" Yung tae? "

" Oo.. e biglang nangalingasaw ata. Nagtaka yung matanda, tinanong sya, hindi naman sya makaimik kasi ayaw nyang mapahiya, kaya naman ang ginawa ko e, lumapit ako sa kanya at tinuro dun sa matanda yung paa ni Afisha. Ayon, nagalit yung matanda. Kinuha yung gamit nya na bitbet ni Afisha tsaka sya nilayasan. Nanlilisik yung mga mata ni Afisha sakin pero natutuwa talaga ko dahil nakaganti ako sa kanya. Iniwan ko na din sya nung mga oras na yon at hindi ko na din alam kung pano nya hinugasan yung paa nya. Matapos non, nagkaroon ng event sa Village namin, nakita ko si Afisha na katabi si Mr. Khan, yung daddy nya. Tinanong ko si Vince kung sino nga si Afisha na noon e hindi ko pa kilala at wala akong balak na kilalanin. Sabi naman ni Vince, sya si Afisha na pinsan ng pinopormahan nya. 

" Si Grace? "

" Oo.. pagkatapos non, hindi ko na alam kung pano kami naging close, basta dahil nga best friend ang turing ko kay Vince at pinorpormahan naman nya si Grace, lagi nya kong kasama at lagi namang kasama ni Grace si Afisha kaya madalas kaming magkita-kita. Nung una hindi ko inisip na madedevelop ako kay Afisha, bukod sa mabait sya, maganda, matalino---

" O sige, ano ng next na nangyari? " sabat nya agad. Nawala tuloy yung mood kong ikwento kung pano ako nadevelop kay Afisha

" Ha? Ano.. Ayon nga, sya yung babaeng nakakuha ng marami kong firsts, first na bumatok sakin, first na humawak ng kamay ko, first na humawak ng kamay ko na nagpakilig sakin, first na humalik at first na babaeng minahal ko. " biglang tumahimik. Hindi naman nagsasalita si Mhimoi kaya naman tinuloy ko na yung pagkekwento.

" Nung una akala ko may gusto na sya sakin, hinalikan nya kasi ako bigla, friendly kiss lang naman daw yon. Kung sa bagay halik lang naman yon, kung pinagdikit mo yung labi mo sa labi ng iba, para mo lang idinikit yung braso mo sa braso nila, kaso big deal talaga sakin yung paghalik nya dahil nga mahal ko na sya nung mga oras na yon. Umamin sya sakin na may gusto sya kay Vince, at hindi daw nya kayang aminin yon kay Grace --

Ang Babaeng Impakta ( the bad boy meets the bad girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon