Part 47

674 10 0
                                    

" Home sweet home! " sigaw ko pagkalabas ng auto ko, lumabas na din sila Mhimoi, Afisha at ang dakilang chanak.

 

 

 

" Home become not home " sabay tingin ni Shenak kay Mhimoi. Sira ulo talaga to.

://

" Hi Tita! Tita? " unang pumasok si Vince sa bahay, hawak nya naman yung kamay ni Grace, magkakasabay naman kami nila Mhimoi.

" Tita? " ulit pa nya, binatukan ko na

" Aray! " 

" Hinston! " sigaw ni Grace

" Ay sorry Grace, e yang boyfriend mo e, Tita ng Tita nakita na ngang patay yung ilaw. Teka, upo muna kayo " Inon ko yung chandelier , umupo na sila , magkatabi si Afisha at Grace, si Mhimoi umupo na din, si Shenak naman nakatayo lang at tinititigan ng masama si Mhimoi

" Arf! Arf! " 

" Uy may tao pre! " Sabi ni Vince

" Wala, si Shenak yon. " 

" CHE! " natawa naman kaming lahat

" Excuse me." tumayo bigla si Mhimoi para lumabas. Agad namang tumakbo si Shenak sa bintana para tignan kung anong meron, inurong nya yung kurtina.

" Sino yon? " tanong ko kay Shenak. Binitawan nya na yung kurtina at nagsimulang maglakad papunta sa couch.

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon