Chapter 6 - Danger

2.7K 134 1
                                    

Flora's POV
*kriiiing kriiiing
Mmmmm. Inaantok pa ako. Hindi ako makatulog kagabi dahil sa sinabi nung lalaki kahapon na iwasan ko si Christine.

Tapos na akong kumain, at magbihis. Tinawag ko na si manong para umalis na kami.

School
Buti nakahabol ako sa klase ko. Nagdiscuss ng discuss si Ma'am Lauren tungkol sa mga Population Rate, Population density at kung ano pa, tungkol sa Yamang Tao. History teacher kasi si Ma'am Lauren.

"Okay, igrogroup ko kayo. Itong gagawin,gagawa kayo ng report tungkol sa Pinagkukunang Yaman. Pero mamili lang kayo sa talong pinagkukunang yaman. 1st Performance Task ninyo ito. Galingan niyo sa report niyo dahil 50% ito," sabi ni ma'am sa amin. At grinoup na kami in 5 groups.

"Group 1 - Ethan, Joyce, Charm, Kim, and James. Group 2 - Susan, Nicole, Nicolas, Steve, and Macy. Group 3 - Gabriella, John, Katrina, Iori, and Jason. Group 4 - Kate, Ivan, Joshua, Louise, Daisy. Group 5 - Arnold, Joaquin, Flora, Jeff, and Nathan. Kayo na ang bahala kung sino ang magiging leader niyo. Yan ang magiging groupings niyo for 1st Grading Period," sabi ni ma'am at nagpaalam na.

Wait, kagroup ko si Nathan. Ok lang, nandyan naman sila Jeff hahaah kagroup ko rin sila.

Sumunod na yung next subject namin. Nagdiscuss lang nagdiscuss si ma'am.

*kriiiiiing kriiiiiing

Yes recess na. Sakto gutom na ako.

Nakabili na kami ng pagkain kaso wala kaming mauupuan. Kaya sa garden na lang kami kakain.

Ang tahimik naman dito sa garden. Masarap ang simoy ng hangin. Kumain na kami.

"Kailan natin gagawin yung sa APAN (History)? Sino rin yung group leader natin?" tanong ko sa kanila.

"Ikaw na lang yung leader," sabi ni Jeff.

"Ha? Bakit ako?"

"Kasi matalino ka. At kaya mong gawin lahat. Syempre tutulong kami."

"Fine. Simulan na lang natin gawin sa Saturday at Jeff' s house 9:30am - 4-30pm."

"Bahay ko? Hindi mo alam pero yung bahay ko. Magkita-kita na lang tayo sa mall tsaka bili na rin tayo doon ng materials na gagamitin natin."

"Ok," tipid na sagot ko.

*kriiiing kriiiing
Ang bilis namang matapos yung recess.

Bumalik na kaming classroom at hinintay na lang namin yung teacher namin.

"Good morning class," bati ng teacher namin.

"Good morning ma'am Veron."

"Announcement: Half-day lang kayo ngayon kasi may meeting kami, mga teachers."

Nagsigawan yung mga kaklase. Yesss!!! Half-day ngayon hahahaha.

Tumahimik na kami at nagsimula ng maglecture si ma'am.

Dismissal
" Susan, punta tayong mall. Manood tayo ng sine."

"Ok."

"Sama kami dyan," sabi ni Arnold.

"Sure, basta kayong maglilibre ng foods natin," sabi ni Susan at tumawa siya.

"Sure, no problem," sabi ni James.

Mall
"Anong papanoorin natin?" tanong ni Nicolas.

"Camp Sawi, gusto niyo?" tanong ni Susan.

Tumango na lang kami.

Pumasok na kami ni Susan sa loob nang sinehan habang yung mga boys bumibili ng pagkain namin.

Magsisimula na yong pelikula, sakto nandyan na yung boys dala-dala nila yung pagkain.

End of the movie
"Grabe, nakakaiyak yung Camp Sawi."

"Oo nga eh. Wait lang pupunta lang akong parking lot," sabi ko sa kanila.

"Bakit?" tanong ni Jeff.

"Kasi nandyan yung driver ko. Sasabihin ko na sunduin na lang ako ng mga 4:00pm."

" Ok, doon lang kami sa McDo."

Tumango na lang ako tsaka umalis.

Nang nakarating na ako ng parking lot hinanap ko yung driver namin wala naman siya dito.

Oo nga pala. Bakit ko ba nakalimutan na nasa airport sila ni mama. Hinatid lang ni kuya driver si mama papuntang airport ngayon. Kung ganun, sino ang nagtext sa akin?

Nang pabalik na ako sa loob ng mall may biglang humila sa akin papasok sa van.

"Ano ba?! Bitawan niyo ako! Pakawalan niyo ako! Tulong! Tulong! Sino ba kayo?!" sigaw ako ng sigaw.

Nung sigaw ako ng sigaw bigla akong nawalan ng malay.
----------------
Pagising ko nasa madilim na kwarto ako. At nakatali yung buong katawan ko.

Nasaan yung phone ko. Tatawagan ko sila Susan. Teka, bakit wala dito. Nasan na yun?

"Looking for your phone," sabi ng isang lalake.

"Who are you? And why did you bring me here?"

"Hindi na importante kung sino ako basta nadala ka namin dito. At napagutusan lang kami.

Ms. Nerd Meets Mr. SnobberWhere stories live. Discover now