Part 8

1.5K 27 6
                                    

"PANGEEEEEET !"

*BUGSH ! *

"ARRRRRRRRRRGHHHHHHHH !!!!!!!" binato nya ko ng malaking bato sa ulo, arggGG! kamalasan !

://

Mhimoi's POV

"San na ba yung walang kwentang driver na yon !!!!!!!!!!!! " naglalakad ako ng paika-ika ngayon dito sa hindi ko alam, yung Hinston na kasi na yon e tatangatanga,

<< Flashback >>

"Pasalamat ka magalang ako sa mga babae, subukan mo pang ulitin yon, malilintikan ka talaga sakin !" aray, ang sakit, lagi syang nananabunot. Bakla talga sya T_T Binitawan nya na yung buhok ko, nagsimula na syang maglakad. Ganon ha!

"PANGEEEEEET !" sabi ko pagkatayo ko

*BUGSH ! * tapos pagkaharap nya binato ko sya ng malaking bato na malapit sa kin.

"ARRRRRRRRRRGHHHHHHHH !!!!!!!" hahaha ! humihiyaw sya sa sakit buti nga ! Pero habang nanglulumo sya sa sakit aba syempre tumakbo na ko, may halamanan dun, doon ako nagtago.

"Asan ka ha ! lumabas ka ! sasapakin kitang impakta ka ! " sabi nya

"che!" sigaw ko. Hala! baka mahanap nya ko. Tinakpan ko ng dalawang kamay ko yung bibig ko.

"Asan ka ! lumabas ka !" hinayaan ko lang sya, buti nalang madilim dito.

"Pagnahanap kita ipaparape kita sa aso namin !" sigaw nanaman nya

"Pagkalat mo!" sabi ko naman. Nakakabadtrip e!

"Asan ka !!!!!!!" nagwawala na sya sa galit. Buti nga sa kanya!

"Hoy ! " sino yon? sumilip ako, may pamatpat ? tanod ata?

"Gabi na ha ! hindi mo ba alam na may curfew dito ha !" Tinuro nya ng pamatpat si mukhang tanga

"Pwede ba ! 19 na ko ! Umalis ka nga dyan ! Baka ipalo ko pa yang stick mo sa mukha mo!" grabe .. ang sama talaga nito, hindi ko na tinignan yung dalawa, mamaya mapansin pa ko nung mukhang tangang yon. Pagkatapos ng irinigan parang biglang tumahimik

*PAKK! *

"hhhuh !" sabay takip sa bibig ko, nagulat ako e, tinignan ko, yung malaking bato, binato nya dun sa dingdeng, napikon ata, hindi ako nahanap e. Mukhang wala ng ingay , baka nakaalis na yon.

<< end of flashback >>

"Hoy! ano ba? hindi ka ba pupunta dito ha ! gusto mong isisante kita ngayon na !" sigaw ko dun sa driver ko habang kausap sya sa cellphone, nakakatakot pa naman dito. Walang kataotao, ang dilim pa

"Eh ma'am asan po ba kayo ? " ang bobo talaga nito ! ako pa tinanong! dapat alam nya na ! kaya nga driver sya e !

"Gusto mo talagang masisante no ?! bakit ako tinatanong mo! trabaho mo na alamin kung asan ako ! kapag wala kapa dito with in one minute wag na wag ka ng tatapak sa pamamahay ko !" para akong tangang sigaw ng sigaw dito, e bat kasi nya ko tinatanong e hindi ko nga alam kung asan ako bwiset !

*BEEP BEEP* sya na ata to. Sampung minuto na kong naghihintay ha ! Nakakainis !

"Bakit ang tagal mo !" sigaw ko dun sa driver

"Sorry ma'am, ang tagal po madetect ng cellphone nyo kung asan po kayo e, pasensya na po talaga" hindi ko na sya inimikan, pagod na ko e.

"Good evening ma'am " bati nung panget naming katulong na palamunin pagkabukas sakin ng pinto

"Mukha bang maganda yung gabi ko ha?! lumayas ka dito ! wag ka ng babalik !" sigaw ko sa kanya, kabadtrip e !

"Pero ma'am .. " tinitigan ko lang sya, hindi nya na tinuloy yung salita nya, yumuko nalang sya.

"Hey baby .. " sino naman yon ? Bigla akong napalingon sa hagdan, si Mama pala. Bumabababa ng hagdan

"Ma? dumating na pala kayo ? Asan si Papa? " nagsimula na kong maglakad papuntang couch

"Teka? bakit mukha kang nirape? Bakit wasak yang medyas mo? Tsaka bat isa nalang yang sapatos mo ? Yang bag mo ano ba yan? Anong nangyari sayo ? Bakit hindi mo alam kung asan ka? " tanong ng tanong eh ! nakakairita, kararating nga lang putak pa ng putak

"Ano bang pake mo Ma? Wh minsan ka nga lang umuwi dito ? " tapos umalis na ko, aakyat na ko sa taas, sa kwarto ko. Hindi ko sya pinansin sa hagdan, nilingon nya lang ako. Pumasok na ko sa kwarto ko.

*UGGH * sabi ko pagkahiga ko ng kama. Nakatingin ako sa kisame, natutuwa kasi ako pag nakikita ko yung picture ni Lee Min Ho dito sa kisame ko, pagkagising ko, sya nakikita ko, bago ako matulog sya nakikita ko, kahit pagkauwi ko sya nakikita ko. Natutuwa kasi ako sa kanya. tapos may pirma pa nya, see? nakakatuwa diba. Pano ko nga ba nakuha yung signature nya?

<< flashback >>

"Wooooo !!" ang ingay, mall tour nya. Isa isa ng lumalapit yung mga fans nyang panget, maliban sakin, para kamayan sya.

"Umalis ka nga !" tinulak ko yung babaeng nakapila, ako muna dapat no tsk. Kakamayan mo lang si Lee Min Ho tapos bibigyan ka nya ng poster. Ako na yung next.

"Tek you" sabi nya. Ano daw? pasalamat sya gwapo sya, kakamayan na sana nya ko e, pero hinablot ko yung poster na iaabot nya, binuksan ko yung poster. Yung mga bodyguards nya nakatingin lang sakin, nanahimik naman yung buong tao na nakapalibot sa center event.

"Sign this !" sabi ko pagkatapos kong buksan at ilapag sa table nya

"Sorry ma'am, it's beyond his job" sabi ng katabi nyang babaeng naka itim , ano daw? nagbayad ako ng malaki para maging vip tapos ganito lang?

"I said sign this !!!!!" sigaw ko.

"Ne? " sabi naman ni Lee Min Ho. anong ne? wag nya kong ma ne ne dyan ha! hindi naman ako lumaki sa korea para matutunan yung lengwahe nya no!

"Hoy ! wag mo kong ma ne ne dyan ha ! sign this ! now !" sigaw ko sa kanya, nanlaki yung mata nya e.. ang cute nya nakakainis.

"Hey !" hinila na ko nung guard. Aba.. Paepal to ah!

*BUGSH* sinipa ko sya, tanga e nakitang kausap ko pa si Lee Min Ho

"Sign this !" tinuro ko ng hintuturo ko yung poster

"Chuchu Bachangchang kembot kalembang" sabi ni Lee Min Ho dun sa body guard na malapit sa kanya. Nag gesture naman ng sign yung body guard nya, siguro nagets nya na yung gusto kong ipagawa. Lumapit ulit ako sa kanya. Tapos nilapag yung poster, tapos ayon napirmahan na, tapos umalis na ko. Easy diba?

<< end of flashback >>

"Ang baho ? " sabi ko habang nakatingin sa poster ni Lee Min Ho, inamoy ko yung sarili ko

"Pwe !" hindi pa pala ko nag sha-shower. Maka shower na nga.

:// end of part 8 ://

-girllivingtodfullest

When you admire the person, you'll do everything to have something you can remember about him/her. That's the essence of affection :) - girllivingtodfullest

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Where stories live. Discover now