Chapter 9 - Flashback

2.3K 129 0
                                    

Nathan's POV
Sa wakas at nakalabas na siya ng hospital. At okay na siya. Buti nalaman ko kung nasan si Flora kundi baka namatay na siya doon sa kakahampas sa kanya ni Christine ng stick.

Flashback
Uwian na at nauna nang lumabas si Flora at syempre sinundan ko siya. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa plano ni Christine sa kanya. Hindi ko siya makakausap ng personalan kasi ang buong akala niya na isa akong snobber, masungit, at galit sa mga babae. Kaya wala na akong choice kundi hilain siya sa may madilim na kwarto para hindi niya ako makita. Mas okay na kausapin ko siya sa madilim na lugar.

"Mag-ingat ka sa mga kilos mo baka mapunta sa piligro yang buhay mo. Lumayo ka kay Christine. Iwasan mo siya kung maaari kasi may plano siya sayo," sabi ko sa kanya. Mas okay na sabihin mo sa kanya ng maaga para makaiwas sa plano ni Christine.

"Bakit mo sinasabi yan sa akin? At sino ka ba?!" sabi niya. Aba, matapang pala siya. Mas okay, na yung matapang siya kaysa sa weak.

"Dahil ayaw kitang mapahamak. Hindi na bale kung sino ako, basta lumayo ka lang kay Christine. At huwag lang makikipag-usap sa mga strangers," nag-aalala na sabi ko. Nag-aalala ako sa kanya baka kung ano na talaga manyari sa kanya.

Umalis na ako para hindi niya makita kung sino ako. Baka kasi iswitch niya young ilaw.

Pagkatapos ko siya iwanan doon dumeretso ako sa park para abangan si Flora. At page nakalabas na siya sususndan ko siya para sigurong safe siya.

Ms. Nerd Meets Mr. SnobberWhere stories live. Discover now