Part 66

581 6 0
                                    

" Pwede mo bang ikwento sakin kung pano kayo nagkakilala? " tinignan naman nya ko.

" Makikinig kaba? " sabi naman nya.

" Oo naman. " Sumakay na kami sa eroplano at nagsimula naman syang magkwento.

://

" Fan lang talaga nya ko noong una, dumating naman yung pagkakataon na nagpunta sya dito sa Pilipinas. Dalawang beses na syang pumunta dito sa Pilipinas, yung unang beses, hindi alam yon ng publiko. Exclusive lang sa iilang tao. Noong pangalawang beses naman, yoon naman yung nagadvertise sya sa Bench. Nakita ko sya noong unang beses na nagpunta sya dito sa Pilipinas. Kasama ako sa mga taong exclusive lang na makita sya. Nagpapirma ako sa kanya ng poster hanggang sa one time, napasama sya sa project nila Papa, guess sya na ikinagulat ko naman " patuloy lang akong nakikinig sa kanya. Mukhang lahat naaalala nya, mukhang minahal nya nga talaga yung Lee Min Ho na yon.

" Sa korea ba ginanap yung business ng Papa mo ? " sabi ko.

" Oo. Tapos ayon, akala ko hindi nya ko maaalala. Nakakahiya man pero hindi daw ako nawala sa isipan nya dahil ako lang daw ang nakagawa non sa kanya" nangunot naman yung kilay ko

"Ng ano ? " sabi ko. Anong yung sya lang yung nakagawa non sa kanya? Ano yung tinutukoy nya?

" Ahh, may kulang pala. Bago ko kasi napapirmahan sa kanya yung poster ko, pinilit ko pa sya. Bawal kasing magpapirma, kakamayan mo lang talaga sya tapos aalis kana. " nagulat naman ako

" E ano namang gagawin mo sa kamay nya? Pupunta kalang don para kamayan sya? " inis na sabi ko

" Oo, hindi mo kasi nararamdaman yung pakiramdam ng isang die-hard fans! Pero hindi naman ako die-hard. Nek nek nya no! " Nagcross arms naman sya. Napangiti naman ako dahil ngayon ko nalang din sya nakitang mag cross arms.

" E pano mo naman sya napapayag na pirmahan yung poster mo? " sabi ko.

" Edi pinilit ko sya, ayon. Wala syang nagawa " nanlaki naman yung mga mata ko. Parang ako yung nahiya sa kanya. Loko talaga to.

" Pagkatapos? " dugtong ko. Napatingin naman sya.

" Hmm, pagkatapos .. Ano nga bang nangyari? .. Uhh oo, hiningi nya yung number ko " poker face naman ako

" Syempre binigay ko " wala parin akong reaksyon.

" Hanggang sa naging textmate kami at masnakilala namin yung isa't isa " hindi parin ako nagsasalita

" Hanggang sa nagkadevelopan na nga kami " wala parin akong kibo.

" Hoy? Okay ka lang ? " Tanong nya. Seryoso naman ang hitsura ko.

" Teka? E pano kayo nagkaintindihan? " tanong ko naman.

" May translator sya, minsan naman pag magkachat kami. Gumagamit kami ng google translator. " sumilip naman sya sa bintana.

" Ang corny nyo" pang-aasar ko.

" Ewan ko sayo! " masungit na sabi nya

" E ngayon? Gusto mo pa ba sya ? " sabi ko.

" Hindi na " nangabog naman bigla yung dibdib ko. Teka? Sabi nila, makakamove on ka lang kapag nagmahal ka ng iba. Ako ba yon?

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon