply. Namasyal ako sa kapit bahay at nakipaglaro sa mga pinsan ko ng tumbang preso. Haha. Namiss daw nila ako kalaro. Tinuro ko sakanila ang tumbang preso dahil puro nalang computer ang hinaharap nila at cellphone. Di na sila nagpapawis. Ayun. Pag umuuwi ako, kung hindi patintero, tago-taguan ang laro namin. Haha. Para akong bata.

Pagkatapos  tumambay kila lola nagdilim at gumabi na. Kaya umuwi na ako naligo at kumaen kasabay sila mama. Ayaw ako tantanan ng mga pinsan kong bata. Pati sa pag kain sumabay sila. Masarap daw kasi ang ulam namin nilaga. Haha. Habang kumakaen nag paalam ako kila mama na uuwi na bukas. Kaylangan nilang wag munang magpakabusy dahil ang usapan ihahatid nila ako sa manila.

Balak ko nga din ipakilala si shane sakanila at si toni kaya excited na ako.

Matapos kumain inuto ko yung pinsan kong bata na mag hugas ng plato. Para maligtas ako sa paghuhugas ng plato. Haha success! Haha.

Ayaw padin ako iwan ng mga pinsan ko pero sinundo na sila ng mga magulang nila. Nagmamakaawa sila saakin na wag muna daw umuwi. Parang ayoko na nga din muna umuwi kaso namimiss ko na ang babe ko.

true love has no gender(lesbian romance,sex)Kde žijí příběhy. Začni objevovat