Prologue

465 18 6
                                    


9:46 PM

Great. It looks like he ditched me, in our exact 1st anniversary. She grabbed her bag, saka lumabas ng restaurant. For a while, she wanted to cry. Masyado itong nagdadamdam sa boyfriend na hindi man lang gumawa ng paraan para magkita sila lalo na't anniversary nila.

Sumigaw siya nang hindi kung may magagalit ba sa kanya, wala na siyang pake. "Nakakainis ka Adrian! Sana gumawa nalang ako ng thesis ngayon, leche!"

And she bursted into tears.


Pumunta si Leanne sa terminal ng jeep, para umuwi na, late na rin kasi, pero ilang minuto na ang nakakalipas pero hanggang ngayon, wala pa ring jeep na dumadaan. She decided to call her friend, Samantha— but her kin wasn't picking up her phone. Naglakad lang siya ng naglakad, hinahayaan na ang paa niya kung saan siya nito dadalhin. Until she found herself standing in front of her boyfriend's apartment.

Nandito kaya ito?  Leanne came up with an idea, she'll surprise her boyfriend, kunwari ay makikipagbreak na ito, and para hindi sila maghiwalay, the guy must spend the rest of the day with her.

She looked on her wristwatch.

11:07 PM

Kaya pa 'to, anniversary pa rin naman namin.

Leanne took a deep breath, and entered the apartment. Nagulat siya sa dumi ng lugar nito, pitsel na naglalaman ng juice sa lamesa, may pizza rin na dalawang slice lang ang nabawas, naiwan ring nakabukas ang tv, at may damit na nakabalandra lang sa maliit na sofa nito.

Niligpit ni Leanne ang kalat sa sala at pinatay ang tv, hanggang sa may nakita siyang kakaiba sa damit na nasa sofa. May undergarment ng babae.

Nanikip bigla ang dibdib ni Leanne, hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Dahan dahan siyang naglakad sa kwarto ng lalaki, and to her surpise, there were two naked person; her boyfriend and her friend, Samantha.

No, please.

"Oh hi Leanne, nand'yan ka pala. Surprise?" Samantha kissed her boyfriend's lips.

"You're the worst," aniya.

Ngisi lamang ang sagot ng babae. Bago pa tumulo 'yong luha niya, tumakbo na ito palabas ng apartment.

Mga traydor.

Still Into YouWhere stories live. Discover now