33 -Gio's Condo

5.5K 269 28
                                    

Stephen's POV

Pitong taon na ang nakakaraan pero sariwa pa rin sa aming dalawa ni Gio ang nangyari ng araw na yon. Nagpupumilit si Gwendalyn na sumama sa amin pumunta sa may basketball court ngunit ayaw naman ni Gio. May crush kasi si Gwen sa isa na ka team namin non sa basketball at iniiwas naman ni Gio ang kapatid doon. Dahil sa may pagka makulit ang batang si Gwen na may edad na sampu hindi namin napansin na palihim itong sumunod sa amin.

Napalingon nalang kami sa babaeng sumigaw na "nasagasaan yung bata!" Noong una ay alinlangan pa kaming lumapit dahil sa marami ng taong nagkukumpulan pero biglang tumakbo ang isa sa mga kalaro namin sa basketball palapit sa amin at sumigaw na "tol ang kapatid mo na hit and run!"

Mabilis kaming lumapit sa batang si Gwen na may lumalabas na dugo sa bibig at nakatingin kay Gio I love you kuya dinig ko pang sabi niya bago ito umubo ng dugo. Mabilis naman dumating ang ambulansya na tinawagan ng isa sa mga taong naroon ako naman ay natataranta at pinapakalma si Gio na walang tigil sa pag iyak.

"Pre tinawagan ko na sina Tita papunta na daw sila ni Tito" naalalang sabi ko pa sa kanya habang naka upo sa may labas ng operating room. Tumango tango lang ito sa akin at sinisisi ang sarili na sana ay isinama nalang niya ang kapatid sa amin.

Dumating sina Tita at Tito at mabilis na lumapit sa amin at tinanong ang nangyari, hindi makapag salita si Gio kaya ako nalang ang nag kwento sa mga nangyari. Niyakap ni Tita si Gio at sinabi na huwag sisihin ang sarili at magiging okay lang ang batang kapatid niya. Hindi naman mapakali si Tito na pabalik balik ang lakad habang hinihintay lumabas ang doktor.

Pag labas ng doktor ay agad itong nagtanong sa amin kung sino daw ba ang kamag anak ng pasyente agad namang lumapit sina Tita at sinabing sila ang magulang. "Misis, ginawa po namin ang lahat pero hanggang dun nalang po talaga ang buhay ng anak niyo. Sorry po." Sabi ng doktor. Pagkasabi ng doktor na ganon ay mabilis kaming pumasok sa operating room at nakita ang nakahigang si Gwen na tinatakluban ng kulay berdeng kumot.

"Pre umaambon na, tara na?" Tanong ko kay Gio. Tumayo naman ito at nagpaalam sa puntod ng kapatid at nangakong babalik.

"San tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang nag da drive palabas ng memorial park

"Sa condo ko nalang" tipid na sagot niya.

"Kumusta na kayo ni Tito?" Tanong ko. Buhat kasi ng mamatay si Gwen ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya.

"Ano pa nga ba? Walang pagbabago. Kakausapin ako kapag tungkol sa negosyo maliban don wala na" sagot naman niya.

"Eh si Gail at si Tita?" Tanong ko ulit

"Maayos naman sila" Tipid na sagot nito

Mukhang wala siyang balak mag kwento tungkol sa mga ito kaya hinayaan ko nalang muna siyang manahimik. Agad kong ipinark ang kotse ko sa parking space ng condominium na tinutuluyan niya. Mula ng mag college din siya ay sa condo na rin siya nanirahan kahit ayaw ni Tita.

********

Hinagisan ako ng Beer ni Gio at umupo sa katabing upuan ko, natawagan ko na din ang barkada at pinapasunod ko sila dito. Sinalo ko naman to at ikinampay sa beer na hawak din nito.

Habang nag hihintay sa barkada ay umupo muna ako at sinimulang tipain ang mga tono sa puting grand piano ni Gio. Natatandaan ko pa noong bata kami ay lagi kong tinutukso si Gio dahil sa imbes na gitara ay piano ang pinag aaralan nito. Ngunit nung marinig ko itong tumugtog ng La Campanella ay bumilib ako dito. Kaya kapag may oras ako ay patago akong pumupunta sa Music School malapit sa Village namin at palihim na nag e ensayo.

Inumpisahan kong tugtugin ang Dubbusy ni Clare De Lune hindi ako ganoon kagaling sa pagtugtog ng piano pero ito kasi pinaka nagustuhan kong piece sa lahat maliban sa Beethovens Moonlight Sonata. Lagi itong tinutugtog noon ni Gwen kapag dumadalaw ako sa bahay nila at kapag naririnig ko ito ay para bang nagiging at peace ako at buong paligid.

Ang Boyfriend Kong Manyak (COMPLETED)Where stories live. Discover now