"Ok"

May mali... Alam kong may mali...

"Thania"

"Oh?"

"May nagawa ba akong mali?"

"Ha? Wala ah"

"Ok"

"Bakit?"

"Wala lang"

"Ah"

"Thania"

"Oh?"

"I love you"

Ginilid ko ang mata ko para makita ko ang reaksyon nya.

Napatakip sya ng bibig nya at namumula sya.

Sa pagkakaalam ko kapag ginagawa nya yan kinikilig sya... I guess.......

Well ako, Ito ngumingisi ng patago.

Kinikilig din ako pero hindi ko pinapakita.

Ang gay kasi kung iisipin.

Nang makarating na kami sa boy's locker room pinaghintay ko sya sa labas habang kinukuha ko ang P.E. uniform ko.

Kasama kasi sa rules ng school ang bawal pumasok ang babae dito at ganoon din naman kaming mga lalaki sa girl's locker room.

Pagkakuha ko lumabas na ako at binigay ko sa kanya.

"Thanks" sabi nya at nagsmile lang ako.

"Ah sige Steven mauna ka ng bumalik sa room. Matatagalan pa ako, Magsha-shower pa kasi ako"

"Ayos lang maghihintay ako" sabi ko.

"Pero diba sabi mo ayaw kong naghihintay"

"Noon yon pero ngayon hihintayin kita kahit matagal"

Nagnod sya tapos tumakbo papuntang locker nila.

Magkatabi lang naman ang locker room namin kaya hindi na kailangan pang maglakad ng malayo.

Umupo ako sa bench na katabi lang ng pinto.

Ang weird, kakaiba ang kinikilos nya.

Sanay kasi ako na lagi kaming nag aasaran pero ngayon parang may pader na nakapagitan samin....

Haaaaay...

hindi ko namalayan na may tao na pala sa tabi ko.

"Hey ven ven!"

Napatingin ako sa kanya na nakaupo sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.

"Eh bakit ikaw?" pabalik kong tanong.

Nagsimula na akong mainis sa kanya nung nalaman kong sya yung nagsend ng message kay Thania na kunwari ako yun at Sinabi nya na magkasama kami nung birthday ni Thania.

Ang totoo nyan hahabol pa sana ako bago matapos ang party kaso hindi ko ineexpect na dadating si Ray kaya ayun.

pero ayos lang dahil kasi don nagkaaminan kami ni Thania ng totoo naming nararamdaman sa isat isa.

Gusto ko sanang sigawan tong si Miley kaso wag na lang. May sakit to. Baka ako pa ang maging dahilan para lumala ang sakit nya kapag ginawa ko yon.

"Nagshower ako kasi naulanan ako kanina, e ikaw?"

"Hinihintay ko si Thania" madiing sabi ko.

"Si Thania? Nakita ko syang lumabas ng locker room ah" sabi nya.

Napatayo ako.

Saktong pagtayo ko may nagtext sakin kaya kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko.

From: Carefree <3

Msg: Mauna na akong umuwi.

Umuwi na sya?! pero bakit?! Hindi man lang sya pumunta sakin at dinaan nya pa sa text?!

"Ven ven what's wrong?" tanong ni Miley habang nakacrossed legs at nakapalumbaba.

Hindi ko sya pinansin at naglakad na ako palayo pero sinundan nya naman ako.

"Anong meron? Ano ba yung nabasa mo?"

"Tss! Wala!"

Ano bang nangyayari kay Thania? Ba't bigla bigla na lang sya naging ganun? Akala ko ok na kami? Iniiwasan nya ba ako?!

Parang nga...

iniiwasan nya nga ako.. 

MY WRONG MATCHWhere stories live. Discover now