Chapter 2 - Familiar Person

4K 172 13
                                    

Flora's POV
*kriiiing kriiiing
Nagising na ako ng mga 5pm para hindi na ako malate ulit sa school. Dumiretsyo na ako sa banyo.

Natapos akong maligo ng mga 15 minutes. Tapos kumain ako ng mga 20 minutes. Nagtoothbrush ako ng mga 5 minutes. At nagbihis ako ng mga 3 minutes. May natira pa akong 17 minutes kaya lumabas na akong bahay at naghantay na lang ako ng jeep. Magjejeep ako ngayon dahil nakaday-off pa rin ang family driver namin. Naghantay ako ng jeep mga 15 minutes, bago pa ako makasakay ng jeep. Mga 6:20am na ako nakarating ng school. O diba ang aga ko ngayon.

"Good morning," sabi nung nagbati sa akin na ikinagulat ko dahil may biglang bumati sa akin. Pagkalingon ko isang babae. "Ako nga pala si Susan Taylor, nice to meet you."

"Good morning," bati ko rin sa kanya. "I'm Margaret Flora Gomez but you can call me Flora, nice to meet you too."

Pagkatapos nun dumiretsyo na kami sa locker namin para kunin yung mga libro. Nung sinara ko na ang locker ko at dederetsyo na sana kami sa classroom may nabangga ako ulit. Nung tinignan ko kung sino yung nabangga ko si Nathan nanaman.

"Ikaw nanaman," sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot. "Oo nga pala sorry kasi nabunggo kita kahapon at ngayon, kasi hindi na ako nakapag-sorry sayo kahapon kasi biglang dumating kaagad si ma'am."

"Next time kasi tumingin ka sa dinadaanan mo," yun lang ang sinabi niya at umalis na siya agad.

Ang sama pala ng ugali niya. Akala ko mabait, yun pala masungit. Kinuha ko na ang mga gamit ko na nahulog sa floor. Nung pinupulot namin ni Susan yung mga libro ko may biglang tumulong sa amin isang lalaki. At nung napulot na namin ang libro ko nagpasalamat na ako sa kanilang dalawa.

"Alam kong akala mo na mabait si Nathan yun pala masungit. Ganun na siya since elementary dahil sa family problems," sabi sa akin nung lalaki. "Ahh my name is Jeff Montero, nice to meet you," pagpapakilala niya sa amin.

"My name is Margaret Flora Gomez, but you can call me Flora instead. And this is, Susan Taylor," pagpakilala namin sa kanya.

"Teka taga class 3-B kayo diba?"

"Oo, bakit?" sabay namin siyang tinanong.

"Sabi ko na nga ba eh. Kayo yung new students. Magkaklase tayo."

"Huh? Eh hindi kita nakita sa classroom kahapon ah."

"Absent kasi ako kahapon kaya hindi mo ako nakita sa classroom nun. Total magkaklase naman tayo sabay na tayong pumunta ng classroom."

"O-ok," sabi ko. Tumango na lang si Susan.

Dumiretso na kaming classroom. Hindi pa dumadating ang teacher namin kaya nagkwekwentuhan na lang kami nina Susan, Jeff, at ako.

"Flora, may naging boyfriend ka na ba?" tanong ni Jeff

"Wala, bakit mo natanong?"

"Wala lang. Maganda ka kasi kaya akala ko may boyfriend ka na," sagot ni Jeff habang nakangiti. Napangiti rin ako sa sinabi niya kahit alam niya na isa akong nerd.

"Ok. Eh kayo Jeff at Susan, may naging gf at bf kayo?"

"Wala," tipid na sagot ni Susan.

"Ako rin wala. Wala pa kasi akong nagugustuhan eh," sabi ni Jeff.

"Ah ok," tipid na sagot ko.

Dumating na ang teacher namin. Nag-start na kaming mag-aral.

Nag-bell na at sakto gutom na ako. Niyaya ko na sila Susan at Jeff na kumain. Nagsama si Jeff ng mga kaibigan para kumain. Isa-isa silang bumati at nagpapakilala sa amin.

Ms. Nerd Meets Mr. SnobberМесто, где живут истории. Откройте их для себя