PROLOGUE

22.9K 242 7
                                    

PROLOGUE




Byernes na naman, tulad ng inaasahan ko marami na namang tao. Ano pa ngabang aasahan ko? Araw ng sweldo ngayon kaya tiyak na marami talaga ang dadagsa dito ngayon. Tsk!

"Oh girl, it's your turn na!" Nakangising sabi saakin ni Jedayah, katrabaho ko. Ningitian ko lang siya saka ako huminga ng malalim.

Nag simula ng tumutugnog ang kanta, lahat ng tao sa paligid ay tahimik na nakaabang habang titig na titig na sa stage.

Napangiti ako ng mapait. Hindi pa ba ako sanay? Ganyan naman talaga silang lahat kapag ako na ang magpeperform. Tsk!

Dahan-dahan akong umakyat sa stage, suot ang kasuotan na ilang taon ko naring nakasanayan. Madilim ang paligid ng stage kaya hindi pa ako nakikita ng mga tao pero sila kitang-kita ko.

Bakas sa mga mata nila ang kagustuhang makita ako o kahit mahawakan man lang. Tsk!

Pagdating ko sa gitna ng stage ay tumalikod ako at kasabay non ang pagbukas ng ilaw na saakin lang nakatutok, spotlight kumbaga. At nagsimula ng mag-ingay ang mga tao sa paligid.

Mga ingay na nakasanayan ko na.

Kasabay ng tugtog ng malumanay na musika ay dahan-dahan din akong gumalaw. Galaw na mas lalong nagpaingay sa karamihan.

Humarap ako sakanila at hinawakan ang pole sa harap ko.

Sige lang, sumayaw ka lang, pasayahin mo sila. Pasayahin mo ang mga hayuk na to. Total sanay ka na rin naman sa ganyan. Bulong ko sa sarili ko.

"Ang ganda mo!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki na nakaabang sa baba ng stage.

Lumingon ako sakanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"Whoooeeeehhh!" Sigaw naman ng iba.

Nag-iba ang tugtog.

Sa lahat ng tugtog dito sa club, ito ang pinaka ayaw ko.

Dahil bukod sa masyadong sexy ang tugtog, ay kailangan ko ring hubarin ang kapirasong tela na nakatakip sa katawan ko.

Pero wala eh, ito ang trabaho ko.

Ang paligayahin ang ibang tao sa pamamagitan ng katawan ko.

Ito ako eh, nagtatrabaho sa isang club na puno ng iba't-ibang klase ng demonyo.

Ganito ang buhay ko. Ganito tumatakbo ang buhay ko.

Kailangan kong sumayaw sa pole, maghubad sa harap ng maraming tao at sumama kung kani-kanino.

Sabi nga nila, "ang taong gipit, sa patalim kumakapit."

Kaya heto ako, nagpapaligaya sa mga hayuk na kalalakihan. Nagpapaligaya sa mga taong walang magawa sa buhay.

Dahil ako si Magdalena ang kanilang kaligayahan.

Magdalena (A Story Untold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon