"Hoy ! " nilapitan ko si impakta, tapos binulungan ko

"Isa pang sabi mo na mahabo hininga ko hahalikan talaga kita" bigla naman syang napatingin sakin at napapikit. Hindi sya naghihintay ng halik, bigla nalang syang natumba at nawalan ng malay

"Ho-hoy ! teka teka bilis !! " Nako nayari na! Wala naman akong ginawa ah? binulungan ko lang sya! argG!

://

"Bilis pre! " sabi ni Vince sakin, hawak nya yung paanan ni Impakta, hawak ko naman yung ulo nya. Dumiretso kami dito sa clinic ng school namin, nagmamadali kaming pumasok sa pintuan. Binuksan naman ng guard yung pintuan. Pagkapasok, dumiretso agad kami sa mga ward at hiniga sya, bigla namang lumapit samin yung doctor.

"Anong nangyari ? " nagulat naman ako kay Vince nang biglang tumakbo palabas

"Hoy san ka pupunta?! " langya talaga tong Vince na to!

" Naiihi na talaga ko pre!! " tumakbo na sya paalis

" Ah? bakit po? " tanong ko dun sa Doctor na kaharap ko.

" Sabi ko, anong nangyari sa kanya? Teka, lumabas ka muna. Bibihisan lang sya ng nurse ng 

gown. " Lumapit nanaman yung nurse na hawak yung gown

" Ah sige po.. " lumabas na ko. Maya-maya tinawag na ko ni Doc. Nakabihis na ng gown si 

Impakta

[A/n: Para sa mga bata, o sa mga hindi nakakaalam. Ang gown po dyan ay hindi gown na pang party. Yan po ay damit ng mga pasyente sa hospital ]

"Anong nangyari sa kanya?" napatingin naman ako kay Impakta

"Ahh ano po Doc, nahimatay po sya.. " tinignan naman sya ni Doc

"Bakit? Ano ba yung last nyang ginawa? " hinawakan nya yung pulso ni Impakta

"Tumae, ay hindi po, ano po doc, ah.. sumali po kasi sya sa basketball namin " ano ba yon? 

San galing yung tumae?

"Ahh .. May hika ba sya? " aba malay ko, sana meron

"Hindi ko po alam e.. " sinuot nya naman sa tenga nya yung stethoscope

"Anak naman oh! Girlfriend mo tapos hindi mo alam kung may hika?! "

"Ha? hindi ko po sya girlfriend! "

"Oh? Eh bakit nakipaglaro sya ng basketball e kababae nyang tao? " chinecheck pa rin nya si Impakta

"Paepal po kasi yan Doc "

"Ha? " kumunot bigla yung noo nya

"Ano po kasi, biglang nakisali "

"Ahh siguro fan mo sya kaya nakisali "

"Ha? " ako naman yung nangunot ng noo

"Nako wag ka ng magkaila kilala kita, ikaw si Hinston Lee, teka nga picture muna tayo .. " kinuha nya yung cellphone nya na nasa bulsa sa harap ng damit nya.

"Ha? Sige po " Nagpeace sign pa sya. Yung totoo? Doctor ba talaga to? O sya yung pasyente?

"Teka asan na ba tayo? " tanong nya, tinignan ko naman si Impakta. Hindi pa din sya nagkakamalay

"Maganda sya ah.. Pansinin mo naman kasi kahit minsan para hindi sya nag eeffort ng masyado 

" natawa naman ako sa kanya at nakaisip ng kalokohan

"Ahh.. Pinapansin ko naman po yan doc, sa totoo lang, idol nya nga daw ako e. Minsan nga po binuhat nya lahat ng gamit ko, e nakakahiya naman, ako yung lalaki, tapos sya yung nagbubuhat. Alam nyo ba doc, picture pa ng picture yan sakin. Nakikisit in pa sa klase namin " Hahaha ! It's my time impakta!

"Ganon ba? Eh sino ba naman ang hindi magkakagusto sayo e ang pogi mong bata, teka nga.. Ano bang pangalan nya? " hmmm ano nga ba? Hihihi there's something in my mind

"Impakta po " kinuha naman ni Doc yung listahan ng mga pasyente

"Ha? " Nangunot naman yung kilay nya

"Opo yun po yung pangalan nya, yun po yung sabi nya nang nagpakilala sya sakin " nakakangawit. Umupo ako sa gilid ng higaan ni Impakta

"Ahh ganon ba.. E ano naman yung apelyedo nya? " sinulat nya na yung pangalan ni Impakta

"Impakta Gums po " Haha! natutuwa talaga ko, it's time for my revenge wahahaha

"Gums ? " tanong ni Doc

"Opo" Nagsulat ulit sya

"Aba't bakit sa ganda naman ng babaeng to Impakta pa ang napiling pangalan ng magulang nya ? " tinignan naman nya si Impakta, pati ako napatingin kay Impakta

"Mukha daw po kasi syang Impakta nung bata .. " sabi ko na naman

"Oh? Eh bakit kay ganda naman nya ngayon ? "

"Ano po kasi, pinadala sya sa Thailand para magpasurgery, ang dami nya nga pong pinaayos e. Yung ilong nya, mata, pisngi, tababoy din daw po sya nung bata " kinikilatis naman sya ng Doctor, hahaha

"Nako e Doctor ako at hindi ko nakikitang peke yung ilong nya? Pero teka, bumagsak ba sya kanina? Baka naman tumama yung ilong nya ha? Nako masama yon! "

"Actually Doc nauna yung mukha nya, buti nalang hindi natuluyan " Hahaha!!

"Ano?! Eh kay tibay naman ng pagkakagawa sa kanya? " ang tanga naman nito , nakakabadtrip, hayy natutuwa na nga ako e! Matignan na nga lang ulit si Impakta.

"Kala siguro nya ang ganda nya? " hayy kung sa bagay, kahit kita gums nya pagtumatawa. Maganda padin sya, mistisa e! Hindi naman talaga malaki yung gums nya, O.A lang din talaga ko. Hinanapan ko lang sya ng pang-asar. Wala kasi akong mahanap sa sobrang ganda nya, nakakainis lang talaga yung ugali nya. Tsk!

"Ha ? " react ni Doc. Ay nakalimutan ko may kasama nga pala ko, si Impakta kasi pasleeping beauty e. Ang arte!

"Hmmmm .. " Napatingin naman kami ni Doc kay Impakta. Gising na sya at nag-unat. Umalis 

naman ako sa higaan nya at umupo sa upuan habang tinitignan sya

"Asan ako?! " biglang mulat ng mata nya

"Oh Impakta ayos ka na ba ?" sabi ni Doc hahaha, nanlaki naman yung mata ni Impakta

"Hoy mukhang model ng Zonrox! Hindi Impakta ang pangalan ko! Bakit ako nandito ha?! " binangon naman ni Impakta yung balikat nya. Sumandal sya sa ulunan ng higaan nya.

"Ha? E diba ikaw si Impakta Gums ? " haha natatawa lang ako sa gilid. 

"Anong Impakta Gums?! Sino nagsabi nyan!" sigaw nya

"Yung Idol mo .. " HAHAHA!

"Ano? At sino naman yung Idol ko ha ? " sabay taas ng kilay nya kay Doc.

"Sya " tinuro ako ni Doc.

"Ahhhhhhhhhhh !!!!!!!!!! " nagulat kame sa tili nya

"Ilayo mo yan sakin! Nahimatay ako dahil sa hininga nya! Ahhhhhhhhhhh !!!!!!!" Bwisit to! Nakakainis ! Pinapahiya ako e!

:// end of part 11 ://

-girllivingtodfullest

If ever you meet again the person who makes you feel so much irritated, you will never expect the next thing that will happen :) - girllivingtodfullest