Chapter 7 - Rescued

2.3K 134 2
                                    

"Who are you? And why did you bring me here?"

"Hindi na importante kung sino ako basta nadala ka namin dito. At napagutusan lang kami."

"Sino ang nag-utos sa inyo?"

"Ako."

Sino yun?

Nang siniwitch na ang ilaw nakita ko isang babae na nakamaskara.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

Inalis niya ang maskara niya. "Naalala mo pa ba ako?"

"Christine?"

"Ako nga. Long time no see, Flora."

"Bakit mo ginagawa ito sa akin? Ano ba ang naging kasalanan ko? Lumipat na ako ng school hindi ka pa masaya?"

"Hindi, dahil yung school na nilipatan mo ay doon nag-aaral ang boyfriend ko."

"Anong pake ko kung doon nag-aaral yung boyfriend mo? Sa tingin mo aagawin ko siya kahit doon siya nag-aaral?"

"Oo, dahil lahat ng na sa akin ay inagaw mo lahat!!!"

"Wala akong inaagaw sayo, Christine."

"Meron."

"Kung meron man sorry. Pero hindi ko kasalanan lahat. Kaya pwede ba pakawalan mo na ako."

"Hmph, ano ka sineswerte. Hinding hindi kita pakakawalan dahil paparusahan kita ngayon. Ngayon na lang ako makakabawi sa lahat ng kasalanan mo sa akin!!!!"

Kinuha ni Christine yung stick at hinampas hampas niya sa akin.

"Aray! Tama na Christine. Maawa ka naman sa akin," sabi ko na umiiyak at nasasaktan.

"Maawa, wala sa vocabulary ko yung maawa. Wala akong pake kung masugat ka o mamatay ka. Basta ang imporatante napaparusahan na kita ngayon." sabi niya sabay hampas ng stick sa akin.

Dumudugo na ang katawan ko dahil sa pagkakahampas sa akin ni Christine. Patuloy pa rin niya ako hinampas ng stick nang mawalan na ako ng malay.

--------------
Hospital
Paggising ko nasa isang puti na kwarto ako.

"Flora? Flora?" sabi ng pamilyar na boses.

"Mama?"

"Salamat anak at nagising ka na. Nag-aalala kami ng papa mo sayo. Salamat sa Diyos at ligtas ka." sabi ni mama.

"Nasan po si papa?"

"Tinatawag niya ang doctor."

Dumating na ang doctor at tsineck niya kung okay na ba ako.

"Kailangan niya po ng pahinga at pakain niyo po siya ng madami para bumalik ang lakas niya," sabi ng doctor.

"Sige po. Salamat," sabi ni mama.

Umalis na ang doctor. Wait, paano ako nakapunta dito?

"Ma, paano po ako nakapunta dito?"

"Hindi ko nga alam anak eh. Basta may tumawag sa amin at sinabi na nasa hospital ka daw. Nung dumating na kami dito hindi na namin naabutan yung nagdala sayo dito."

Sino kaya ang nagdala sa akin dito sa hospital? Gusto kong magpasalamat sa kanya. Kung sino man ang nagrescue sa akin salamat.

"Anong bang nangyari at bakit ka nagkaganyan?" tanong ni papa.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila kung anong tunay na nangyari. Baka sugudin pa ni papa si Christine.

"Hindi ko na po naalala," pagsisinungaling ko.

"Ok. Hindi na kita pipilitin na maalala ang nangyari basta mag-ingat ka na sa susunod. Para siguradong safe ka maghahire kami ng bodyguard mo para sure na safe ka," sabi ni papa.

"Hindi ko na po kailangan ng bodyguard. Ok na po ako."

"Hindi kakailanganin mo ng bodyguard," sabi ni mama na parang pasigaw na.

Wala na akong magagawa kaya pumayag na lang ako.

"Sige na. Magpahinga ka na. Para bumalik na yung lakas mo."

Tumango na lang ako at natulog na.

Ms. Nerd Meets Mr. SnobberWhere stories live. Discover now