" E malandi naman pala yang Afishang yan e " nagulat naman ako sa kanya, grabe. Mukhang may galit sya

" Ha? papanong malandi ? "

" Kung ako maiinlove sa lalaki at alam kong may mahal na syang iba at alam ko din namang mahal sya ng mahal nya, bakit pa ko makikialam sa love story nila? " seryoso nyang sabi, e pano kung sabihin ko sa kanyang mahal ko pa din si Afisha? At alam kong mahal na din ako ni Afisha ngayon? Pababayaan nya na lang kaya kami? Ayoko. Ayokong mawala si Mhimoi sakin. Ano ba to, hindi ko na naiintindihan yung nararamdaman ko. Parang ang hirap mainlove, lalo na sa dalawang tao. Sino ba talaga yung pipiliin ko sa kanila? Yung babaeng minahal ko noon na mahal na ko ngayon o yung babaeng mahal ko ngayon na alam kong mamahalin ako hanggang dulo?

" Pero kung alam ko naman na may pagtingin din sakin yung mahal ko, syempre ipaglalaban ko yun. Kahit pa buong mundo... yung kaaway ko" dahan- dahan nyang sabi, bigla akong nakaramdam ng koryente, koryente na nagpatigil sa circulation ng dugo ko. Eto ba yung sinasabi ni Vince na koryente? Yung tipong parang may bato sa puso mo na bigla ka nalang maninigas at makakaramdam ng sikip sa paghinga?

" Pero kung alam kong hindi nya kayang kalimutan yung babae, hindi ko sya pipilitin.... Kung mahal nya ko.... Mamahalin nya ko...Ako at ako lang.. " sabi nanaman ni Mhimoi. Para syang may pinaghuhugutan. Ako kaya yon? Osi.. Lee min ho?

" O ano na? Ano ng next na nangyari ? " ay oo nga pala. Nainip tuloy sya, nagkekwento nga pala ko.

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang