1- Montreal University

21.5K 583 92
                                    

Yhnna's Pov

"Mama ayoko talaga don" pagmamakaawa ko

"Hindi pwede! Tara na't naghihintay na ang papa mo sa labas!" Pasigaw na sabi ni mama

"Pero ma, ayoko po talaga don. Madami pa naman ibang magandang school na pwede kong pasukan basta wag lang sa Montreal University! Tsaka ma kahit sabihin pa natin na half scholar ako malaki pa din ang babayaran natin para sa tuition ko! Isa pa pambayad pa lang sa kuryente nga natin nahihirapan tayo. Kaya please mama wag na po don" pagpilit ko sa kanya.

"Huwag mong isipin yon! Problema na namin ng papa mo yon! Ang importante anak mag aral ka ng mabuti, para din naman sayo yan. Hala! Sige! Labas na! Baka mahuli kapa, Kakaumpisa pa lang ng klase ay late kana! Sige na't lumarga na!" Sabay hampas pa sa puwitan ko bago ako kinaladkad palabas ng bahay.

"Ang ganda naman ng anak ko bagay na bagay ang uniporme mo sayo" puri naman sakin ni papa habang pinupunasan ang tricycle na pinapasada niya.

"Ate! Sasabihin ko sa school namin na ang kapatid ko ay nag aaral sa Montreal University!" Sabi naman ng kapatid kong si Yael.

Pumasok na ako sa loob ng tricycle at sumimangot sa harapan ng magulang ko. Ang kapatid ko naman ay umupo sa maliit na upuan sa loob ng sidecar na siya namang ipinag taka ko.

"Bunso bakit ka dyan umupo? Ang luwang dito ha?" Sabi ko habang turo turo ang upuan sa tabi ko.

"Ayos na ako dito ate! Baka kasi malukot ang damit mo. Ang ganda pa naman! Bagay na bagay sayo" wika niya.

Tinignan ko siya ng masama at pilit na pinapalipat sa tabi ko ngunit sadyang matigas ang ulo niya.

Sumakay na si papa sa motor niya at tinawag si Yael. "Bunso dito kana sa likod sumakay baka malukot ang damit ng ate mo" sabi ni papa na siya namang ikinasimangot ko lalo. Agad namang bumaba si Yael at lumipat sa likuran ni papa at don sumakay.

Unang bumaba si Yael sa harap ng paaralan nila at agad sinabi sa kasabayang kaklase niya ata na ate niya yung nakasakay sa loob ng tricycle at sa Montreal University ako nag aaral. Tinakpan ko nalang ang mukha ko sa sobrang hiya.

********************************************

MONTREAL UNIVERSITY

Pinakita ko kay Manong Guard ang School I'd ko bago niya ako pinapasok sa loob ng school. Napahinto ako at bahagyang naka nganga pa dahil sa gusaling nakikita ko. Nasa europa ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Ang ganda at ang laki ng school na to. Kaya siguro ganoon na lang ka mahal ang tuition fee nila dito.

Nanlalambot ang tuhod ko pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Palinga linga ako dahil sa hindi ko alam san magsisimulang maghanap kung saan ang mga BSHRM nila dito. T________T

May nakita akong mga grupo ng babae na nag uusap usap, halata sa suot at kutis nila na mayaman sila. Magtatanong sana ako kaso nung tumingin sa akin yung dalawang babae ay pinag taasan agad ako ng kilay. Heto na nga ba sinasabi ko eh! Kaya imbes na magtanong ay ngumiti nalang ako at yumuko at nagpatuloy sa paglalakad.

20 minuto na ako naglalakad pero di ko pa din mahanap yung Aurellia Building kung saan daw yung mga Management students daw ay doon. Tumingin ako sa relos ko at humugot ng malalim na buntung hininga. "Unang araw ng klase ko pero late na agad ako" bulong ko sa sarili ko.

Bigla akong napadikit sa pader dahil sa babaeng naka tama sakin habang mabilis na naglalakad, takbo na nga yata ginagawa niya. Huminto naman siya at bumaling sakin at hinawakan kamay ko.

Nakatulala lang ako sa kanya dahil para akong naka kita ng literal na anghel na asa lupa. Ang lambot ng kamay niya na naka hawak sa aking kamay ngayon, ang haba din ng kanyang itim na tuwid na tuwid na buhok. Maputi ang kanyang balat at may mapulang labi, matangos din ang kanyang maliit na ilong.

Ang Boyfriend Kong Manyak (COMPLETED)Where stories live. Discover now