"Thania! San ka galing ?! and you're soaking!" hinawakan ko sya sa balikat pero tinabig ang kamay ko dahilan para mapakunut noo ako.

Lumapit sya kina Emma.

Halata ang gulat na reaction nila pero nawala din agad.

"Ba't basa ka?!" tanong sa kanya ni Emma.

Napakamot sya sa batok tapos ngumiti.

"Nadapa kasi ako habang umiiwas sa ulan eh..ehehe"

"san naman?" tanong ni Ray.

"Basta dun sa may ano..... Ay oo nga pala! Sinong may extrang uniform sa inyo? Hindi ko kasi nadala Yung extra ko..."

Lumapit ako sa kanya.

"May P.E. ka na lang dala ko yung  akin" sabi ko.

Tumingin sya sa mata ko pero inalis nya din agad.

"Eh bawal magP.E. kapag hindi P.E. class" sabi nya.

"Ako ng bahalang mgexplain sa mga teachers" sabi ni Ray.

Malakas to sa teacher. Sya kasi ang SC president.

"eh panlalaki....." sabi ni Thania.

"Hello?! P.E.'s of boys and girls are all the same Thania!" sabi ni Emma habang nakacrossed arms.

Napakamot ulit sya sa batok tapos konting tawa.

"Ay oo nga pala....Haha.. pero kasi-----"

"Wag ka ng magpero pa kesa magkasakit ka" sabi ko at  napayuko na lang sya.

Something's weird...ba't ganyan sya all of a sudden? Ok naman ang kilos nya kanina ah?

"Tara kunin natin sa locker room tapos punta ka na din ng locker nyo para diretso bihis ka na" yaya ko pero nanlaki ang mata nya.

"Eh! wag na! Bumalik ka na lang dito pagkakuha mo"

"pero lalamigin ka na nyan aircon pa naman dito"

Magpoprotest pa sana sya pero bigla na lang syang tinulak ni Emma papalapit sakin.

"Ano ba! Sumama ka na! Pakipot effect pa?!"

"Oo nga Thany! Go na! shoo! shoo!" pag agree ni Lizzie.

Pati ako tinutulak nila palabas...

Hindi naman nila ako kailangan lang tulakin kasi lalabas naman talaga ako =_________=

Paglabas namin, nilock agad nila yung pinto ng room.

Tss! Mga babae talaga..

Nagsimula na kaming maglakad.

Walang imikan...

Hindi ako sanay sa kanya ngayon.

Parang ang tahimik nya at parang hindi kami magkakilala.

Napansin kong nanginginig na sya dahil siguro sa lamig at Basta ang damit nya kaya hinubad ko ang coat ko tapos sinuot ko sa kanya.

Ibabalik nya pa sana sakin pero pinilit ko sa kanya kaya wala na din syang nagawa.

So ito, balik sa tahimik..

~SILENCE

~LAKAD

~SILENCE

~LAKAD

Ugh.... Mabreak na nga ang katahimikan !

"Thania"

"Hm?"

"May problema ka ba?"

"Wala"

MY WRONG MATCHWhere stories live. Discover now