10 - Akin ka na

7.3K 323 27
                                    

Yhnna's POV

Bago kami maghiwalay kahapon ni bessy binigay niya sa akin yung isang paper bag na may nakasulat na Ralph Lauren at isa pang paper bag na may Samsung naman ang nakalagay. At gaya ng dating panakot niya sa akin itatapon lang daw niya mga yon kung hindi ko kukunin. Alam kong kaya niyang gawin yon at madali lang sa kanya ang gawin yon kaya kinuha ko na ito at taos-pusong nagpasalamat.

Nasa locker room ako ngayon buti nalang walang masyadong tao nag text kasi si bessy na magkita kami doon ngayon binuksan ko ang locker ko na walang kalaman laman. Tumatawag si bessy at sinagot naman yon kaagad.

"Hello Bessy nasan ka na?" Tanong ko

"Hello Bessy malapit na ako, asa locker room ka na ba?" Tanong niya

"Oo nandito na halos ka darating ko lang" sagot ko

"Okay, punta na ako diyan see you!" Sabi niya at pinatay na ang tawag.

Agaw pansin naman si manyak na naglalakad ngayon papunta sa akin bulungan tuloy ang mga taong naririto ngayon. Inihanda ko naman ang kamao kong panuntok sa kanya sakaling may gawin pa siyang kamanyakan sa akin. Pero habang naglalakad siya palapit bakit nanlalambot ang tuhod ko dahilan ng pagsandal ko sa may locker ang bilis din ng pintig ng puso ko kaya napahawak ako don. Akala ko'y hihinto siya sa harap ko pero humakbang pa ito ng bahagya bago nagsalita.

"Sabay tayong mag lunch susunduin kita sa classroom niyo" sabi niya at na parang hari kung makapag utos. Naglakad pa siya ng kaunti bago huminto sa harapan ng locker niya. Basta nalang niya ipinasok doon ang bag niya at masamang tumingin sa lahat, mabilis naman nagsi alisan ng tingin sa kanya at yung iba naman nagpasya ng umalis. Naglakad ulit ito papalapit sa akin at hinila ako.

"Kuya saan mo dadalhin ang bestfriend ko!" Sabi ni bessy na ngayon ay humarang sa harapan namin. Para naman akong ewan na walang alam kung ano ang nangyayari.

Hinawi ni manyak si bessy at nagpatuloy na naglakad habang hawak ang kamay ko. Sumunod naman sa amin si bessy at hinawakan din kamay ko at hinila ako.

"Kuya let her go!" Sabi ni bessy niya habang hinihila ako.

"No way" bored na sabi naman nitong si manyak

"Bitaw sabi eh!" Sabi ni bessy

"TAMA NA!" Sigaw ko sa dalawa. "Masakit na braso ko kakahila niyo ha!" Sabi ko pa.

Binitawan naman ako ni bessy pero hindi pa rin ako binibitawan ni manyak.

"BITAW!" sabi ko sa kanya

"Ayaw" sabi naman niya na parang bored na bored naghikab pa nga ang walangya! Ginamit ko ang isa kong kamay para alisin yong pero mas humigpit pagkaka hawak niya.

"Ouch! Nasasaktan ako ha!" Daing ko kaya niluwagan niya pagkakahawak nito. Kinagat ko kamay niya kaya napabitaw ito sa akin agad akong tumalikod at chance ko na para tumakbo kaya pagkahawak ni bessy sa kamay ko ay tumakbo ako ng mabilis humihingal na ako kaya huminto na ako sa pagtakbo.

"Bessy pagod na ako" hinihingal kong sabi

"Sino ba kasi nagsabing tumakbo ka kung gusto mo lang akong makausap?" Naka ngising sabi ni manyak na ikinalaki ng mata ko. Si manyak pala ang nahila ko kanina at hindi si bessy.

Tulala akong nakatingin ngayon kay manyak na pinupunasan ang pawis ko sa noo. Nagkatitigan naman kami kaya napalunok ako at nag iwas ng tingin. Nakita ko naman ang mga taong nakatingin sa amin ngayon yung iba naka ngiti yung karamihan naka taas ang mga kilay sa akin.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya gamit naman ang isa niyang kamay pinalupot niya ito sa baywang ko.

"Hayaan mo silang tumingin" sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. "Gusto ko ako lang tinitignan ng mga matang tinititigan ko ngayon, ayokong may tinitignan kang iba maliban sa akin" sabi niya na nagpalambot at nagpatambol ng puso ko. Buti nalang yakap niya ako sa baywang. "Dahil simula sa araw na to... akin ka na" dagdag niya kaya literal na napanganga ako. Nginisian niya lang ako at biglang inakbayan. Anyare? Ano yon? Paano yon? Bakit naging kanya ako? Ano yon kami na? Ganon lang yon? Tanong ko sa sarili ko habang akbay niya ako at nakangiti habang naglalakad kami.

Ang Boyfriend Kong Manyak (COMPLETED)Where stories live. Discover now