Chapter 23

990 40 3
                                    

Flora's POV

"N-Nathan?" laking gulat kong sabi.

"Flora," sabi niya ng nakangiti.

"I-ikaw yung naghila sa akin noon d-dito?" gulat kong sinabi.

Ngumiti siya at sabi niya, "Ako nga."

Nagulat ako sa sinabi niya. So siya yung nagsabi ng mag-ingat ako? Siya ang nagprorotect sa akin?

"B-Bakit? Bakit mo ginagawa sa akin ito?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya.

"Dahil mahal kita. Mahal na mahal kita, Flora." sabi niya ng nakangiti sa akin at lumapit siya.

"Mahal? Sa dami ng babae diyan bakit ako ang nagustuhan mo?"

"Dahil iba ka. Iba ka sa mga ibang babae diyan. Simple ka, mabait, at matalino. Hindi tulad ng iba na puro kagandahan at lalaki ang inaatupag nila. Simula pa nung bata pa tayo, doon na kita nagustahan at ipinangako kosa sarili ko na sa susunod na magkita tayo ay magtatapat na ako sayo. 15 years ako naghintay. Pero dahil sa paghihintay na yun nakilala ko si Diane. Naging okay kami ni Diane nun pero nung dumating ka huminto ang mundo ko. Nagsisi ako bakit hindi kita hinintay at bakit ngayon ka lang bumalik. Hindi nagging maayos ang relasyon namin dalawa ni Diane, kaya napagisip-isip ko na magbreak na kami dahil walang saysay yung relasyon namin kung lagi lang kami nag-aaway. Yun na rin yung time na dapat sundin ko ang puso ko. Kaya simula ngayon liligawan na kita at papatunayan ko sayo na mahal na mahal kita. Pero pwede bang ikaw ang date ko?" tanong ni Nathan.

"I'm sorry, pero may kadate na ako sa prom." sabi ko.

"Alam ko. Kung hindi kita makakadate sa prom doon ko na lang patutunayan na mahal na mahal kita." sabi ni Nathan at hinalikan ako sa noo.

------------------------------------------------------

😊Prom day😊

"Anak, eto na yung gown mo."

"Thanks, Ma"

"Tulungan na kitang magmake-up."

Tapos na akong magmake-up at tapos ko na din isuot yung gown ko. Wahhh ang ganda ng gown.😊😊

Ang theme ng prom namin ay Black and White

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang theme ng prom namin ay Black and White.

"Flora, nandito na si Jeff." sigaw ni mama galing baba.

Bumaba na ako at nakita ko si Jeff na nakupo sa sofa namin. Ang gwapo pala niya kapag nakatuxedo siya.

"Flora, ang ganda naman ng kadate ko." compliment sa akin ni Jeff at tumawa.

"Thanks. Ikaw din ang gwapo mo kapag nakatuxedo ka lang." sabi ko at tumawa making dalawa.

Isinuot sa akin ni Jeff yung flower.

"Tara." sabi sa akin ni Jeff at dumeretso na kami sa car niya.

Nandito na kami sa school. Oo dito yung venue ng prom namin, sa gym kami magproprom.

Dumeretso na kami sa gym at nakita ko sila Susan sa loob.

"Flora. Wow, ang ganda naman ni Flora," pagpuri sa akin ni Susan.

"Hehehe, thanks."

"How to be you po? Hahaha," pagbibiro ni Susan.

Tumawa na lang ako.

After that, nagsimula na ang sayawan sa prom. Nakasayaw ko na si Jeff. At hinahanap ko si Nathan. Ano kaya ang ibig sabihin ni Nathan.

Umupo ako sa sofa. Merong sofa dito sa gym eh. Ang sosyal kasi ng prom namin.

After a couple of minutes, biglang namatay yung mga ilaw. Except sa stage.

Biglang lumabas at pumunta sa spotlight doon sa stage ang lalaki. Wait-------- NATHAN!!!! Anong ginagawa niya diyan!? Yan ba yung sinasabi niyang papapatunayan niya sa akin?

Biglang nagsalita si Nathan.

"Goodevening, ladies and gentlemen. I'm Nathan Liu Anderson. I'm here to announce to you that I have a crush to Ms. Margaret Flora Gomez. I am here to prove to you how much I love this girl. And, how much she make my heart beat fast," he said. Tapos nagtinginan ang mga kaklase ko at mga seniors sa akin, at bigla silang kinilig.

"Margaret Flora Gomez," sabi niya at biglang may ilaw na tumutok sa akin.

"I am here to prove to you how much I love you," sabi niya at bumaba ng stage. Binigay niya muna ang mic, sa waiter. At, dumeretso sa akin.

"I Love You, Flora!!" sabi niya sa akin.

Kinilig yung mga tao. May nagsasabi na 'tanggapin mo na siya,' 'bagay kayo' at marami pang iba.

"U-uh N-Nathan, anong ginagawa m-mo? N-Nakakahiya," sabi ko sakanya ng pabulong at tumawa lang siya.

"Diba sabi ko na patutunayan ko sayo kung gaano kita kamahal? Ayan, sinabi ko sa lahat na mahal kita, na ikaw lang ang babae na minahal ko. Kaya, please tanggapin mo ako bilang partner mo sa buhay mo," sabi niya at lumuhod siya.

Namula ako sa sinabi niya at sa pagluhod niya sa akin. Minahal nga niya talaga ako. Napaiyak ako sakanya dahil matagal ko nang gusto si Nathan simula pa nung bata pa kami. Hanggang ngayon gusto ko pa rin siya. Kahit na pilit ko na iwasan siya at wag ulit mafall sa kanya. Pero, imposible na gawin ko yun.

"Oo, Nathan tinatanggap na kita. At m-matagal na r-rin kita mahal," sabi ko sa kanya na parang pabulong na.

Naging masaya si Nathan at bigla niya akong yinakap. After that scene we all went home. But before ako umuwi naggoodbye muna ako sa mga friends ko pati na rin kay Nathan. This is the best day ever.

------------------------------------------------------
Thank you po sa mga readers. Sorry kung matagal po akong magupdate, nagiisip po ako kung paano ko po tatapusin itong chapter. Wait for my next update. 😊😊😊 Happy Summer po sa inyo...😊😁😁😊

Ms. Nerd Meets Mr. SnobberWhere stories live. Discover now